Chapter 50: Till the end

269 24 15
                                    

:song recommendation for this chapter Marry me by Jason Derulo







Yn's pov

Sinilip ko mona kung andyan pa ba sina Evan bago ako lumabas, buti nalang nakaalis na sila. Dumiretso ako sa living room pero hindi kona nakita si khairo.

Asan kaya yun.....

Imbes na magpagod ako sa paghanap kay khairo sa malaking bahay na ito ay mas napagdesisyonan kona lang na magpahangin sa balkonahe.

Napangiti ako dahil sariwa ang hangin at maganda ang tanawin na nakikita ko. Bigla nalang ako napasinghap ng may biglang yumakap sakin mula sa likuran. Alam ko na si khairo ang yumakap sakin, kilala ko ang pabango nya.

"Masakit pa ba?" he gently asked while holding my hands in a gentle way.

"Medyo, pero baka mamaya o bukas hindi na siguro sasakit" sagot ko sa kanya at masasabi ko na sobrang saya ko ngayon. Yung pakiramdam na hindi mo masabi kung gaano ka kasaya. Yung mapapasabi kana lang na, sa wakas naging maayos din ang lahat.

Naramdaman ko na hinalikan nya ako sa leeg saka sya bumulong saking tenga.

"Second round?" kaagad ko syang pinalo dahilan para mapaaray sya. Namula ang aking mga pisngi dahil sa tanong nya.

Kaagad dumapo ang aking atensyon sa leeg nya na may marka at bigla kong naalala na kinagat ko pala yun kagabi.

"Saan mo gusto magpakasal?" tanong nya sakin.

"Simple lang ang gusto ko, yung ang makakasaksi lang sa kasal natin ay ang mga importanteng tao saakin at sayo" sagot ko naman sa kanya at napatango lang sya sakin.

"Ikaw saan mo gusto?" pabalik ko na tanong sa kanya.

"Kung saan mo gusto" tipid nyang sagot sakin at napangiti lang ako.

"Ang swerte ko....." napatingin ako sa kaya dahil sa sinabi nya.

"Bakit naman?"

"Because I can finally have my own family, I can finally have a wife and ofcourse...... a child" sagot nya habang may pilyong ngiti sa mga labi. Yung hindi pa kami kasal pero tungkol sa anak kaagad ang pinag-uusapan namin.

"Will you marry me?" napataas ang isa kong kilay dahil sa tanong nya.

"Pabalik-balik tanong mo ah" mataray ko na saad sa kanya.

"Naniniguro lang baka mamaya panaginip ko lang pala" sagot nya sakin habang nasa mga beywang ko ang kanyang mga kamay.

"Pruweba ang pananakit ng hita ko na hindi yun panaginip" natatawa ko na saad sa kanya. Napatingin ako sa kanya habang ang atensyon nya naman ay nasa magandang tanawin na nasa harapan namin. His side view is so damn gorgeous. I can't say anything in his face. Yung napapatanong nalang ako na paano sya nagkagusto sa babaeng tulad ko na puno ng insecurities sa katawan.

Pero lahat ng insecurities na iyon ay nawala dahil kung paano sya tumingin sakin pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae na nakita nya. Hindi ko inakala na ang first kiss ko ay ang naging first boyfriend and first ex-boyfriend ko din. Then now, he is my soon to be husband. Hindi ako nagsisi na ibigay ko ang sarili ko sa kanya.














After 2 years.....














Isang taon na ang nakalipas ng magpakasal kami ni khairo. Mga malapit lang samin ang aming inembitahan at isa na doon si Shea. Bago kami magpakasal ay bumisita muna kami sa puntod ng aking mga magulang, gusto daw kasi ni khairo ipaalam sa mga magulang ko na magpapakasal na kami.

My fiancee is a famous racer  [ Enhypen Vergara Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon