Chapter 38: Culprit

120 16 2
                                    

: song recommendation for this chapter Bad things by Camila Cabello












Yn's pov

Andito kami ngayon kung saan panahon na para makilala kung sino yung nagpadala ng kung ano-ano sakin noong nakaraang araw. Kahapon palang, nung sinabi ni khairo ang tungkol dito ay kinabahan na ako.

Napaigtad ako ng kunti ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko at paglingon ko ay walang kundi si khairo.

"Don't worry I'm here" saad nya sakin dahilan para mapangiti ako ngunit bigla kaming napalingon ng marinig namin si Gabrielle na tumikhim.

"Mamaya na yan" saad nya samin pero hindi nalang namin pinansin. Agad kami naglakad papasok sa isang silid kung nasaan ang tao na salarin sa lahat.

Pagpasok ko ay wala akong ibang nakita kundi si Aica na nakayuko at ang mga magulang nya. Pinaupo kami ng mga pulis at sinimulan na ang interogasyon.

Napatingin sakin si Aica at dumapo ang mga mata nya sa kamay ko na hawak-hawak ni khairo.

"Gusto po namin humingi ng tawad sa ginawa ng anak namin" panimula ng mama ni Aica at tumango naman ang papa nya.

"She's just a nineteen years old girl, hindi nya pa alam ang ginagawa nya" dugtong naman ng papa nya at mapait lang na napangiti si khairo.

"My girl here is just an eighteen years old, ngayon...... sino sa tingin nyo ang dehado?" napatingin lang ako kay khairo na nagsasalita para sakin.

"Iyang anak nyo na nagpadala ng death threat sa fiancee ko o ang fiancee ko na nagka trauma dahil sa anak nyo" dagdag nya pa na salita pero hindi parin sumuko ang mga magulang ni Aica.

"Alam namin na mahirap ito para sa inyo pero mahirap din ito para saamin, mas mabuti pa na magkaayos nalang tayo kaysa sa umabot sa korte" saad saamin ng mama ni Aica na nangungumbensi. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita at nanginginig na ako dahilan para mas lalong humigpit ang paghawak ko sa kamay nya.

"Still a no for me" sagot ni khairo dahilan para maalarma ang mga magulang ni Aica. Nakayuko lang si Aica tulad ko.

"Ano ba, hindi porket sikat ka ay abusuhin mo na" mapait na napangiti si khairo sa ama ni Aica.

"Ginagawa ko lang ang tama, porket kayo ang dehado sa kaso hindi ibig sabihin nun ay wala na ang hustisya sa inyo kundi nagpapatunay lang yun sa maling ginawa ng anak nyo" kalamadong sagot ni khairo sa mag-asawa.
Napalingon si khairo kay Aica na nakayuko.

"Ikaw, bakit mo yun ginawa?" biglaang tanong ni khairo kay Aica na ngayon ay napatingin sa kanya.

"Khairo, I've never meant to sent her those... I'm just your fan, just your fan that wants your attention..." sagot nya kay khairo sa mahinang boses.

"That was the most stupid thought I've ever heard, are you being for real? Sending death threat to my fiancee just for my attention?" Magkasalubong ang kilay nya kay Aica. Dahan-dahan ko na hinila sa ilalim ng mesa ang laylayan ng damit nya dahilan para mapalingon sya sakin.

"Galit kana naman" saad ko sa kanya sa mahinang boses bago nya binalik ang atensyon nya kay Aica.

"How did you know that she's my fiancee?" tanong ni khairo kay Aica. Oo nga pala, muntik kona makalimutan na nagpapanggap pala kami na mag fiancee.

"Nagbayad ako ng malaki para ipa trace ang location nya at hindi ko inasahan na nasa bahay mo ang location  at doon na ako nagduda" saad nya pa habang nakayuko.

"Kung hindi ba ako nag record ng araw na yun, hindi ka ba titigil sa pag bully kay Yn?" tanong bya dahilan para mapatigil si Aica. Hindi lang si Aica kundi ako napatigil din. Noong examination namin, yung lalaki na naka facemask na nag record ng lahat, ibig sabihin sya yun.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo" agad na tanggi ni Aica dahilan para lumingon sakin si khairo.

"Yn" tawag ni khairo para mapalingon ako sa kanya.

"Can you tell to her parents on how she kicked and slapped you that time" marahan na saad sakin ni khairo at ramdam ko na hinihimas nya ang kamay ko sa ilalim ng mesa, medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa ginawa nya.

"N-nung araw na yun..... h-hindi ko sa kanila binigay ang sagot ko sa exams bilang kodigo nila, ang resulta nun ay sinaktan po nila ako" nanginginig ko na sagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng magulang ni Aica.

"Mama , Papa hindi ko naman po talaga yun sinasadya" napatigil kaming lahat ng biglang sinampal si Aica ng ama nya dahilan para mapatigil sya sa pagsasalita.

"Pinag-aral ka namin sa mamahaling eskwelahan at kumuha pa kami ng personal tutor para sayo tapos kahihiyan lang ang ibibigay mo" sigaw ng ama ni Aica sa kanya. Agad tumayo si khairo sa kinauupuan nya at tumayo din ako saka nya ako hinila palabas ng silid kasama si Gab.

"Uwi na tayo, tapos na ang drama" saad nya sakin habang nakangiti, his gummy smile gives butterflies in my stomach.

"You did a great job" dagdag nya pa na saad. Paglabas namin ng silid ay kaagad ko sya hinila sa isang sulok para kausapin.

"Hindi parang grabe naman ata na kasuhan si Aica" saad ko sa kanya ta napahawak sya sa beywang.

"She deserves it" sagot nya sakin habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Nag-aaral sya, what if hindi sya makapagtapos dahil sakin" nagsalubong ang kilay nya dahil sa sinabi ko.

"It's not your fault, it's her" tiim na sagot nya sakin.

"Ganun parin ang iisipin ko kapag nakulong sya" I poutedly replied to him.

"Ang saakin lang kasi, let's give her another chance" dagdag ko na saad habang nakayuko at napabuntong hininga lang sya.

"Gab" napalingon si Gab saaming dalawa dahil tinawag sya si khairo.

"Withdraw the case" napatango lang si Gabrielle sa sinabi ni Khairo. Napangiti ako dahil nakinig sya sa sinabi ko.

"Mauna na ako, may aasikasuhin pa ako" napalingon kami kay Gabrielle na nauuna na sa paglakad at hinayaan lang namin sya ni khairo.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw pala yung nakakita saamin sa hallway" tanong ko sa kanya pero hindi nya man lang ako sinagot at kinindatan nya lang ako.








Khairo's pov

Pag-uwi namin ay kaagad na binaba ni Yn sa sofa ang dala nya na shoulder bag saka nya isa-isang hinubad ang sapatos at naglakad paakyat sa ikalawang palapag diretso pasok sa kwarto para humiga. Natawa lang ako sa asal nya at ako nalang ang nag-ayos ng sapatos nya na nakakalat sa sahig.

Sumubra ata ang pagod nya ngayon.

Paglingon ko sa sofa kung nasaan ang bag nya ay may nakita ako na nahulog sa sahig. Pinulot ko ito at tiningnan.

It's Yn's school ID. Napatingin lang ako sa litrato nya na nakangiti hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa Birth year and birth day nya. Napatigil ako ng marealize ko kung ano ang nakita ko.

Bakit parang wala man lag syang kibo, bakit parang wala syang balak sabihin sakin.

Tomorrow is her birthday....



__________________________
Vote for this chapter (⁠╯⁠°⁠□⁠°⁠)⁠╯⁠︵⁠ ⁠┻⁠━⁠┻

goodluck sa next chapter bhe..... grabe bhe ang layo na ng narating mo o, nasa chapter 39 kana kaagad....

Kawawa yung sofa andaming pinagdaanan.

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon