: song recommendation for this chapter Unconditionally by katy Perry.
Warning mature content: mention of blood that may trigger you.
Yn's pov
Hindi parin ako makatulog simula noong nag-usap kami ni khairo sa ilalim ng malakas na ulan. Did he really mean it? dalawang araw na din ang nakalipas.
Naguguluhan parin ako hanggang ngayon, kung ano nga ba ang dapat na gawin ko. Sabi nya pag-isipan ko daw ulit ang lahat, pero di ko alam kung saan ako magsisimula.
Nasa iisang bahay nga kami ni khairo pero palagi na syang wala. Uuwi lang sya dito kung matutulog o magpapahinga tapos hindi man lang ako kinakausap.
Napabuntong hininga ako sa sarili dahil sa lahat ng nangyayari. Lumabas ako ng kwarto at hindi ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng pinto ni khairo. Kakatok na sana ako kaso bigla ako napaisip na hindi nya ako pagbubuksan ng pinto, ni hindi nya ako kinakausap.
Maya-maya lang ay tumunog ang doorbell ng main door. Agad ako bumaba para tingnan kung sino. Pagbukas ko ng pinto ay agad ako tumingin sa gate, delivery boy. Lumapit ako sa lalaki at ngumiti sya sakin.
"Para po sayo Miss Yn" saad nya habang nakangiti.
"Kailangan nyo lang po ito pirmahan" dagdag nya na saad at agad ko pinermahan ang resibo. Agad umalis ang delivery boy matapos nya sakin ibigay ang box.
Napatigil ako ng bigla ko marealize ang lahat.
Pano nalaman ng delivery boy ang pangalan ko?
Wala naman akong parcel, at pano nalaman ng delivery boy ang lokasyon ko e hindi ko nga sinasabi kahit kanino na nakatira ako sa bahay ni khairo.Pagbukas ko ng kahon ay napamangha ako sa nakita ko. It's cute, it's a pink and small fluffy teddy bear. Agad ko dinampot ang teddy bear at hinawakan ito ng mahigpit pero agad ako napasigaw dahil parang may masakit na tumusok sa palad ko.
Pagtingin ko sa aking palad ay wala akong ibang nakita kundi, punong-puno na ng dugo at mga sugat ang palad ko. Unti-unti kong naramdaman ang kirot, habang nasa sahig naman ang teddy bear na may dugo ko.
Hahawakan kona sana ang palad ko na puno ng sugat kaya lang may biglang humawak sa pulsuhan ko. Paglingon ko ay wala akong ibang nakita kundi si khairo na magkasalubong ang kilay habang nasa palad ko ang atensyon nya tapos sa teddy naman nya nilipat ang tingin nya.
Agad nya ako binuhat papunta sa kusina at pinaupo nya ako sa ibabaw ng mesa. Mimasdan ko lang sya kung paano nya kinuha ang medicine kit saka nya kinuha isa-isa ang mga gamot na kailangan. Ni hindi man lang sya tumingin sa mga mata ko, hindi nya man lang tinanong kung ayos lang ako. Unti-unting nanubig na ang mga mata ko dahil sa pinaghalong sakit na nararamdaman ko.
"Hindi gagaling yang sugat mo kung iiyak ka" saad nya sakin dahilan para mapatahimik ako. Napansin nya pala....
Dahan-dahan nyang ginagamot ang palad ko at mahigpit ang hawak nya sa pulsuhan ko sinisiguro na hindi ako gagalaw.
"Bakit ka tumahimik, kala ko ba iiyak ka" dagdag nya na saad saakin, malamig ang boses nya na para bang naiirita dahil sa magkasalubong na mga kilay nya.
"It's not just a teddy bear" bulong ko sa sarili.
"I know, you wouldn't hurt like this if it's just a normal teddy bear" seryusong sagot nya sakin. His stern and cold voice was like a dagger that stabbed on my chest.
Pagkatapos nya akong magamot ay agad nya linigpit ang medicine kit at umalis na sa harapan ko. Napatingin ako sa palad ko na sugatan na ngayon ay nababalot na ng tela.
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Aléatoire"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...