CHAPTER 15

5.9K 175 1
                                    

AYASHA'S POV:

It's our 4th day in here sa boracay. Kael is being so clingy like ayaw na ayaw akong nawawala sa tabi niya.
Today nga pala we're doing water activities.

Nasa iisang cottage kami ngayong walo, nag kwekwentuhan at kulitan.

"Hey guys today pala sasakay tayo ng banana boat, jet ski, and we will try the scuba diving" sabi ni Kael. After Kael said those things excited naman ang lahat.

"Yun oh, gusto ko talaga mag banana boat tapos si Jholo sa Dulo, para siya unang malalaglag, hindi pa naman marunong lumangoy yan" sabi ni Cody.

"Hoy marunong kaya ako lumangoy" sabi naman ni Jholo.

"Nako nga Jho, langoy unggoy ka nga" sabi naman ni Staku hahaha.

"Ang sama mo sa manliligaw mo Staks hahaha" sabi ko rito.

"Kawawa na nga lalo niyo pang kinakawawa haha" sabi ni Sheena

"Hindi ko alam kung naawa ba talaga kayo sakin o pinagtritripan niyo lang din ako eh" sabi naman ni Jholo samin. Na ikinatawa ng lahat.

"O siya bumalik na muna tayo sa mga rooms natin para makapag pahinga at may energy mamaya" sabi ni Kael sa mga to.

"Sus kunwari kapa gusto mo lang ma solo si Ate Aya nmin" sabi ni Sheena na ikinatawa ko, pati na rin sila.

"Huli pero di kulong" sabi naman ni Cody.

"Ano naman kung gusto ko masolo si Aya" irap na sabi naman ni Kael.

"Tigilan niyo na nga 'yan hahaha, bumalik na lang tayo sa mga room natin." Sabi ko sa mga to, at pumasok na rin naman kami.

MIKAEL'S POV:

-Time Skip-

3

pm na at hindi naman na gaano maiinit sa labas kaya naman na pag desisyonan namin na maghanda na para sa water activities namin ngayon.

Nasa cr na si Aya nagbibihis habang ako tapos na kanina pa suot ko ay simpleng pang beach polo na may katerno na shorts.

Pagkalabas naman ni Aya ay nakita ko ito na suot ay bikini. Napatulala naman ako sa nakikita ko.

"Hey Kael, kanina ka pa tulala, hindi ba bagay sakin?" Tanong nito.

"H-ha?, hindi bagay sayo Aya, bagay na bagay" sabi ko rito.

"Asus bolera" sabi naman nito na ikinatawa ko.

"Totoo nga, pero 'yan ba talaga susuotin mo?" Sabi ko rito.

"Bakit ayaw mo ba nito?" Sabi naman nito.

"Hindi naman sa ayaw Aya, bagay naman sayo, pero pano kung tignan ka ng mga manyak na lalaki sa labas ha? masyadong revealing baby" sabi ko rito.

"Kael normal lang naman ang bikini sa beach, syaka bakit kaba nagkakaganyan" sabi nito na parang nagagalit naba.

Okay sorry sorry, ayoko lang na may ibang tumitingin sayo." Sabi ko rito.

"Hays Kael so possessive, I'll wear cover ups nalang okay?" sabi nito. Tumango nalang ako dito. Lumabas narin naman kami.

Pagkababa namin ay nandun narin naman na sila nag hihintay saamin.

"Oh bat ka naka busangot yang mukha mo Miks" sabi ni Gwen.

"yang kasing kaibigan niyo ayaw ng naka bikini ako gusto ata mag pants at long sleeves ako eh." Sabi nito na ikinatawa naman nila.

"Eh baka nga may mga tumingin sayo" ngusong sabi ko rito.

"Tiklop na tiklop kay Aya ah Hahaha" inirapan ko naman ito.

"Tama na nga yan tara na gusto ko na makitang malaglag si Jho sa banana boat" sabi naman ni stacey.

"Ang sama mo talaga sakin" hawak sa dibdib na sabi nito. Tumawa naman ang lahat.

AYASHA'S POV:

Nakasakay na kami sa banana boat ngayon at pinanindigan nga nilang sa dulo so Jholo hahaha. Habang si Kael naman ay nasa Unahan. Habang ako naman ay nasa bandang gitna, syempre para medyo safe baga haha.

"Yan sa unahan ka Miks Ikaw nagaya dito eh" sabi ni Mhaloi.

"Whatever" sagot naman nito. "Ayusin niyo na upo niyo ah aandar na tayo maya maya" dagdag pa nito.

"Okay boss" sagot naman nila. Maya maya ay umandar na kami.

"Kuya dahan dahan lang naman!" Sigaw naman ni Jho hahaha.

"Bilisan mopa kuya para malaglag na to" sabi naman ni Staks. Maya maya lang ay natumba na rin kaming lahat.

Ngayon mag jejet ski naman kami, apat lang pinahanda ni Kael by partners nalang daw.

Inalalayan naman ako ni Kael pasakay sa likod niya.

"Nakaayos ba life vest mo love?" Tanong nito saakin. "Yea" sagot ko naman.

"Guys ung life vests niyo ah ayusin niyo, lalo kana Jho" sabi nito.

"Oo na!" Sigaw naman ni Jholo hahaha.

Ka partner nga pla ni jholo si staks, si shee naman ay si Gwen, at si mhaloi ay si Cody. 

Umandar naman na kami ni Kael at humiwalay sa anim. "Kael magdahan dahan ka nga baka tumaob tayo" sabi ko rito. Tumawa lang naman ito. Maya maya ay huminto naman kami at tinanggal nito ang life vest niya at tumalon sa tubig.

"Hoy Kael ano bang ginagawa mo!" Sigaw ko rito. Ilang minuto na hindi ko parin nakikita si Kael. Kinakabahan na ako.

"Kael sinasabi ko sayo umangat ka na hindi na ako natutuwa" sabi ko. Pero wala parin akong nakikitang Kael. Kaya tumalon na rin ako, nang may miglang yumakap mula sa likuran ko.

"Hey I'm fine" sabi nito. "Nakakainis ka akala ko kung napano kana" sabi ko rito.

Humarap naman ito saakin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Nakatitig naman ako sa mukha nito at unti unti nagkakalapit ang aming mga mukha. Onti nalamang ang aming pagitan ng may magsalita.

"Hoy Miks, tara na daw at uulan na daw bukas nalang natin to ituloy" sabi ni Jholo. Nakita ko naman na naging bad trip si Kael hahaha lagot ka talaga dito Jholo.

Author's Note:

Hello po, what's your thoughts about this chapter? Sorry po hindi nakakapag double update today masama parin po kasi pakiramdam ko. Malapit na mag 2k reads thank you po🤍

Ignore my grammatical errors and typos





















Hiding The Billionaire's TwinsWhere stories live. Discover now