CHAPTER 33

5.7K 160 17
                                    

MIKAEL'S POV:

Sabado ngayon, at isa lang meaning nun, may dalawang oras ako para magkasama yung mga anak ko. Dadaan lang muna ako saglit sa office syaka ako pupunta sa bahay nila Aya.



Andito na ako sa kompanya ko ng maka salubong ko si Mhaloi. "Oh anong ginagawa mo rito Mhaloi?" Tanong ko rito.



"Pupuntahan sana kita eh kaso nakasalubong kita haha" sabi nito.
"Bakit mo ba ako pinuntahan dito?" Sabi ko rito.



"Sasabihin ko lang sana na, bilis bilisan mong bawiin si Aya" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Ha bakit naman?" Sabi ko rito.



"Kilala mo si Sevi diba?, nakwento kasi ni Aya na nangliligaw sakanya yun. Nung nakaraan ko pa sana gustong sabihin sayo kaso walang time para puntahan ka" sabi nito.



"Medyo kasi hindi ako boto don sa lalakeng yun eh, ewan ko ba masama pakiramdam ko sakanya" sabi nito.  "Wag ka magalala loi, babawiin ko sakanya si Aya" ngiting sabi ko rito. Tumango naman ito.



"Ah nga pala, pwede mag tanong?" Sabi ko rito. "Sige ano ba yun?" Sabi nito. "Ah eh papunta kasi ako ngayon sa kambal, balak ko sana bilhan ng pasalubong, gusto ko lang itanong kung ano ba mga gusto nila" kamot sa ulo kong tanong dito.



"If sa toys, alam ko mahilig sa fox si Mavis, and si madi naman sa dog tulad ni  Aya. If sa pagkain naman mahilig yung dalawa sa donuts na may sprinkel. Wag ka bibili ng may mani kasi allergic si Mavis dun" Tumango naman ako rito. Buti nalang sinabi niya na allergic sa mani si Mavis. Hindi ko alam. Nag pa salamat naman ako dito at nagpaalam na aalis na.




Dumaan muna ako sa dunkin donut para mamili ng donuts. Dumaan din muna ako sa toy store para bilhan ng fox na stuffed toy si Mavis at dog na stuffed toy si Madi.




Dumaan lang din muna ako sa flower shop para bilhan ng bulaklak ang mommy ni Aya at pati siya. Namili lang din ako ng kapeng na yung Hindi pa timpla na lagi kong binili para sa daddy ni Aya.



Andito na ako ngayon sa labas ng bahay nila Aya, dahil kilala na rin ako ng guard sa labas ng gate nila ay pinapasok na ako nito.


Bumungad naman sakin yung dalawa. Tumakbo naman agad ang mga  ito saakin. "Hey don't run, baka madapa kayo" sabi ko sa mga ito.



"Dada you're heree" salubong nila saakin. Ngumiti naman ako. "Pasok muna tayo sa loob, dada can't hug you two madaming dala si dada, here bigay niyo kay mommy niyo tong flowers" sabi ko sa mga ito. Agad din naman nilang kinuha ito at pumasok na sa loob.



Binati ko naman ang mga magulang ni Aya. "Hello po, mom, dad". "Oh Kael Ikaw pala" ngiting sabi ng mommy ni Aya. At tumango lang naman ang daddy niya.



"Mommy here flowers for you" rinig ko na sabi ni Madi, "yep mommy, daddy buy that for you pow" sabi pa ni Mavis, good boy anak. "Thank you my babies" sabi ni Aya sa dalawa sabay halik dito. Pano naman ako? Joke.



"Ah mom flowers po pala hehe" abot ko rito. "Nako nag abala ka pa Kael, salamat anak" sabi nito. Ngumiti naman ako rito.



"Dad binilhan na rin po kita nung kapeng iniinom niyo" sabi ko rito at inabot ko na rito. "baka po kasi ubos na yung binili ko sainyo nung nakaraan." Dagdag ko pa rito.



"Sakto Kael, paubos na rin eh, salamat ha" tapik nito sa balikat ko. Ngumiti naman ako rito.


Binaling ko naman ang tingin ko sa dalawa at tinawag ang mga ito. "mga anak, come here" sabi mo sa mga ito.


"Why pow dada" sabi ni Mavis. Ngumiti naman ako rito at binigay sakanila yung mga stuffed toy na binili ko para sakanila.


"Wow foxyy!" ngiti sabi ni Mavis. "Wow it's doggu!" Ngiting sabi rin ni Madi. Napangiti rin naman ako sa reaction ng dalawa. Thankyou talaga Mhaloi.


"Anong sasabihin niyo sa dada niyo?" Sabi ni Aya sa likod. "Thank you dada!" Sabi nung dalawa sabay halik sa pisngi ko. "Anything for my babies" ngiting sabi ko sa mga ito.


Binigay ko na rin sakanila yung mga donuts na binili ko at kinain na rin nila. "Pag tapos bihis na kayo ah, we will go to your other lola and Lolo" sabi ko sa mga ito.




"We have another lowlo and lowla?" Sabi ni Madi. "Yes baby" ngiting sabi ko rito. Agad naman na nag bihis ang dalawa.





-Time Skip-


Nasa bahay na kami nila mom and dad, yung dalawa nasa likod yung dalawa. Nag paligay ako ng dalawang infant car seat sa likod ng car ko para sakanila, pinasadya ko talaga yun para sakanya.




Karga karga ko yung dalawa. Nang makita naman kami nila mom and dad na pumasok ay sinalubong na rin kami. Agad ko rin naman binaba yung dalawa.



Niyakap naman ni mom ang dalawa pati narin si dad. "Mga apo ko" sabi ni ma'am.

"Hello po, Ikaw po ba other lowla and lowlo namin po?" Sabi ni Mavis. Napangit naman ako rito. "Yes apo" sabi ni dad at ginulo ang buhok nito.



"Lowla you're so pretty po" sabi ni Mavis. "Aysus, sayo ata nag mana tong anak mo kael bolero" tawang sabi nito. "I'm not bolero kayo" sabi ko rito. "What's bolero po dada?" Tanong ni Mavis. "Ah eh Basta anak hehe" sabi ko rito.



"Cute cute niyong dalawa" pisil sa pisngi ni mom. "Tignan mo oh parang carbon copy mo si mavis anak" sabi ni dad. "Kamukha naman ni Aya si Madison" sabi pa ni mom. Ngumiti naman ako rito at tumango.



"Sana mag kaayos na kayo ni Aya, para na rin sa mga bata" sabi ni mom at hinawakan naman ako sa balikat ni dad. Sana nga maayos ko pa. Sana hindi pa ako huli para bawiin siya.



Nag bonding lang kaming lima at ng malapit na mag dalawang Oras ay nagpaalam na rin kami at inuwi ko na yung mga bata sa bahay nila Aya.



Nagpaalam naman na ako sa mga to, pati narin sa mga magulang ni Aya. nag pasalamat din ako kay aya. Nakita ko naman na malungkot yung dalawa. Pangako mga anak, aayusin ko to para maging okay na kami ng mommy niyo.





Author's Note:

Sorry late update, masama parin pakiramdam ko eh😓, sana nagustuhan niyo tong chapter nato. Yun stay safe everyone🤍 malakas yung hangin at ulan magingat lagi.


Ignore my grammatical errors and typos







Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now