: song recommendation for this chapter When you're gone by Avril Lavigne.
Khairo's pov
Pagising ko ay kaagad ko napagdesisyon na puntahan si Yn sa kwarto nya. Pagpasok ko ay naabutan ko sya na nakaupo tapos nakatingin sa labas ng bintana.
"Baby?" I gently called her out then she smiled at me. Ngiti na sigurado na mamimiss ko. Ngiti na sigurado ay hahanap-hanapin ko pagdating ng araw. Mga ngiti na nagpapagaan ng loob ko. Hindi ko inakala na dadating ako sa puntong ito pero kailangan, kailangan ko itong gawin.
"Are you okay?" tanong ko.
"Masakit pa ba?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa balikat nya na tinamaan ng bala kahapon.
"Hindi naman, daplis lang" nakangiti nya na saad na para bang ayos lang ang lahat.
Nagdadalawang isip parin ako sa gagawin ko."May sasabihin sana ako" pagdadalawang isip ko na saad sa kanya at tumango lang sya sakin habang nakangiti.
"It's been two months...... tapos na ang kontrata" I managed to say what I need to say. Tiningnan nya ako na para bang naguguluhan sya dahil sa sinabi ko.
"Tapos na ang pagpapanggap natin" saad ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.
"You need to leave" dagdag ko na saad sa kanya at sana hindi sya masaktan sa sasabihin ko. Unti-unting nawala na ang ngiti nya sa mga labi dahilan para mabigyan ng kirot ang dibdib ko.
"Teka lang...." nanginginig ang boses nya na para bang merong mabigat sa loob ng dibdib nya.
"Akala ko ba kinalimutan na natin ang tungkol dyan" dagdag nya na sabi.
"Akala ko ba totoo ang lahat"
"Totoo lahat" kaagad ako sumagot sa kanya dahilan para maputol ang pagsasalita nya.
"Pabigat ba ako?" tanong nya sakin.
"No"
"Then why'd you want me to leave?" tanong nya ulit sakin, napahinga ako ng malalim at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya lahat.
"Because-
"Because you don't love me anymore isn't?" tanong nya ulit sakin dahilan para maputol ang pagsasalita ko kanina.
Yn I love you so much....
"Suguro yun na nga" sagot ko sa kanya at yun ang nagbigay ng dahilan ng unti-unting panunubig ng kanyang magagandang mata.
I'm sorry Yn but I need to do this para lumayo ka sakin....
"Nagsasawa kana ba?" nanginginig nya na tanong sakin at diretso ko lang sya na tiningnan sa mga mata pinipigilan ko ang magpadala sa bugso ng damdamin ko.
Kahit kaylan hinding-hindi yan mangyayari....
"Oo" I bluntly replied to her.
Dito kolang nalaman na ang pinaka mahirap palang kalaban ay ang sarili, hindi ko alam kung saan ang susundin ko, kung utak ba o puso.
Nakita ko na mapait syang napatawa at isa-isa ng pumapatak ang mga luha sa mga mata nya at isa ito sa mga kahinaan ko sa kanya, ang makita sya na umiiyak dahil sakin.
"Ganun lang ba yun, yung mga halik at yakap mo totoo ba yun? Yung kung paano mo sabihin na mahal mo ako totoo ba yun? Yung mga gabi na pinaparamdam mo sakin na mahalaga ako totoo ba yun?" tanong nya sakin habang nanginginig ang boses nya. Napakurap ako sa sakit na naramdaman ko pero nagpanggap lang ako na hindi naapektuhan.
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Random"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...