CHAPTER 44

9.5K 218 74
                                    


AYASHA'S POV:

Tatlong linggo na simula nung may nangyari saamin ni Kael. Tatlong linggo niya na rin akong kinukulit na mamili na ng pregnancy test dahil gusto niya na raw malaman agad 'yung result.


"Love 3 weeks na, bibili na akong PT" sabi ni Kael.



"Kael mag tigil ka nga muna, naiirita na ako sayo" sabi ko rito. Laging ganto ang eksena naming dalawa.


Mga ilang sandali lang naman ay naka ramdam na naduduwal ako, kaya agad akong pumunta ng Cr at duon dumuwal.


Sumunod naman si Kael saakin at hinahaplos ang likod ko.


"Okay ka lang ba baby?" Tanong nito saakin. Tumango lang naman ako.


"Sigurado kaba? Gusto mo ba mag papunta ako ng doctor?" Sabi pa nito. "Okay nga lang ako Kael, masama lang pakiramdam ko" Sabi ko rito.


"Asikasuhin mo na muna 'yung mga bata, ng makapasok na" sabi ko rito.  "Sige wait mo ako rito, magpahinga ka na muna, luluto lang ako ng pagkain" sabi naman ni Kael. Tumango naman ako rito.


MIKAEL'S POV:


Pumunta na ako sa kwarto ng kambal para gisingin na ang mga ito at makaligo na.


"Baby, Mavis, Madi, wake up na time to take a shower na" sabi ko sa mga ito. Naka ilang gising pa ako sa mga ito bago imulat ng mga ito ang mga mata nila.


Agad din namang umupo ang mga ito sa mga kama nila. "Dada where's mommy" tanong ni Mavis.



"Mommy is not feeling well eh baby, kaya take a shower na don't make mommy mad" sabi ko sa rito. Agad din naman silang tumayo.



Pinaliguan ko naman na ang mga ito at hinanda na ang damit nila at binihisan.



"Go to your mommy na muna, wag kayong magulo ha, mommy's not feeling well" sabi ko sa mga ito.



"Okay dada!" Sagot naman nila. "Sige na magluluto muna ako ng breakfast, may gusto ba kayo?" Tanong ko sa mga rito.




"Pancake dada with strawberry syrup!" Sabi ni Madi. "Me too dada but with chocolate syrup!" Sabi naman ni Mavis. I chucked.



"Okay okay, go to mommy na dada will cook your pancakes na" sabi ko sa mga at agad din namang pumunta sa kwarto naman ni Aya.



Pumunta narin naman ako ng kusina para ipag luto sila. Beef tapa and egg nalang Ang iluluto ko kay Aya dahil nung nakaraan pa siya rito nag cracrave.


AYASHA'S POV:



Habang nag aayos naman ako ng higaan ko ay biglang dumating ang kambal.



"Mommy!" Sigaw nung dalawa at tumakbo saakin. Agad ko naman itong sinalubong.



Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now