MIKAEL'S POV:
Isang linggo na simula nung pumapasok na ang kambal sa school. At ako rin ang tiga hatid sundo sakanila.
Ihahatid ko naman ngayon ang kambal sa school nila. Kasama na rin si Aya dahil ihahatid ko ito sa company nila.
"Kael, pwede namang ako nalang magnundo at maghatid sa dalawa eh, hindi yung ba-byahe ka pa ng napaka aga papunta rito para lang ihatid yung dalawa" sabi ni Aya.
"Okay nga lang saakin, syaka gusto ko na ako maghahatid at manunundo sa mga anak natin at sayo. " Sabi ko naman dito. Umiling naman ito.
"Ang layo pa ng bahay mo rito tapos may trabaho kapa, hindi ka ba mapapagod?" Sabi nito. Umiling naman ako.
"Bakit ako mapapagod? eh kung kayo lagi ang una kong makikita bago ko simulan ang araw ko. Hinding hindi ako mapapagod sainyo." Sabi ko rito.
"S'yaka kung ayaw mo ako mapagod kaka drive, lumipat nalang kasi kayo sa bahay ko" sabi ko rito.
Nagulat naman ata ito sa sinabi ko. "Pagiisipan ko" sabi lamang nito. Kaya tumango lang naman ako.
Maya maya lang din ay andito na rin kami sa school namin nung kambal. Inihatid naman namin ito sa kanilang room at nagpaalam.
Sunod naman ay si Aya ang inihatid ko sa company nila. "Dito nalang ako, thankyou" halik nito saakin. Tumango naman ako at pinagbuksan ito ng pinto.
"Susunduin kita mamaya ah" sabi ko rito. Tumawa naman ito at tumango, at pumasok na sa building nila.
Sumakay naman na ulit ako sa kotse ko dahil may pupuntahan pa ako. Pupunta ako sa pinapagawa kong bahay. Oo bahay. Tapos na ito ngayon. Kaya nga niloloko ko na lumipat na si Aya sa bahay ko.
Matagal ko na itong pinapagawa, last year pa, dahil ito ang nabanggit na dream house ni Aya. At sakto nga ay andito na siya at ang mga anak namin.
Pag ka pasok ko naman sa bahay ay, tapos na ito. Ang interior design nito ay maganda.
Sila mhaloi nga pala at Cody ang Architect at Engineer na kinuha ko para sa bahay na ito. Kinuha ko si Mhaloi dahil best friend to ni Aya at alam niya ang mga gusto ni Aya.
Andito nga rin pala si Mhaloi, dahil siya inutusan ko para sa design ng kwarto ng kambal.
"Oh Miks andito ka na pala" sabi ni Mhaloi. "Kakadating ko lang din" sabi ko rito.
"Kamusta yung kwarto?" Sabi ko rito. "Tapos na, pinaayos ko na rin yung mga gamit nung dalawa sa kwarto." Ngiting sabi nito.
Tumango naman ako "thankyou mhaloi, sila nalang ang kulang" sabi ko rito. " Tinanong mo naba si Aya?" Sabi nito.
tumango naman ako. "Oo, biro lang sana muna kaso sabi niya, pagiisipan niya Muna" sabi ko rito
"Yun naman pala eh, onti nalang mababahay mo na rin si Aya" tawang sabi nito, na ikinatawa ko rin.
-Time Skip-
YOU ARE READING
Hiding The Billionaire's Twins
Fanfictionwhat will happen to ayasha (🐶) after their marriage contract with mikael (🦊) ended? Knowing that she's pregnant with the billionaire? This story are made with pure imagination of mine only, please separate fiction from reality. Ship responsibly...