Topher's POV
"Hoy Topher! Aba double time!" Sabay sipa nya sa upuan ko sa likod.
Napatingin ako kay Sir pero dedma lang sya. Masyado syang abala sa kung ano mang ginagawa nya sa laptop nya. Ipinasa ko sa kanya yung sagot ko na nasa papel at saka sumagot sa ibang number.
"Slow hands ka talaga Valencia! Magt-time na!" Pabulong na sabi ni Mark sabay sipa ulit sa upuan.
Langya!! Namali ako ng pagcircle ng sagot dahil sa kanya!!
Hindi ko sya pinansin at pinag isipan kung anong gagawin ko sa test paper ko. No erasures na nga correct minus wrong pa, hmp.
Dahil 2 minutes na lang bago magtime gumawa na ko ng paraan, sayang one point.
Not B but C :)
"Pass the papers!!"
Xavier's POV
"Pass the papers," bagot na bagot akong pinasa sa likod ang mga test papers.
Ang malas ko lang dahil nasa pinakaunahan ako at mismong tapat pa ni Sir Ramirez. Konting galaw ko huling huli nya.Bakit naman kasi ang aga ko?! Dapat nagpalate na lang ako para siguardong nasa pinakalikod ako.
Dumaan ang 30 minutes pero wala pa rin akong masagot. Di ako nagreview kasi ang akala ko makakagawa ako ng paraan para magkasagot.
"5 minutes left," sabi ni Sir.
Sa huling pagkakataon ay binasa ko ang tanong.
If you were a dog, how could you explain the possible chances of war between China and Philippines? You have three pages to answer the question.
Napasapo ako sa ulo ko ng makita kong nagpapasahan na ang iba sa test paper. Kinakabahan ako baka bumagsak ako, pucha namumutla ata ako ah?! Leche kasi si Sir e! Yung bading?! Sa sobrang dali ng question nya di ko masagutan!!
Dahil wala na kong choice, pinagtripan ko na lang yung sagot ko.
Sa 3 pages na yun, "Aww aww aww aww ..." ang sagot ko.
Alec's POV
"Oh Yu!" Sabay abot nya sakin ng isang maliit na papel na may lamang formula.
Math na. Sinulat ko agad ang sagot na bigay ni Kiara sakin sa test paper ko at agad namang inabot sa iba pagkatapos ko. Nagtataka lang ako kapag ba talaga may exam palaging sa last name tinatawag ang pangalan?
Haha, ang weird lang eh.
Napailing iling ako. Akala ko talaga dito na ko titino mas malala pa pala. Tsk. Tsk.
"Oh Yu sagot sa last number," tapos binato nya sakin yung papel.
Kinuha ko naman agad yun at sinulat sa test paper ko.
Malapit na kong matapos ng may biglang nagsalita sa likod ko, "Mali kopya mo X yan tapos Y equals 4."
Hindi ko alam kung sino yun pero agad kong binago yung sagot ko. Malapit na rin kasing magtime e. Pagkatapos kong sumagot iniangat ko ang ulo ko para sana magthank you pero paglingon ko ... tangina si Sir pala.
"All of you .... guidance now!!!!"
~
"All of you ... loves all of me.. hmm hmm..."
Ang sama ng tingin ni Sir kay Jaxon habang kumakanta. Langya, nangpipikon pa mamaya nyan lumala ang parusa samin e.
"Cutting, pinaglaruan ang elevator sa mall, 123 pass sa jeep, nakalimutang magbayad sa karaoke... are you kidding me?" Sir Ramirez.
![](https://img.wattpad.com/cover/42727026-288-k63533.jpg)