Chapter 36

4 1 0
                                    

Confused

Blake's POV

Bago pa man mag uwian ay agad na kaming umuwi ni Jared. Naabutan namin si Daddy na galit na galit na nakatingin sakin.

Napaupo ako ng bigla nya kong suntukin. Tangina ang sakit.

"Bago matapos ang araw na to, kailangan nakipag break kana sa kanya naiintindihan mo!" Galit na galit na sigaw nya.

Napatingin ako kay Jared na pilit pinapatahan si Bianca.

"Naiintindihan mo ba Blake Patrick?!"

Tumango tango ako kahit labag sa loob ko.

"Dont be afraid to give up the good for the great. Anak, wala syang maitutulong sa kinabukasan mo! Kapag naghirap ka sa tingin mo ba may maipakakain ka sa kanya?! Wala, kaya hanggat maaga pa makipaghiwalay ka na."

Saka sya umakyat papasok ng kwarto nila ni mommy.

Umiiyak na yumakap sakin si Bianca. "Kuya, bakit *hik* galit si *hik*daddy sayo?"

Ngumiti ako para hindi nya mapansing nasasaktan ako. "Hindi sya galit, baby. Pinagsasabihan nya lang ako. Now, go to your room. May gagawin pa kami ng kuya Jared mo."

"Okay, kuya"

Pinanood ko syang umakyat papuntang kwarto nya saka ako tumayo at pumasok ng kwarto ko. Sumunod naman sakin si Jared.

"Disidido ka talagang hiwalayan sya no?" Tanong nya.

"Mas pipiliin ko na lang sumuko kaysa masaktan,"

"Habang sya mas pipiliing masaktan kaysa sumuko? Tangina, tinatakot ka lang ni daddy kuya! Nagpadala ka naman!"

Napasinghap ako "Kung titingnan sa barkada ikaw ang isa sa pinakamatalino pero bakit hindi mo ko maintindihan? Kapatid mo ko diba?!"

"Pero sana man lang sinabi mo sa kanya ang nangyayari, Blake!"

Napasabunot ako sa buhok ko.

"Umalis ka na dito! Mag-iimpake pa ko."

Wala naggawa si Jared kung hindi ang umalis ng kwarto ko. Wala akong naggawa ng tumulo ang luha ko.

Akala ba ni Jared hindi ako nahihirapan? Akala ba nya hindi ko pinag isipan ang gagawin ko? Mahirap e. Sobrang hirap.

Napatingin ako sa phone kong tumunog.

Fr: Babe

Babe, ba't hindi ka pumasok? Nakakakilig yung eksena nila Kiara at Alec sana pumasok ka.

Napasuntok ako sa pader sa nabasa ko. Ayoko syang saktan. Ayokong makitang umiiyak sya. Lintek! Bat kasi nangyayari to?!

Tumayo ako at agad na nagbihis. Bahala na.

~

Tracy's POV

"Mom, baka pwede namang iurong ang kasal diba? Ang babata pa naman namin para dun." Naiiyak nanpakiusap ko kay mommy.

"Anak, hindi naman ngayon e. Pagkagraduate nyo ng college saka matutupad ang arrange marriage."

"Pero ma, di nya naman ako gusto e."

"Anak lahat ng bagay natututunan. Darating ang araw na matututunan ka rin nyang magustuhan."

Napasapo ako sa ulo ko ng umalis si mommy sa harapan ko.

Hindi ko alam na ngayon pala yung final decision ng pamilya namin at pamilya nila Blake tungkol sa arrange marriage.

Kung hindi nya sinabi sakin hindi ko malalaman.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon