CHAPTER 25

7.8K 142 6
                                    

AYASHA'S POV:

It's been 2 days simula nung nag pt test kami. Hindi na muna ako pumapasok sa company para mapag tuunan ko Ang sarili ko, lalo na at may laman na ang tyan ko. Nagtataka nga si Kael kung bakit hindi ako pumapasok. Pero dinadahilan ko naman na masama parin ang pakiramdam ko.

Naisipan ko naman na ngayong araw na pumuntang ob-gyn para makasigurado ako kung ayos lang ba ang anak ko sa tyan. Balak kong magpasama kila Mhaloi kaya agad ko na rin kinuha ang aking cellphone.

📱

Ayasha: Girls pwedeng pasama sa ob-gyn🥺

Mhaloi: what time ba

Ayasha: mga 3:30 hanggat wala pa sana si Kael.

Sheena: ay g ako! Gusto kona malaman ano gender ng inaanak ko🥰

Stacey: bobo hindi pa makikita ngayon yun

Ayasha: hahaha kayo talaga, Ikaw staks sama ka?

Stacey: yes! tapusin ko lang tong photoshoot ko, ako na susundo sayo diyan😉.

************

-Time Skip-

Mag 3:30 na, maya maya ay dumating na rin si staks. "Helloo, andito na ung best friend mong maganda" sabi nito. Tumawa naman ako at naghanda na.

"Nagpaalam kana ba kay fafa Mikael mo?" Tanong nito, umiling naman ako. "Hay nako magpaalam kana, sasabihan ko na rin sila Mhaloi sumunod saatin". Tumango naman ako at nag message na Kay Kael.

📱

Kael, may pupuntahan lang kami nila Stacey ah, baka kasi umuwi ka ng maaga at wala ako. Babye iloveyou.

Mikael: okay, be careful ha, iloveyou.

**********

andito naman na kami ni Stacey sa ob-gyn at hinihintay na lang sila Mhaloi.

Ilang minuto lang din ay andito na yung dalawa. Kaya naman pumasok na kami sa hospital.

"Mrs. Lim?" Tawag ng doctor. "Uh it's me" taas kong kamay. Tumango naman ang doctor at pinapasunod na ako nito sakanya. "Uhm doc? pwedeng sumama ung mga kaibigan ko sa loob?" Tanong ko rito.


"Yes sure" sagot naman ng doktora. Ung tatlo naman tuwang tuwa at pumasok na rin ng kwarto Kasama namin.



Nagsimula na nga ang doctor sa ultrasound. Kinakabahan naman ako hindi ko alam kung bakit.


"Hmm, your baby is healthy ha" sabi ng doctor. "Ilang weeks na po akong buntis?" Tanong ko rito.



"Right, hmm you're 4 weeks pregnant Mrs. Lim congrats." ngiting sabi nito. "And btw, may nakikita akong 2 heartbeats merong possibility na you're carrying a twins. Pero hindi pa masyadong sure kaya I need you here ulit next week" dagdag pa nito. Hindi ko naman napansin na tumutulo na pala ang aking mga Luha.


"OMGG! twins dalawa agad inaanak natin" sabi ni Stacey. "Hindi mo ba narinig sinabi ni doc HINDI PA RAW SURE.". Sabat naman ni Sheena na ikinatawa namin.


"Maiwan ko na muna kayo rito" tumango naman ako. Niyakap naman ako ng tatlo ng pagkalaalis ni Doc. "Congrats, Aya" sabi nila. Humigpit naman ang yakap ko sa mga ito.

"Don't be scared ha, andito lang para sayo and sa baby mo" sabi ni Mhaloi tumango naman ako rito. "Thank you girls, hindi ko alam gagawin ko if wala kayo rito sa tabi ko" sabi ko sakanila.

"Ano kaba ate Aya, we're always here for you noh" sabi ni Shee. "Thankyou bebe" ngiting sabi ko rito.

"Ah nga pala wag niyo muna sasabihin sa mga gf niyo ha, baka malaman ni Kael eh" sabi ko sa mga ito. Tumango naman sila.

Maya maya lang din ay bumalik na si Doc sa room at binigyan kami ng vitamins para sa baby, at mga paalala na kung anong dapat gawin at hindi dapat gawin.
Pagkaalis naman namin sa hospital ay kumain muna kami at tumambay sa park.

MIKAEL'S POV:

Nasa office ako ngayon may inaayos ako. Hindi ko naman mapigilang mag isip at magalala kay Aya dahil, feel ko ay hindi kami okay, at lalo na ilang araw na itong masama ang pakiramdam.

Maya maya ay may pumasok naman sa office ko at inilabas si Cody. Naputol naman ang pagiisip ko sa biglaang pag dalaw nito.

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito. Mukha itong bothered. "Hindi mo pa ba nababalitaan?" Sabi nito. Kumunot naman ang noo ko.

"Ha ang alin?" Sabi ko rito. "Miks bumalik na ung Ex mo." Napatulala naman ako sa sinabi nito. Bumalik na si Jaz?.

"Hindi pwede cody" iling kong sabi dito. "Malaking problema to Miks, dapat mo tong ipaliwanag kay Aya bago ka pa guluhin ni Jaz at magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan ni Aya." Sabi nito.

Umiling naman ako "hindi muna ngayon cody masama pakiramdam ni Aya. Bat pa kasi bumalik yan, masaya na kami ni Aya" sabi ko rito.


Author's Note:

Hello bbs, short update muna may mga need pa rin akong tapusin eh. Babawi ako sainyo bukas. Thankyou nga rin sa 16k reads grabe kayo🥺🤍

Susulitin ko na rin yung pag uupdate sa story na to para matapos na rin, dahil baka Hindi ko ito matapos if pinatagal ko pa dahil malapit na rin ung pasukan😓.

Stream 🍒🔛🔝

Ignore my grammatical errors and typos







Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now