AYASHA'S POV:Isang linggo na rin pala ang nakakalipas simula nung nag kaayos kami ni Kael. Wala parin naman sila mommy dito at nagbabakasyon parin.
Wala naman silang tatlo ngayon dito sa bahay dahil pinasyal ni Kael yung kambal sa mga magulang niya. Hindi na ako nakasama dahil may mga gagawin din ako.
Habang, ginagawa ko naman ang dapat kong gawin ay may nag doorbell sa bahay.
Pag ka bukas ko ng pinto ay bumungad dito si Sevi. Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko kasama si Kael nitong mga nakaraang araw ay tuluyan ko ng nakalimutan si Sevi.
"Oh Sev Ikaw pala, kakauwi mo lang?" Tanong ko rito. Kakauwi lang siguro nito dahil umalis ito para sa business trip.
"Yes Aya, Na miss kita" sabi nito at niyakap ako. Agad naman akong nailang dahil feel ko ay nag checheat na ako kay Kael.
Agad naman akong humiwalay rito at sinabing. "Ah kasi Sev, nagbalikan na kami ni Kael. Kaya please? Pwede mo na ba tigilan ang pangliligaw mo saakin?"
Nakita ko naman naman na nag bago ang espresyon nito sa mukha. "Ano? Pagtapos ng mga taon na ako kasama mo? Siya parin ha Aya?" Sabi nito.
"Sinabi ko naman kasi sayo nung una palang, wala akong balak pumasok sa isang relasyon, dahil kay Kael lang naman ako." Seryosong sabi ko rito.
"No Aya! Hindi pwede, akin ka lang" sabi nito at agad na tinulak ako papuntang Sala at hinihiga.
"Sevi a-ano bang ginagawa mo" takot kong sabi rito. Hinawakan naman nito hinawakan ang dalawa kong kamay. Sinubukan kong magpumiglas kaso. Nagsimula naman ng tumulo ang mga luha ko.
MIKAEL'S POV:
Pauwi naman na ako sa bahay nila Aya dahil susunduin ko ito, dahil ayaw talaga pauwiin nila mom yung kambal. Naiwan yung kambal doon kaya ako lang mag isa ngayon.
Pag dating ko naman ng bahay ay nakita kong nakabukas ang pinto. "Bakit naka bukas to?" Takang tanong ko sa sarili.
Nang papalapit naman na ako ng pinto ay narinig ko na may nabasag. Agad naman akong nagalala at agad na tumakbo papasok.
"Aya?? Anong nangyayari dito?" Sigaw ko rito. Ngunit wala naman sumasagot hanggang umabot ako sa Sala.
Nakita ko si Sevi na nasa ibabaw ni Aya at pilit na hinahalikan ito. Nakita ko naman si Aya na umiiyak at nagpupumiglas dito.
Agad naman akong lumapit dito at hinatak si Sevi at pinagsusuntok. "Gago ka! Hayop!" Sabi ko rito.
Sumuntok din naman ito saakin at dumugo ang labi ko. "Akin lang si Aya. Pag katapos mong lokohin babalik ka! Ang tagal tagal kong hinintay si Aya!". Pero wala naman akong pakielam dito dahil sa pinaggagawa nito sa asawa ko.
"Ako yung nandoon nung nagbubuntis si Aya, ako ang nandoon nung nanganak ito, at higit sa lahat Andon ako para sa kambal nasaksihan ko pano sila unang mag salita at mag lakas! Eh Ikaw!?" Sabi nito. Hindi kk naman mapigilan na masaktan at magselos sa sinabi neto.
"Eh ako nga yung pinili" sabi ko rito at patuloy parin itong sinusuntok. Naramdaman ko naman na hinihila ni Aya ang damit ko.
Pero hindi parin ako tumigil hanggat hindi nababasag ang bungo nitong hayop na to. "Kael t-tama na please" sabi nito at yakap saakin para pigilan ako.
Agad naman akong tumigil at tinawag ang mga guard para ilabas itong gagong to. "Ayoko nang makikita yang pag mumukha mo rito" sabi ko rito.
Tumingin naman ako kay Aya na nakaupo sa ngayon. Lumuhod ako rito at niyakap ito. "Sorry, huli ako" sabi ko rito. Hindi naman ito sumagot at agad lamang na niyakap ako.
-Time Skip-
AYASHA'S POV:
Andito naman na ngayon sila mhaloi pag katapos malaman ang mga nangyari kanina.
"Yan na nga ba sinasabi ko eh. Sabi ko na nga bang hindi mapagkakatiwalaan yang Sevi nayan" galit na sabi ni Mhaloi.
"Kumalma ka naman ate Mhaloi" sabi ni shee. "Panong kakalma eh gago yun" sabi naman ni Mhaloi.
"Tama na nga yan, okay ka na ba ngayon Aya?" Tanong naman ni staku. "Okay na ako staks" ngiting sabi ko rito.
Ang inaalala ko lang ngayon ay si Kael, dahil kanina pa ito tahimik sa tabi ko. Siguro eh nasaktan sa mga sinabi ni Sevi na about sa kambal...
Author's Note:
Short update, sorry na hindi ko mapahaba tong chap kasi pagod ako fr, Pinilit ko na mag update kahit masakit ang ulo ko at nahihilo. (Sakitin ang author niyo). At syaka kasi alas syete pasok namin apaka aga. Nag aadjust pa ako lalo na nasira ang body clock ko. Yun lang naman. Salamat sa 70k+ read. Mahal na mahal ko kayo🤍
YOU ARE READING
Hiding The Billionaire's Twins
Fanfictionwhat will happen to ayasha (🐶) after their marriage contract with mikael (🦊) ended? Knowing that she's pregnant with the billionaire? This story are made with pure imagination of mine only, please separate fiction from reality. Ship responsibly...