Bitter Sixteen
"Hey, sure ka ba dito?" Nag aalangang tanong ni Anika kay Yuki.
Kinagabihan ay pinapunta sya ng mga ito sa Academy. Na-lock daw kasi si Kiara at Candy sa detention room at dahil walang makakapunta sa kanila sya ang pinapunta. Pero pagdating nya si Yuki ang nadatnan nya at pinilit syang pasuotin ng piring sa mata.
Pagkaraan ng ilang lakad ay bigla syang binitiwan ni Yuki. Nag aantay sya ng sasabihin nito pero wala.
Tinanggal nya ang piring at tumambad sa kanya ang 4-F na nakatingin sa kanya at nakangiti ng malapad.
Biglang nangilid ang luha sa mata nya. Pinagmasdan ni Anika ang buong gym, may mga lobo at pagkain. Magandangcs stage na may picture nya pa. 16th birthday nya ngayong February 14. Muntik nya pang makalimutan.
Lumapit sa kanya si Tracy na may dalang kulay Pink na gown. Alam nya sa sariling si Isha ang may design nito. Naalala nya pinapili sya ni Kane at yun ang napili nya. Si Isha lang naman ang mahilig magdesign ng damit sa kanila.
Hinila ni Tracy si Anika sa banyo ng gym at pinagpalit ng gown na dala nya. May sandals rin itong dala na pinasuot rin sa kanya. Inayos rin nito ang buhok ni Anika at pinagpulbo. Pagkatapos magbihis ay lumabas sila ng banyo. Paglaba ni Anika ay madilim na ang paligid at sya na lang mag isa.
Hindi nya gumalaw dahil sa takot na baka matalisod sya. Halos mapatalon sa gulat si Anika ng may humawak sa kamay nya. Ang higpit ... ang higpit ng pagkakahawak na parang ayaw syang bitawan.
Hindi nya sya makita dahil sa sobrang dilim. Kahit ang iba ay hindi rin nya makita. Iginiya sya nito paakyat ng stage at pinaupo. Nakaramdam sya ng matinding lungkot ng bitawan ng kung sino man ang nakahawak sa kamay nya. Parang gusto nya tuloy umiyak nanaman.
Ilang minuto lang ang tinagal at sa wakas nagkailaw na rin. Napatasa sya sa biglang naisip, siguro palpak nanaman ang plano ng nga kaibigan kaya biglang dumilim.
Napansin ni Anika na sa kanya lang nakatapat ang ilaw. Spot light pala. Pero kita nya pa rin ang 4-F na masayang nakatingin sa kanya. Pati ang gurong si Mr. Ramirez at Mr. Torres ay andyan rin pala. Napansin nyang wala na ang lalakeng naghatid sa kanya. Siguro si Kane yun, pinagt-tripan lang sya.
Biglang may nagplay na video sa katabi nya. Parang may sariling utak ang mata nya dahil sa biglang pagtulo ng luha mula dito. Siguro naman ayos lang na umiyak wala naman syang make up eh. Kaya walang masasayang.
Halo halong emosyon ang nararamdaman nya. Saya, lungkot at sakit.
Pinakita sa video si Yuki kasama sya. Pareho silang nagtatawanan habang nakatingin sa bintana.
Lumapit sa kanya si Yuki na may kapit na kandila. Katulad ni Yuki, ganun rin ang ibang babae.
"Remember 'nung time na umiiyak ako? Hindi ka nagsawang patahanin ako kahit na gustong gusto mo na kung sapakin." Inilabas ni Yuki ang isang anklet sa bulsa nya. "This anklet, ito yung gift ko sayo. Para lagi mong maalala na ako yung isang tao na mahina pero dahil sayo lumakas."
Nagpahid sya ng luha at saka umalis sa harapan ni Anika. Nagpatuloy ang video; si Anika at si Ayana naman ang nandun. Napatawa sya ng makitang hindi happy moments ang ipinakita. Yun yung mga panahong nag-aaway at nags-sabunutan pa sila.
Katulad ng ginawa ni Yuki ay lumapit rin ito sa kanya. "Ako ang may gustong ilagay yan." Napatakip si Ayana ng mukha ng maramdamang naiiyak na sya. Lumunok ito bago magsalita ulit.
"Hey! Dont make me regret coming here you little btch, ako lang dapat ang umiyak!" Natatawa saad ni Ayana kay Anika ng makitang paiyak na ito. Nagtawanan sila.
