:bahala na kayo sa background music bhe
Yn's pov
Andito ako sa ikalawang palapag. Hinihintay ang pag-alis ni Ace tsaka yung isa nya na kasama.
Narinig ko ang pagbukas ng entrance door dahilan para mapatakbo ako at sumilip mula sa ikalawang palapag. Paalis na sila...
Nagpaalam muna ang dalawang bisita bago sila tuluyan ng umalis. Pagsara ni khairo sa pinto ay ako agad ang nakita nya. Nasa hagdan ako nakatayo at ngumiti lang sya sakin na para bang ayos lang ang lahat. Sinenyasan nya ako na bumaba kaya bumaba ako. Agad nya ako nilapitan saka hinawakan sa kamay.
"What do you want for dinner?" malambot na tanong nya sakin. He is pretending like nothing is to worry about.
"Ayos lang ba ang lahat?" tanong ko sa kanya.
"Ofcourse, everything is fine" he smiled at me causing his dimple to show up. He kissed me on my forehead before he give me a tight and warm hug.
Maayos kaming kumakain sa likod ng bahay malapit sa pool habang nakaharap sa papalubog na araw. It feels like a dinner date.
Narinig ko sya na tumikhim at nakita ko rin ang paano nya kinagat ang pang-ibabang labi nya."I want to meet your parents" napatigil ako sa pagnguya ng pagkain dahil sa sinabi nya. Diretso ako na napatingin sya habang sya naman ay diretso din ang tingin sakin habang kumakain.
"They're..... dead" mahina ko na sagot sa kanya.
"Sorry" he immediately apologized to me.
"Yung tita at tito ki nalang ang nagpalaki sakin, pero sabi nila mama at papa nalang daw itawag ko sa kanila pero naisip ko na hindi na dapat ako umasa sa kanila kasi ang laki na ng tulong na ibinigay sakin, that's why I learned how to be a working student" sagot ko sa kanya. Nilagyan nya ang plato ko ng isang karne tsaka maraming gulay.
"Ayuko ng veggies" reklamo ko sa kanya pero binalingan nya lang ako ng masamang tingin.
"Eat it, mabuti yan habang bata ka pa, healthy kana" sagot nya sakin at sinimulan ko ng kumain.
"Ano ang kinamatay ng mga magulang mo" he gently asked me.
"Sabihin nalang natin........ linigtas nika ako" sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"They saved you?" tanong nya sakin dahilan para mapatango nalang ako habang ang atensyon ko ay nasa pagkain.
"Nasa bangko kami noon, tapos may dumating na holdaper at ako ang hostage. Tanda ko pa na kinagat ko pa noon ang holdaper sa kamay at tumakbo ako papunta kina mama at papa, narinig ko ang pagputok ng baril at doon ko lang nalaman na dapat ako yung tinamaan ng bala kaso inilag ako ni mama at papa" paliwanag ko sa kanya at sya naman ay maayos na nakikinig. He is a good listener and I admire it.
"Ikaw, nasaan ang papa mo at..... ate mo?" nagdadalawang isip ko na tanong sa kanya. Napahinga sya ng malalim bago magsalita.
"My dad, he died many years ago because of heart attack. Noon pa man tutol na si papa sa racing career ko kasi gusto nya na ako ang magpatuloy ng airline company sa Japan" saad nya sakin at pinagpatuloy nya ang kumain.
"Ang ate mo?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatigil sya sa kumain.
"She died because of me" nahalata ko kaagad ang lungkot sa boses nya. Napangiti sya ng mapait.
"She's smart and pretty, halos lahat nasa kanya na at sya ang unang sumuporta sakin sa racing career. Tanda ko pa noon, she bought me a Ducati motorcycle in my fifteenth birthday, sobrang tuwa ko nun. Nang malaman ni papa na kasali ako noon sa underground racing company nagalit sya dahil medyo illegal yun at ayaw nya talaga pero si ate.... she even celebrate my first win at yun ang dahilan ng pagkawala nya dahil sa pagkakampanti ko" paliwanag nya sakin.
"Anong nangyari?" napatigil ako dahil hinihintay ko ang sagot nya.
"Sabi nya sakin nun, gusto nya daw maramdaman kung paano maging racer at nakangiti sya habang sinasabi nya yun. Naisip ko nun na iangkas sya sa motor ko at magpatakbo katulad kung paano ako kumarera, she's so happy that time but..... we crashed and she didn't survive" nakangiti sya sakin pero namumula na ang mga mata nya.
Napakurap sya ng ilang beses para mawala ang panunubig ng mga mata nya. Nagpanggap nalang ako na hindi ko napansin ang mga mata nya.
"Ikaw, paano ka naging working student" agad nya iniba ang usapan.
"Nagpaparenta ako as tutor" tipid ko na sagot sa kanya. Napatikhim ako at nagdadalawang na tanungin sya.
"Ano nga pala pinag-uusapan nyo kanina?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin nya ako ay kumuha sya ng isang kutsara na gulay at pinasok sa bunganga ko.
"Eat well" tanging sagot nya. Halata na iniiwasan nya ang tanong ko.
Heto ako nasa kwarto. Nag-iisa habang si khairo naman ay nagbabalak na sa kabilang kwarto daw sya matutulog. Kaso hindi ako makatulog..
Agad ako umalis sa higaan para hanapin sya. Pagtingin ko sa kabilang kwarto ay wala sya, maayos at mahipid ang higaan.
Pagtingin ko sa likod ng bahay ay andun sya nakaupo, nakatalikod sakin habang sya ay nakaharap sa dagat. Umiinom na naman sya.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Mukang naramdaman nya ata ang presensya ko dahil napalingon sya sakin. Napatigil ako sa paglapit sa kanya dahil saakin na sya nakatingin.
"Hindi kasi ako makatulog" sambit ko sa mahinang boses. Kumurba ng ngiti ang mga labi nya at lumapit sya sakin.
"You can't sleep baby?" tanong nya sakin at tumango naman ako. Dahan-dahan syang yumuko at marahan nya ako na kinarga sa bridal style.
"Hindi ka dapat lumabas, mamaya sasakit na naman puson mo" sambit nya sakin habang karga-karga ako. I can feel the hotness of his veiny hands even though I wear a pajamas.
Dahan-dahan nya ako na pinahiga sa kama. Aalis na sana sya pero nahawakan ko sya sa dulo ng damit nya. Napatingin sya sakin dahil sa ginawa ko.
"Diba sabi ko hindi ako makatulog" paalala ko sa kanya. Tipid syang ngumiti at dahan-dahan sya na tumabi sakin. Agad ko ginawang unan ang braso nya at niyakap sya. He's now gently patting my back repeatedly while my head is on his chest.
"Goodnight khaiwo" hindi ko naayos ang pagsalita dahil nilamon na ako ng antuk pero narinig ko si khairo na mahinang natawa dahil sa sinabi ko.
"Goodnight baby" bulong nya sakin at naramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo.
_____________________
Vote (◍•ᴗ•◍)🌟
BINABASA MO ANG
My fiancee is a famous racer [ Enhypen Vergara Series #1]
Random"Be my fiancee for two months and done" sabi ni khairo while looking at you intensely. You're just a normal student na nag-aaral ng payapa kahit na maraming nag bully sayo, not until ng makilala mo si khairo Stavros Vergara known as famous Celebrity...