Chapter 3

55 8 3
                                    

Blakes POV

"Hay buhay! Parang life!" Reklamo ni Candy sabay hilata sa damuhan at tapon ng grass scissor kung saan.

Ginaya sya ng iba, humiga na rin sa damuhan. Nakita ko pa si Topher na nagpagulong gulong sa damuhan. Hahahahaha, ang sarap panuorin ng g@go.

Feel na feel ang paggulong gulong nakita ko kanina tumae dun si clark eh. Hahaha.

"Hay buhay parang ako!" Singit ni Kane.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pogi! ^_^"

Di ko pinansin ang sinabi nya at umaktong walang narinig. Bahala sya sa buhay nya. Haha.

"Fck, balak ba tayong gutumin ni Principal?! Gutom na ko, l3tche!" Inis na sabi ni Anika sabay upo sa katabi ko.

Napangiti ako. Ang ganda nya kahit inis na inis na ang mukha. Haha. Niyakap ko sya.

"Hayaan mo na babe. Tingnan mo lang ako, busog ka na sa kagwapuhan ko." Sabay ngiti ko.

"Ulul! Haha," sigaw ni Kane.

"Manahimik ka Blake Hwang! Magbiro ka na sa bagong gising, wag lang sa taong gutom!" Anika.

Napabitaw ako sa yakap kay Anika. Badtrip si Baby :( ano ba yan. Bwisit naman kasi si Kane pahamak e. Monthsary pa naman namin ngayon :3

Hinawakan ko ang kamay ni Anika at pinagsiklop yun. Ako lang makakapag paalis ng badtrip ng baby ko alam ko. Hehe.

Tumingin sya sakin ng naka-pout.

Cute.

"Babe, huhu. Gutom na ko *pout*" sabi nya.

"Babe--"

"TABI NGA! ANG TAAS TAAS NG INIT NG ARAW PURO KAKORNIHAN ALAM NYO!"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita at dumaan sa gitna namin si Isha na ngayon ay pawis na pawis.

"F U, Isha!" Sabi ni Anika sabay taas ng middle finger nya pero agad kong kinuha ang isang kamay nya at pinagsiklop nanaman ito sa kamay ko.

Tiningnan nya ako kaya agad akong ngumiti na para bang inosenteng bata.

"Bakit andito ka? Diba sa CR kayo naka-assign?" Tanong ni Hailey.

"Oo at ang alam ko rin si Aiden dapat andito! Bwisit, di ko kinakaya ang landian nila ni Chloe sa CR! -_-" sabi nya.

Kaya naman pala andito 'tong isang 'to. Haha.

Hindi ko na pinansin sila Isha at pinunasan na lang ang pawis ni Anika.

Kahit napakakulit nito at di ko maintindihan minsan. Mahal ko pa rin 'to.

"Tama na ang titig, blake. Matunaw ako. Haha." Anika.

Napangiti nanaman ako. Bakit ba araw araw na lang akong nap-fall sa kanya? Haha, ang corny. Shet.

"Guys, tapusin na naten to! Para makapag-break na tayo!" Sigaw ni Tracy na nakakuha ng atensyon ko.

Napakunot noo ako ng makitang natingin sya sakin at kay Anika.

Ako lang ba o masama talaga ang titig nya?

Kate's POV

"Chloe, bakit S ang nasa brief ni Superman?"

Nginuya ko ang bubble gum sa bibig ko at saka ito hinulog sa basurahan sa tapat ko.

"Why?" Tanong ko.

Ang tagal kasing sumagot ni Chloe kaya ako na lang ang nagtanong ng 'bakit'?

"Kate, alam mong alam ko na hindi Chloe ang pangalan mo kaya wag kang sumagot."

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon