AYASHA'S POV:
Pag ka gising ko ay, wala si Kael sa tabi ko. Naalala ko naman ung mga ginawa namin kagabi at naramdaman kong naginit ang aking pisngi.
"O love gising kana pala" pagkasabi ni Kael. Umupo naman ako sa kama. "Kakagising ko lang, San ka galing?" Sabi ko rito.
"Ah sa baba po, nagpahanda na ako ng pagkain natin sa baba, gigisingin lang sana kita kaso gising kana pala" sabi nito. Tumango naman ako rito. "Sorry hindi kasi ako marunong mag luto eh" dagdag pa nito.
"Ano kaba Kael okay lang" sabi ko rito na ikina ngiti niya. Akmang tatayo naman ako ng nakaramdam ako ng sakit sa aking baba. Agad naman na lumapit si Kael saakin.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Alalang tanong nito saakin. "Okay lang, mahapdi lang" sabi ko rito.
"Sorry love, napa sobra ata ako kagabi" sabay halik nito sa noo ko. "Mag handa kana ng maka kain na tayo" dagdag pa nito. Tumango naman ako at nag punta na ng Cr para maka ligo na.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Kael na nagbabasa ng libro, kaya naman nilapitan ko to. "Okay lang ba yung damit ko?" Tanong ko rito. Naka ditsy floral dress nga lang pala ako, simple lang.
"You look gorgeous love" sabi nito, hindi ko naman mapigilan na kiligin sa sinabi nito. "Sus bolera, tara na nga" sabi ko rito. "Hindi bola yun no, totoo yun" Tumawa nalang ako sa sinabi nito.
Pagka dating namin sa restaurant na kinakainan namin ah nandoon na ang mga kaibigan namin.
"Ang tagal niyo naman nagugutom na kami" sabi ni Stacey. "Sorry na staks" sabi ko rito.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang nagising Aya" sabi ni Mhaloi. Naginit naman ang pisngi ko ng maalala ko nanaman Ang nangyari kagabi. Napansin naman nila iyon.
"Hala ka bat ka namumula ate Aya" sabi ni Sheena. "H-ha? wala lang bebe, mainit lang" sabi ko rito. "Ha? Ate eh naka Aircon tayo" sabi nito. Shux oo nga pala, Ang bobo ko roon.
Tumawa naman si Kael sa tabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tumigil din naman ito sa pagtawa ng makita ung tingin ko sakanya. "Napagod lang siguro si Aya kagabi, kumain na tayo" sabi ni Kael.
MIKAEL'S POV:
"Saan napagod Miks?" Mapangasar na mukhang tanong ni Cody. Tumawa naman ang mga kaibigan namin.
"Hala kaa??!, totoo ba tong naiisip ko" sabi ni Jholo. Nakita ko naman na parang hiyang hiya na si Aya kaya binatukan ko ito.
"Hoy manahimik ka nga" sabi ko rito. "Saan ba kasi napagod Miks?" Tanong ni Gwen. "Pati ba naman Gwenny, sa kakaalaga saakin okay?? Lasing ako kagabi diba??" Sabi ko naman na ikinatawa nila.
"Ahhh kakaalaga sige sabi mo eh" sabay na sabi ni Cody At Jholo at tumawa. nakakainis tong dalawang to. "Kumain na nga tayo dami niyo pang sabi eh" sabi ko sa mga to.
-Time Skip-
A
las tres na ng hapon at naisipan namin mag surfing, kasi why not diba. Ngayon nakahanda na kami. Hindi ko naman mapigilan na mag selos dahil naka bikini nanaman si Aya at madaming tumitingin na mga lalake dito.
"Love okay ka lang?" Tanong saakin ni Aya. Tumango na lang ako rito na may hindi maipinta na mukha. "Ano bang problema Kael?" Tanong nito habang naka hawak sa mukha ko.
Naka pout naman ako na umiling dito. "Eh kasi andaming lalakeng tumitingin sayo oh" tumawa nala mang ito. "Sayo naman ako Kael eh, hayaan mona sila" sabi nito at humalik ito saakin.
"Boom tiklop ka pala kay Aya eh" rinig ko na sabi ni Jholo. Tumawa naman si Aya. "Wag sasabat pag hindi pa sinasagot ni Stacey" sabi ko rito. Napatingin naman saamin si Stacey at tumawa.
"Ouch, foul ka dun Miks" sabi nito na ikinatawa namin.
Lumapit naman saamin si Cody at Gwen. "Bro Miks surfing na tayo, pustahan sino huling malaglag siya panalo" sabi ni Cody.
"Anong pustahan yan ha Cody" sabi ni Aya. "Ah tig 1k lang naman Aya hehe" sabi nito na napakamot sa ulo. "Ano g ba kayo?" Sabi ni Gwen "sige" parehas na sabi namin ni Jho.
"Love una na muna kami ah?, suot ka muna ng life vest pag mag susurf na kayo nila Mhaloi" sabi ko kay Aya. Tumango naman ito. Humalik na ako rito at sinundan sila Cody.
"Tatlong rounds tayo ah sino makaraming huling nalaglag siya panalo" sabi ni cody. Tumango naman kami rito. Maya maya ay pumunta na kami sa dagat para salubungin ung alon.
"Ayan na ung alon, 1.. 2.. 3... Tara naa!" Sigaw ni Jho at nakatayo na kaming apat. Nakita ko naman si Aya na pinapanood kami kaya kinindatan ko ito, nakita ko naman na natawa ito.
Una ngang nalaglag ay si Jho, sumunod si Cody at Gwen. Ako naman ang huling nalag lag kaya ako panalo. "1 point for me" ngising sabi ko sakanila.
"Ano ba yan Jho! talo ka na agad" rinig ko na sabi ni Stacey na ikinatawa namin.
"Go gwenn kaya mo yan!" Sabi ni Sheena na ikinangiti naman ni Gwen. "Galingan mo Cody, papayag na ako sa date mo pag nanalo ka dyan hahaha" rinig ko naman na sabi ni Mhaloi."Pre alam ko naman na magaling ka kaya bigay mo na sakin ung panalo" sabi ni Cody na ikinatawa ko hahaha. "Bleh bahala ka" sabi ko rito. Sa pangalawang round ay si Cody ang nanalo.
Bago pa man mag simula ung pangatlong round ay nakaapak ng sea urchin si Jho. "Aray! nakaapak ako ng see urchin" sigaw nito, agad din naman ito tinulungan at dinala sa may rescue para gamutin. "Ayan na sinasabi ko sayo Jholo! apaka ano kasi!" Sabi ni Stacey. "Sorry na baby" sabi ni Jho sa nililigawan Hahaha tiklop. Sumuko naman na rin si Gwen dahil ayaw niya na raw. Kaya kaming dalawa nalang ni Cody ang maglalaban.
"Kael magingat ah" sabi ni Aya sa tabi ko. Tumango naman ako rito. "Yes love" sabi ko. Inaya na ako ni Cody at nagpatuloy sa laro namin.
Pangatlong round na at tie kami ni Cody sinong mananalo rito ay ang panalo. "Tatalunin kita Miks" sabi nito. "Kung kaya mo" sabi ko rito. "Go Kael!", "Go Cody!" Rinig ko an sabi ni Aya at Mhaloi.
Nagsimuli na kami, naghintay na kami ng alon at Maya maya ay meron na kaya tumayo na kami. At Ang unang nalaglag ay si Cody.
"Ahh, ano bayan" naiiritang sabi nito. Tumawa naman ako rito at umahon na. "Easy 3k" sabi ko sa mga kaibigan ko. Inabutan naman ni Aya ng towel kaya hinalikan ko ito. "Thankyou love" sabi ko.
"Pano ba yan Cody wala kang Date" sabi ni Mhaloi. Tumawa naman kami sa sinabi nito. "Sino ba kasing may sabi saatin na kaya nating talunin si Miks, eh laging andito yan para mag surf" sabi ni Jho. Tumawa naman kami.
Pinagpatuloy naman namin ang pag susurf pero Kasama na sila Aya. Nag surf lang kami hanggang sa lumubog na ang araw at nang mapagod na kami.
Author's Note
Lame update😓 Hindi ako nakapag upd kahapon na busy. Anyways, thankyou po sa 3.53k reads, and sa mga nag vovote. I appreciate it a lot po.
Stream Cherry on top tomorrow guys!🤍
Ignore my grammatical errors and typos
YOU ARE READING
Hiding The Billionaire's Twins
Fanfictionwhat will happen to ayasha (🐶) after their marriage contract with mikael (🦊) ended? Knowing that she's pregnant with the billionaire? This story are made with pure imagination of mine only, please separate fiction from reality. Ship responsibly...