Sabado. Kinabukasan ay nagmamadaling nagbihis si Jaxon para agad makarating sa antayan nila. Sa 7/eleven. 7:00 ang usapan at 10 na sya naggising kaya siguradong andun na silang lahat at sya na lang ang inaantay.
Ngayong araw sila mags-shoot ng short film para sa project nila.
Hinihingal na nakarating sya sa 7/11 ngunit pagdating nya dito ay ni isa sa mga kaklase ay wala. Imposible namang iwan sya dahil ang usapan ay sabay sabay silang aalis.
"Andito nanaman ako at andito ka. Salamat ulit dahil andyan ka habang wala pa sila."
Umupo sya at saglit na naghintay. 30 minutes ang nakakaraan ng magsidatingan ang mga kaklase nyang marunong kausap.
"Ang aga nyo grabe!"
"Balak ko nga sanang magpalate e!" Kate na kasama si Ayana.
Ilang saglit lang ay nakompleto sila at sabay sabay na umalis. Nagtaka pa si Jaxon ng makitang may benda ang paa ni Kiara. Halatang may sprain.
"Kiara, dapat hindi ka na sumama." Hailey.
"Nope, dagdag memories to kasama kayo kaya sasama ako!" Sagot nito.
Wala silang naggawa kundi ang pumayag na lang. Masaya nga naman kapag mas marami.
~
"Dito ba tayo mags-shoot?" Tanong ni Kiara.
Bumaba sila sa isang malaking bahay na nag-iisang nakatayo. Puro palayan ang nakikita nila. Sa totoo lang ay wala silang permanenteng lugar, basta na lang sila pumunta dito.
"Teka, pano ka makakapaglakad?" Tanong ni Hannah kay Kiara.
"Pasan ka na lang sakin,"
Napalingon si Kiara kay Alec at nakaupo na ito sa harapan nya kaya wala syang naggawa kundi ang sumakay na lang sa likod nito.
"Oh ano san tayo?" Anika.
Nagsimula silang maglakad para maghanap ng tamang pags-shootingan. Napadaan sila sa isang malaking puno at sabay sabay na binasa ang karatulang nakadikit dito.
"Mag ingat sa aso bagong toothbrush,"
"Weird," Tracy.
Hindi nila pinansin ang karatula at nagpatuloy sa paglalakad ngunit naiwan si Argel sa kinatatayuan.
"Guys," tawag nito sa mga kasama.
"Sumunod ka na lang, baka gusto mo din magpabuhat?" Blake na hindi sya nilingon.
Napalunok si Argel at pinagpapawisang nagsalita. "I never run voluntarily so if you ever see me running you should starts running too because something .... is coming!"
Mabilis na tumakbo si Argel na nilampasan ang mga kaibigan. Nagtaka pa ang mga ito kung bakit ito tumatakbo ngunit kahit sila ay nanigas sa kinatatayuan ng makarinig ng tahol.
"MAY ASO!!!" Takot na sigaw ni Xavier.
Kumaripas sila ng takbo hanggang sa maabutan si Argel.
Ang barkada walang iwanan yan. Pero kapag hinabol ang aso kanya kanyang takbuhan.
Gustuhin mang tumakbo ng mabilis ni Alec ay hindi nya maggawa dahil pasan pasan nya si Kiara na ngayon ay tuwang tuwa dahil sa itsura ng mga kaibigan.
"Kotang kota na ko kay Clark pati ba naman dito?!" Jaxon.
"Pati ba naman aso patay na patay sa ganda ko?!" Isha.
~
Hingal na hingal silang tumigil sa pagtakbo. Lahat ay naghahabol ng hininga.