Chapter 45: Is it a dream

132 17 6
                                    

Yn's pov

Dahan-dahan na minulat ko ang aking mga mata, at wala akong ibang nakita kundi ang kwarto ko. Ang kwarto ko sa apartment namin ni Shea. Napaupo ako, saka ko hinimas ang aking sentido dahil sa sakit.

"Panaginip lang ba lahat?" bulong ko sa sarili habang nakaupo at naiisip lahat ng nangyari kagabi.

"Pano ako dito napunta sa apartment namin?" inikot ko ang aking tingin sa buong kwarto, kumpirmado kwarto ko nga. Agad ako umalis sa higaan at lumabas mula sa kwarto.

Alam ko..... alam ko na totoo yung khairo na nakita ko kagabi.

Halos maluha ako kakaisip na totoo nga lahat ng yun at hindi isang panaginip, alam ko yun.
Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko si Shea.

"Shea, pano ako nakauwi kagabi?" Tanong ko kay Shea na nagkakape sa kusina.

"Ha? Nauna ka pa kaya sakin umuwi, pagpunta ko sa kwarto mo tulog na tulog kana" sagot nya sakin na para bang naguguluhan.

Ang kotse ko, sigurado na naiwan ko yun sa bahay ni Ace.

Agad ako lumabas ng apartment at pumunta sa garahean, pagtingin ko ay andun nga ang kotse at maayos itong nakaparada. Napaatras ako dahil hindi pala totoo lahat.

Panaginip lang pala......

Inaamin ko, nasaktan ako dahil akala ko totoo ang lahat, akala ko nagkatotoo na ang matagal ko ng hinintay.

Bumalik ako sa loob na para bang binagsakan ako ng langit at mukang napansin din nya ang kilos ko.

"Ang weird mo today" she's looking at me as if I'm an alien.

Napabuntong hininga ako na napaupo sa sala, biglang nawala ang hangover ko at parang grabe yung epekto sakin ng alak kagabi dahil kung ano-ano na ang napapanaginipan ko.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang doorbell ng gate at pinuntahan ko kaagad para matingnan kung sino.

Si Evan lang pala.....

Pero agad ako napatigil ng makita ko ang porma nya, he is wearing a formal outfit. Agad ako napatigil ng maalala ko ang sinabi nya sakin last week na pupunta sya sa isang garden party at ako ang napili nya bilang kapareha.

"Teka lang, magpapalit lang ako mabilis lang to" mabilis ko na saad sa kanya at tumakbo ako kaagad pabalik sa kwarto ko para mag-ayos.






Heto ako ngayon kaka seatbelt palang sa loob ng kotse ni Evan. Medyo hinihingal pa ako dahil nag mala flash ako kanina, hindi ko alam kung ano itsura ko ngayon dahil hindi pa ako nakapagsalamin.

It's a garden party, kaya nag white dress ako. A white dress that shows my bare shoulders and has laces on my waist, it shows my curve body. I tied my hair in a ponytail at nilagyan kona rin ng white ribbon para cute tignan.

Agad ako naghanap ng kahit na ano na pwede pagsalaminan, I need to put makeup.

"Anong hinahanap mo?" tanong nya sakin habang nagmamaneho.

"Salamin" sagot ko sa kanya habang naghahanap ng salamin. Nang makita ko anf salamin ay kaagad ako naglagay ng makeup, just a natural makeup.

Nakangiti ako na binaba ang salamin at lumingon kay Evan habang may ngiti parin sa aking mga labi.

"How do I look?" tanong ko dahilan para mapalingon sya sakin. It took seconds before he answered.

"Gorgeous" he has this look in his eyes as if he's admiring me, or maybe I am just being delusional. Napatango lang ako sa sinabi nya.




My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon