CHAPTER 28

5.4K 122 3
                                    

AYASHA'S POV:

Anong oras na wala parin si Kael, nag aalala na rin ako dahil baka mapano ito, at baka madaming nainom.


Habang naghihintay naman ako sa pag uwi ni Kael ay may nag message saakin na random number. Ansama ng pakiramdam ko rito.



Pagkabukas ko para akong pinag bagsakan ng Mundo. video nila Jaz at Kael at Picture nila sa bar ng nag hahalikan. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam anong gagawin ko.



Tinawagan ko naman si Mhaloi para sunduin ako. Tinatanong nito kung bakit ako umiiyak pero hindi ko mapaliwanag.




Ilang minuto lang dumating na si Mhaloi.  Agad akong umiyak dito. "Ano bang nangyari ha??" Alalang tanong nito. "Si Kael" , "anong nangyari Kay Miks?" Sabi nito. "Kael cheated on me loi" hagulgol ko rito. Saktong dumating din si Kael.



"Anong nangyari dito?" Alalang tanong nito at aakmang lalapit saakin. "Wag kang lalapit saakin" sabi ko rito. "What happened love?" Tanong nito.



"Love mo mukha mo, gago cheater" iyak ko rito. "W-what do you mean?" Sabi nito. "Nagmamaang maangan ka pa ha? Ano to!?" Pinakita ko sakanya yung video nila ni Jaz. Napalitan ng takot ung mukha nito.



"No Aya let me explain" sabi nito. " cheater!" sabi ko rito. "Aya huminahon ka masama sayong ma istress" sabi ni Mhaloi sa likod ko. Agad din naman akong huminahon, pero hindi parin matigil ang mga luha ko.



"Maghiwalay na tayo" seryoso sabi ko rito. "Hindi, ayoko, let me explain love, please" umiiyak na sabi nito. "Wala na tayong dapat pagusapan pa Mikael" sabi ko rito.



Inaya ko naman na agad si Mhaloi umalis. "Tara na loi" sabi ko rito. Hinawakan naman ako ni Kael para pigilan. "Aya please let's fix this" sabi nito. Pero inalis ni mhaloi ang kamay nito saakin. "Miks magpahinga na muna kayo, ako na bahala Kay Aya" seryosong sabi nito. Umalis na rin kami pag tapos.




Hindi parin ma sink in sa sarili ko Ang mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Kael yun. Ilang araw na rin nung nangyari yung mga yun. Andito ako ngayon sa bahay nila mommy



Walang araw na hindi pumupunta si Kael sa bahay namin. Nakikita ko to sa bintana ng kwarto ko ngayon, parang hindi pa ito naliligo dahil iyun parin yung suot niyang damit kahapon. Pumasok naman si mom sa kwarto



"Anak hindi mo ba kakausapin si Kael, andyan nanaman sa labas oh, mukhang hindi pa kumakain." Sabi nito. "Paalisin niyo nalang mom, ayoko siya makita" sabi ko rito.



"Osiya sige na, kumain kana, alagaan mo sarili mo may binubuhay kang mga bata sa tyan mo" sabi nito tumango lang naman ako.



Nakita ko naman na nilabas ni dad si Kael sa gate. Nakita kong lumuhod si kael sa harap ni dad nagmamakaawa na makita ako. Hindi ko naman namalayan na tumutulo na ang luha ko.



"Sir, nag mamakaawa po ako, gusto ko lang pong makausap ang anak niyo" makaawa nito. "Mabuti pang umalis kana hanggat nagtitimpi pa ako sayo Mikael." Seryosong sabi ni Dad.



Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now