Chapter 27: Make it right

134 20 2
                                    

: song recommendation for this chapter Last kiss by Taylor swift





Yn's pov

Heto ako nasa kwarto at hindi makatulog, habang si khairo ay nasa kabilang kwarto. Nagdadalawang isip ako na bumaba sa kama at hinayaan ko lang ang aking mga paa na madampian ang lamig ng sahig. Nakasuot ako ng long pajamas pero ramdam ko parin ang lamig.

Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto ni khairo. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala akong narinig na senyales na gising sya. Tulog na siguro...

Napadausdos ako pababa ng pinto. Nakasandal ang likuran ko sa pinto habang yakap-yakap ang tuhod ko.

Dito na ba matatapos ang lahat?
Mali ba na sya ang pinili ko?

Napahinga ako ng malalim, iniisip kung ano ang pwede gawin para maayos na ang lahat.

"Khairo?" tawag ko sa kanya sa mahinang boses kahit na alam ko walang sasagot.

"Hindi ako makatulog" dagdag ko na sabi habang yakap-yakap parin ang mga tuhod ko.

"Alam mo......." panimula ko na sabi. Kailangan ko parin magpaliwanag, naririnig nya man o hindi.

"Kaya ako nakipagkita kay Evan kasi...... lininaw ko na ang lahat saaming dalawa" napayuko ako at nagdadalawang isip parin na magpatuloy.








khairo's pov

Matiim ako na nakikinig sa mga sinasabi nya at hinayaan ko lang sya na sabihin ang gusto nya sabihin. Nakaupo ako sa sahig habang ang likod ko ay nakasandal sa pintoan, kung saan ngayon si Yn. Rinig na rinig ko ang lahat ng sinasabi nya. Dinig ko din ang mabigat nya na paghinga.

"Sinabi ko kay Evan na hindi pwede kasi......." mahina lang ang boses nya pero tama lang para madinig ko.

"kasi sabi ko sa kanya may iba ako na mahal" dagdag nya na saad dahilan para mapakagat ako sa pang-ibaba  na labi, pinipigilan ang paggawa ng anumang ingay.

"Hindi ko alam kung nakikinig ka ba.... o hindi basta palagi mong tatandaan na ikaw ang pinili at palagi ko na pipiliin" heto ako may kunting ngiti sa gilid ng labi dahil sa sinabi nya.

"Inaamin ko, gusto ko si Evan noon..... pero hindi ko inakala na mahuhulog ako sayo kaya kasalanan mo to" saad nya na may halong mahina na tawa dahilan para mapangiti ako ng kunti. I can picture in my mind how she smiled. I can picture in my mind her pretty smile.

"Nagsimula sa isang halik hanggang sa hinanap-hanap ko na, nagsimula sa pagpapanggap hanggang sa pinangarap ko na totoo nalang sana" her cute voice echoes in my mind.

"Alam mo..... umiyak pa ako noon ng malaman ko na sinundo mo sa airport si sandra" alam ko na inaantok na sya dahil sa pananalita nya.










Yn's pov

"Tapos napaisip ako noon na, ang tanga ko para isipin na mgugustuhan mo ako" saad ko sa mahinang boses. Napabuntong hininga ako dahil wala man lang ako narinig na sagot galing sa kanya.

"Khairo...." mahinang tawag ko sa kanya, nagbabakasakali na sumagot pero wala talaga. Napahikab ako at medyo inaantok na.

"Tawagin mona ako na sinungaling pero ginawa ko yun dahil alam ko na masasaktan ka" saad ko habang nakapatong ang aking muka sa dalawa ko na kamay.

"Kala mo hindi ko narinig.... narinig ko kaya yung pinag-uusapan nyo nina Ace tapos wala ka pang balak na sabihin sakin at mag-isa mo lang haharapin lahat" medyo nagtatampo ko na saad habang nakatingin sa mga daliri ng paa ko.

"Haharapin mo lahat ng mag-isa tapos nangyayari ang lahat ng ito dahil sakin" nakayuko ko na saad habang yakap-yakap parin ang mga tuhod ko.

"Khairo... masakit parin puson ko" saad ko. Napabuntong hininga ako bago ko napagdesisyon na tumayo. Nagdadalawang isip parin ako umalis sa tapat ng pinto.

Aalis na sana ako pero narinig ko ang mabagal na pagbukas ng pinto. Unti-unting lumabas si khairo at napansin ko ang pulang-pula nya na mata. Umiyak ba sya..

Bago pa ako makapagsalita ay nagdalawang hakbang sya palapit sakin saka yumuko at niyakap ako ng mahigpit. Napaatras ako sa ginawa nya dahil sa higpit ng yakap. Yinakap ko sya pabalik at hinimas-himas ang malambot nya na buhok.

"Sorry" napatigil ang mga kamay ko sa paghimas sa buhok nya dahil sa narinig ko. Si Khairo Stavros Vergara na nakilala ko bilang isang mayabang at arogante, ngayon ay sya pa ang nagkusa na humingi ng tawad. I can feel the sincerety in his voice.

Napangiti ako habang yakap-yakap sya.

"Akala ko kasi... naagaw kana nya sakin" saad nya sa mahinang boses dahilan para mapatawa ako ng mahina.

"Ofcourse not, hindi yun mangyayari" sagot ko sa kanya dahilan para mas lalo nya pang higpitan ang yakap at nasa leeg ko ang ulo nya.

"Masakit pa ba puson mo?" tanong nya.

"Hindi na" sagot ko sa kanya at napapikit nalang ako sa init ng yakap nya.

Unti-unti akong bumitaw sa yakap at pati din sya. Napahikab ako at mukang nahalata din nya na inaantok na ako.

"Tulog na tayo" saad nya sakin saka nya ako hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kwarto ko pero agad din ko naman sya hinila palabas.

"What?" tanong nya.

Tinuro ko ang direksyon ng kwarto nya at napatingin lang sya sa kwarto nya.

"Doon ang kwarto mo" saad ko dahilan para bumalik sakin ang atensyon nya habang nakataas ang isang kilay. Nang marealize nya kung ano ang ibig kong sabihin ay nagsalubong kaagad ang dalawang kilay nya.

"Baby" pagrereklamo nya sakin pero hindi parin ako tinablan ng baby effect nya.

"Hindi pwede meron ako ngayon kaya doon ka sa kwarto mo matulog" saad ko sa kanya.

"Matapos mo ako palabasin, papasukin mo ako ulit" tumango lang ako sa kanya at nagsimula na syang maglakad pabalik ng kwarto nya pero paatras ang lakad nya habang nasa akin parin ang buong atensyon nya.

At ngayon ko lang napansin na, I am deeply into him. Sana magtagal ang pakiramdam na ito.

________________________
Vote fo this chapter ⊂⁠(⁠◉⁠‿⁠◉⁠)⁠つ

Goodluck bhe sa next chapter

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon