Chapter 45

4 1 0
                                    

Candy's POV

"Kiara! Sabay na tayong umuwi!" Nakangiti kong tawag sa kanya.

Akala ko ay tatakbo sya kaagad sakin pero tumingin muna sya kay Alec na parang nag aalangan.

Dati, kahit hindi ako magyaya kusa syang sasama pero ngayon hindi na.

Ewan ko pero bigla akong nalungkot ng hindi ko alam ang dahilan. Minsan talaga nararamdaman ko na lang bigla na mag isa ako.

"Bye guys! Thank youu," sigaw ni Anika mula sa bintana ng sasakyan nila.

Ang hirap magpasaya kung ikaw mismo di masaya. Sigurado akong di naman napansin ni Anika ang presence ko.

Tinutulungan mo yung ibang tao para maayos ang problema nila tapos ikaw magmumukkmok sa sulok iniisip paano ayusin buhay mo.

Pinagmasdan ko silang lahat na masayang nag papaalam sa isat isa. Nakakalungkot lang isipin, na walang nakapansin sakin na nakatayo ako dito sa madilim habang pinagmamasdan sila.

You walk around trying to fix everything but youre the one whos broken.

Nakatingin lang ako kay Kiara habang palapit sya sakin na may pilit na ngiti.

"S-sorry ha, next time na lang tayo magsabay." Sabi nya.

Hindi ako sumagot para malaman nyang hindi ako pumapayag.

"Huy, kinakausap kita."

"Kiara, nakalimutan mo na ba ko?" Malungkot kong tanong.

"Huh? Hindi ah! Sabay lang naman kaming umuwi ngayon. Promise next time hindi na."

"Simula ng maging close kayong masyado nawala ako sa eksena, Kiara. Never mo na kong nakasabay pag uwi. Hindi mo ba napansin?"

Hindi sya nakasagot. "Hindi pa kayo pero nakalimutan mo na ko, paano pa kaya kung kayo na?"

"Ang OA mo naman, Candy! Maging masaya ka na lang sakin," depensa nya.

Napasinghap ako. "Maraming lalake dyan Kiara pero tunay na tropa mahirap hanapin yan." Sabi ko.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis pero bago ako makalayo ay lumingon ako ulit sa kanya.

"Hindi ako galit. Gusto ko lang malaman mo na nagtatampo ako. Bye."

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon