: song recommendation for this chapter Wish you were here by Avril Lavigne
After 4 years.....
Yn's pov
"Happy 22nd birthday besh" bati sakin ni Shea na ngayon ay isa ng sikat na influencer. Ako naman ay nag-aaral pa ng psychology, at meron din akong flower shop na ngayon ay kilala. Nag susuply ako sa ibang flower shop at sa mga event katulad ng kasal.
Andito kami ngayon sa flower shop ko at masaya na nagkukwentuhan.
"Ano Kaba last month pa ang birthday ko" natatawa ko na saad sa kanya.
"Naka red ka kasi, pulang pula o" sagot nya naman sakin.
"Besh mag boyfriend kana kaya, since birth hindi ka nagka jowa" saad nya sakin at napangiti lang ako habang inaayos ang mga bulaklak. Oo nga pala, hindi nya alam ang tungkol samin ni khairo.
Napatigil ako saka napangiti ng maalala ko lahat ang masasayang araw naming dalawa. Lahat ng katuwaan, yung naligo sa ulan, yung pinagluto nya pa ako, yung mga oras na yakap nya ako. Lahat ng yun bumabalik sa utak ko.
"Kumusta na kaya sya ngayon.....
"Yn!" nagulantang nalang ako bigla ng sinigawan ako ni Shea.
"M-may sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.
"Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka pala nakikinig" saad nya sakin habang nakahawak sa beywang.
"Ang sabi ko dapat mag boyfriend kana, magkaron ka man ng experience magka jowa" dagdag nya na saad habang nililista ang mga bulaklak na bagong dating palang. Masaya ako dahil pag wala syang ginagawa ay sinasamahan nya ako dito.
"Hindi ko kailangan nyan dahil madami na akong naranasan" saad ko naman sa kanya at tiningnan nya lang ako na para bang naguguluhan sa sinabi ko.
"Ang weird mo bhe, kaya naman pala hindi ka nagkaka jowa eh, syanga pala may dumating kanina na wedding invitation para sayo" saad nya dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos ng mga bulaklak.
"Ikaw din yung kinuha nila na flower decorator ng event" dagdag pa nya na saad. Kaagad nya sakin binigay ang wedding invitation. Binasa ko ito at napangiti ako.
Sa wakas ikakasal na din sya.....
Anak ng tito ko ang ikakasal, parang kapatid kona din ito dahil mga magulang nya ang nagpalaki sakin. Tiningnan ko ang pangalan ko sa bridesmaid section, at ayun nga ang pangalan ko.
Pero napatigil ako sa pagbabasa ng makita ko ang pangalan ni Ace. Abay din si Ace katulad ko at sya ang partner ko.
Pangalan ni Ace ang nabasa ko pero si Khairo kaagad ang pumasok sa aking isipan.
"Good morning" napalingon kami ni Shea sa entrance door ng shop ko. Napangiti ako dahil si Evan lang pala.
Noon pa man, matapos mangyari ng lahat ay si Evan na ang palaging nakakaalala sakin at halos araw-araw syang pumupunta dito para bisitahin ako.
Lumapit ako sa kanya para batiin sya.
"Magandang umaga din saiyo ginoong Vergara" bati ko sa kanya pabalik at napangiti lang sya, at ngayon kolang na realize na sana kay Evan kona lang binuhos lahat.
Narinig namin na napatikhim si Shea dahilan para mapalingon kami ni Evan sa kanya.
"Sige ha, alis mona ako dahil andito na si Lover boy mo" saad sakin ni Shea sabay kindat at umalis na walang lingon-lingon saamin. Natawa lang kami ni Evan sa kanya.
"Parang araw-araw kana ata nandito" sarkastikong saad ko sa kanya.
"Halos apat na taon na kaya, tapos ngayon molang napansin" reklamo nya sakin na para bang iiyak na bata.
"Asus tigilan mo nga ako, sa ating dalawa parang mas bata kapa sakin kumilos" natawa lang sya sa pang-aasar ko.
"Edi suwerte mo kasi ikaw lang nakakaranas ng ganito ko na side" tipid nya na saad sakin dahilan para pabiro ko syang tinulak at muntik na syang matumba sa ginawa ko.
"Ang landi mo"
"Yuck wag mo ako itulad sayo" kaagad ko na sagot sa kanya para maipagtanggol ko ang sarili sa sinabi nya.
Naupo kaming dalawa at kaagad ako nagtimpla ng kape para saamin. Gusto kong ibalik ang naramdaman ko noon kay Evan pero tila hindi pa ako handa at meron sa loob ko na pumipigil. Apat na taon na ang nakalipas pero hindi namin napag-uusapan kaylanman man ang tungkol kay khairo.
"Syanga pala" panimula ko at napatingin ako kay Evan na umiinom ng kape.
"May kilala ba si Ace na Amara?" tanong ko at tumango sya sakin.
"Yeah, nakuwento nya sakin yan dati at sabi nya bestfreinds daw turingan nila" sagot nya sakin habang umiinom ng kape.
"Bakit tanong nya?" tanong nya.
"Pinsan ko kasi, at ikakasal na sya sa makalawa" sagot ko sa kanya.
"Pero ang tanong, kaylan kaba magkakajowa?" natatawa kona tanong sa kanya at napangiti lang sya. Ngiti nya na dati ay napapangiti din ako. Binaba nya ang tasa bago nagsalita.
"May hinihintay kasi ako...... pero parang hindi pa sya handa" saad nya habang tinitingnan ako ng malalim sa aking mga mata.
Ako ba yun?.....
Gusto ko syang tanungin kung ako yun, pero bakit hindi ako makapagsalita na para bang may pumipigil sa loob ko.
"Ang swerte nya naman para hintayin mo" saad ko sabay inom ng kape na hawak-hawak ko.
"Mas maswerte ako kapag naging akin sya" saad nya habang umiinom ng kape sabay tingin sa ibang direksyon na para bang iniiwasan nya ang tingin ko.
"What if magustuhan ka nya" saad ko dahilan para mapalingon sya pabalik sakin.
"Ako na ata ang pinaka masayang lalaki sa mundo kapag nangyari yan" saad nya habang nakangiti.
Ang swerte naman ng babae na yan...
"Di ko nga alam kung anong sasabihin ko sa kanya" bumaba ang mga mata nya sa mesa.
"Mag practice ka" saad ko sa kanya habang nakatawa at napatawa din sya sakin.
"Sige, what if ikaw yun ano sasabihin ko?" tanong nya sakin dahilan para mapatigil ako at napatitig sa kanyang mapupungay na mga mata.
Hindi dapat ako mag-assume dahil what if lang naman. Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi nya.
"Umm s-sabihin mo kung anong gustong sabihin ng dibdib mo" nauutal kona saad sa kanya. Umayos sya ng upo at hinawakan ako sa mga kamay ko tapos tiningnan nya ako sa mga mata.
"Yn.... matagal na kitang gusto, minahal kita sa sarili kong paraan na ako lang ang nakakaalam, nagkagusto ako sayo kahit alam ko na may mahal kang iba.... pero kaya kong maghintay, kakayanin ko... kung bibigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, ako na ang pinaka masayang lalaki sa mundo" sinabi nya lahat yun habang tinitingnan ako ng malalim sa aking mga mata na para bang para saakin talaga ang mga salitang iyun.
Agad akong bumitaw sa kanyang mga kamay at nagkunwaring napaubo.
"P-pwede na" nauutal kona saad sa kanya at napakagat lang sya sa pang-ibabang labi nya saka malalim ang kanyang paghinga.
_______________________
Vote for this chapter (。ノω\。)
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Random"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...