CHAPTER 41

6.3K 188 29
                                    

AYASHA'S POV:

Kinabukasan nga ay dumating din si Kael sa bahay, para ihatid ang mga bata sa school.

Binati ko naman ito, ngunit dahil nga sa pagtatalo namin kagabi ay tinanguan lang ako neto.


"Mavis dalian mo na d'yan malalate na kayo ng kapatid mo sa school" rining kong sigaw na sabi ni Kael.


"Wait dada, almost done na po!" sigaw naman ni mavis, napailing naman dito si Kael.



Pinuntahan ko naman na nga si Mavis at para hindi na sila tuluyang ma late sa school.



Nakita ko naman ito na sinisintas mag isa ang sintas ng sapatos nito. Pinuntahan ko naman ito para isintas ang sapatos nito.



"Bakit kasi hindi mo kami tinawag para matulugan ka sa pag sintas ng sapatos mo hmm?" tanong ko rito.



Ngumuso naman ito, "I'm a big boy na mommy, I want to learn how to tie my shoes on my own po" ngusong sabi nito.



Natawa naman ako sa sinabi nito. At ginulo ang buhok. "Anak you're still our baby boy, if you really want to learn how to tie your shoes on your own, tuturuan ka namin ni dada mo oki?, pero ask for our help Muna hanggat hindi ka pa marunong hmm?" Sabi ko rito. Ngumiti naman ito at tumango.



"Goods tara na? Malalate na kayo ng kapatid mo sa school" sabi ko rito. Tumango naman ito at tumakbo na palabas.




Agad na rin naman kaming sumakay sa kotse ni Kael. Tahimik lang Ang byahe hanggang sa mahatid namin ang kambal sa school. Pagkatapos naman nun ay hinatid naman ako ni Kael sa kumpanya. Tahimik parin ang naging byahe at wala kaming kibuan hanggang sa maka rating ako sa kumpanya.






MIKAEL'S POV:




Pag ka hatid ko kay Aya sa company nila ay agad narin naman akong nag tungo sa company ko para mag trabaho.





Nakita ko naman na tambak nanaman ng mga papeles na dapat tapusin sa lamesa ko. Hindi ko naman mapigilan na mapa buntong hininga.



-Time Skip-



Malapit na ang uwian ng mga bata, kaya nag aayos na ako ng mga gamit ko dahil susunduin ko ang mga ito.


Pero nang paalis naman na ako ay biglang pumasok ang secretary ko.



"Ah boss Lim, may urgent meeting po kayo ngayon kay sir Santos" sabi nito.


"Hindi mo ba pwedeng icancel muna 'yan, susunduin ko pa ang mga anak ko" sabi ko rito.


Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now