CHAPTER 29

5.3K 136 2
                                    

MIKAEL'S POV:

It's been 4 months since Aya left. Today is my birthday din. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang over. Araw araw nalang yata ako may hang over.


Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko sila Cody sa sala."Happy birthday bro" sabi nung tatlo. Tumango naman ako. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko rito. "Ang aga pa ah" dagdag ko pa.



"Maaga? Alas 10 na" irap ni Cody saakin. "Ano ngang ginagawa niyo dito?" Tanong ko ulit. "Malamang birthday mo" sabi ni Jho.



"Tapos?" Sabi ko "anong tapos? Malamang icecelebrate natin birthday mo" sabi ni Jho. "Sige, ayos lang ako punta tayong bar" sabi ko sa mga to.



"Kaaga aga bar?" Sabi ni Gwen. "Ah eh San niyo ba gusto?" Sabi ko rito. "Ayusin mo sarili mo Mikael, mag ayos ka kakain tayo sa labas, sigurado akong hindi ka pa kumakain" seryosong sabi nito. Napabuntong hininga naman ako. Sinunod ko naman ito dahil ewan ko ba sakanya lang ako takot.



-Time Skip-


Kumakain na kami, kasama nila mga gf nila ako lang wala kasi, wala naman na si Aya. Ang awkward lang din medyo kasi feel ko galit parin saakin mga kaibigan ni Aya.



Maya maya lang ay lumapit saamin ung waiter na may dalang cake. Sinimulan naman nilang Kumanta ng happy birthday. Pati ung mga kaibigan ni Aya ngiting kumakanta. Hindi ko naman mapigilan na ngumiti.



"Happy birthday Miks", "happy birthday bro" bati nila saakin. "Thank you guys" ngumiti ako sa mga ito. Pero halata pa rin sa mga mata ko ang lungkot. Kulang, kulang ang araw ko ng wala siya.



"Nga pala Miks, pinapabigay sayo to ng mommy ni Aya" sabi ni Mhaloi. Tumingin naman ako dito at inabot saakin yung box na maliit. Agad ko rin naman itong binuksan at nakitang may sulat sa loob.

📩

Dear Kael

This is Aya, I just want to greet you a happy birthday. Sana inaalagaan mo ang sarili mo. Sana masaya ka. Dahil ako pinipilit kong maging masaya dahil may binubuhay na akong dalawang baby sa tyan ko. Yes I am pregnant with your twins.Sinabi ko sayo to kasi deserve mo rin naman malaman.Please don't find me. Fix your self. If destiny wants us to meet again someday. Hindi ko alam. Maybe I'll give you the chance you want but fix yourself first. That's all I want to say. Happy birthday again.

-Aya


Naramdaman ko naman na tumutulo na ang luha ko. Kinuha ko ang picture ng ultrasound niya. "My babies" i cried. It's a boy and girl. She's pregnant with my babies.



Naramdaman ko naman na Niyakap naman ako ni Cody. "Cody sh-she's pregnant" iyak ko rito. "Yet I hurt her, I'm so stupid" sabi ko rito.




"Tumahan kana it's not your fault okay?" Sabi nito. "Kaya nga ate Miks, Ate Aya wants to tell you dati na she's pregnant kaso nung tinanong ka niya sabi mo you're not ready, kaya hindi niya sinabi sayo" sabi ni Sheena. Nakita ko naman na tinapik siya ni Stacey.




"That's why she's not feeling well, morning sickness, weird cravings, and ung pag susukat niya, bakit binalewala ko yung mga signs na yun" sabi ko.





Lumapit naman ako kay Mhaloi. Lumuhod ako. "Mhaloi I know nakakausap niyo si Aya, please tell me kung asaan siya please gagawin ko lahat" iyak ko rito.




"Miks tumayo ka riyan, hindi namin alam kung nasaan si Aya, sila tita lang may alam" sabi nito saakin. "Help me to persuade them please" i cried.





"Mikael tumayo kana riyan, tumahan kana, ayusin mo sarili mo. Hindi magugustuhan ni Aya pag ganyan ka pag bumalik yun. Ayusin mo para pag bumalik yung mga mag ina mo maayos ka" tayo saakin ni Gwen.





AYASHA'S POV:

Isang taon na rin nakalipas. Nanganak na ako sa kambal. Mavis Khai Lim, Madison Queen Lim my twins.Yes Kay Mikael parin sila naka apelyido dahil hindi ko naman pinagkakait sa mga anak ko Ang Isa pa nilang magulang.



Hindi madali oo, ako lang mag isa sa delivery room dahil wala naman si Kael dito para samahan ako.




Mag 1 month na sila. Puyat, pagod lalo na ako lang mag isa, pero buti nalang andito si Sevi para tulungan ako sa kambal. Nung mga ilang buwan na nga rin kami rito sa Canada ay umamin siya saakin na gusto niya ako. Pero hindi ko kayang mag mahal ng iba. At naintindihan niya naman yun.




MIKAEL'S POV:



1 year na simula nung umalis si Aya. Paniguradong nanganak na yun sa kambal namin. Kamusta na kaya siya? Sabi ni Mhaloi. Okay lang naman daw sila.



Kinukulit ko si Mhaloi na sabihin saakin yung pangalan ng kambal ko pero ayaw talaga niya sabihin. Pero may pinasa siya saakin na picture ng mga anak ko. Kasama si Aya. Ang ganda at pogi, mana sa nanay nila ngiting sabi ko.




Author's Note:

Hello bbs kamusta tong chapter nato? Medyo short update. Pero mag uupdate ulit ako mamaya wish me na sana hindi ulit maka tulog HAHAHA. Anyways thank you dahil almost 30k reads na tayo🤍.

Welcome, Mavis Khai Lim and Madison Queen Lim🤙🏻

Excited na ako sa outfit ng girls sa airport mamaya😆.

Ignore my grammatical errors and typos




Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now