3rd Person's POV
Pagpasok pa lang ni Hailey sa classroom ay agad nyang naabutan ang mga kaklaseng naglalaro ng Uno. Nasa back door sya nakatayo kaya hindi sya napansin ng mga kaklase
Napabuntong hininga sya ng mapadako ang tingin nya sa blackboard. May malaking nakasulat ditong, "Las Vegas Casino"
May dumaang teacher kaya agad sumenyas si Brayden na may dalang Walkie Talkie kahit nakaupo lang naman ito sa may door way.
"May teacher na paparating over! May teacher na paparating!"
Napasapo si Hailey sa noo ng magsalita sya sa walkie talkie na agad namang natanggap ni Candy sa kabilang linya. Isa sya sa naglalaro ng Uno kasama sina Kiara. Nagbago ang pwesto ng lahat at nagkanya kanyang tago ng cards.
"Pen pen de sarapen..." malakas na kanta ni Anika.
Dumaan ang gurong si Sir Haime na hindi man lang nag abalang tumingin sa classroom nila.
"Hallway is clear over!"
Napadako naman ang paningin nya kay Jared na ngayon ay natutulog sa tapat ng aircon at may suot na headband. Siguradong napagtripan nanaman ito. Sasawayin na sana nya ang mga kaklase ng bigla na lang maalarma ang lahat ng biglang may pumito. Kahit ang natutulog na si Jared ay nahulog pa sa upuan dahil sa gulat.
Si Jaxon pala na walang pasabing pumasok at hinipan ulit ang whistle na nasa bibig nya.
Seryoso itong nakatayo sa unahan habang may suot suot pang sombrero na may malaking feather na nakalagay. Nakasaludo pa ito sa mga kaklase.
"Namo ka Jaxon akala ko si Sir Haime!" Kinakabahang sigaw ni Kate.
Nakahinga naman ng maluwag ang iba ng mapagtantong si Jaxon pala ang nangtrip. Kahit si Hailey na kanina ay kinabahan ngayon ay kumalma.
"Hindi si Sir Haime pero ako nakita ko...."
Halos mapatalon sa gulat si Hailey ng magsalita si Sir Ramirez na seryosong nakatingin sa kanila at naka cross arms pa habang nakasandal sa pinto.
"Guidance now,"
~
"Sir, Ba't wala dito si Hailey?" Nag-aalalang tanong ni Kiara sa guro.
Umayos ng upo si Sir Ramirez at tiningnan sila ng seryoso.
"Kinakausap sya ng Principal ngayon dahil sa kagagawan nyo ..." bumuntong hininga ang guro. "Alam na alam nyo naman na bawal ang cards sa loob ng eskwelahan pero nagdala pa rin kayo..."
Walang sumagot at nakayuko lamang ang mga ito. Tiningnan ng guro isa isa ang mga estudyante nya at sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga ito. "Class picture nyo ngayon, magready kayo. At bukas may Camping Trip kayo ng tatlong araw. Pagkatapos ng clasa picture pwede na kayong umuwi at maghanda para sa gagamitim bukas. You may go," sabi ng guro.
Nagkanya kanya ng alis ang iba pero nanatili lamang nakaupo si Kiara.
"Kiara, bumalik ka na sa room nyo,"
"Sir, ba't si Hailey lang ang kinausap? Ba't ako hindi?"
"Ewan ko, sige na bumalik ka na,"
Sa huli ay walang natanggap na sagot si Kiara mula sa guro kaya umalis na lang ito at dumeretso sa room.
~
"Ms. Tan, kung hindi kayang pamunuon ni Ms. Choi ang klase, bilang Presidente ng Council ay kahit papano may maggagawa ka diba? Malapit na kayong grumaduate, Siguro naman kaya nyong magtino diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/42727026-288-k63533.jpg)