Chapter 37

5 1 0
                                    

Finish Line

Habang pababa ng hagdan si Anika ay napatigil ito ng tumunog ang cellphone nya.

Napangiti sya ng makita ang pangalan ni Blake.

"Babe--"

"Asan ka?"

"2nd floor pero pababa na rin ako. Bat hindi ka pumasok---"

"Magkita tayo sa playground. Bilisan mo."

Nagtaka sya ng putulin ni Blake ang tawag. Saglit syang nakaramdan ng kaba pero binalewala nya ito.

Bago pumunta ng playground ay kinuha nya na muna ang bag at nagmadaling puntahan si Blake.

Gusto nyang ibalitang sumali sya sa Battle of the Bands para tumugtog sa Intrams.

"Blakey!" Tuwang tuwa nyang tawag dito ngunit nagtaka nya ng makitang seryoso ang mukha nito.

"Ba't ang tagal mo?!" Inip na tanong nito.

"Ah, kinuha ko lang yung bag ko e. Bat ka nga pala andito? Tara kain tayo, may ibabalita ako sayo!" Hinila nya ang kamay ni Blake pero hindi man lang ito gumalaw.

"May sasabihin ako sayo," saad nito.

"Mamaya na yan, kain muna tayo!" Pamimilit nya.

"Makinig ka nga muna kasi! Yan ang hirap sayo di ka marunong makinig!" Asik nya.

Napabitaw sya sa kamay ng boyfriend.

"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa ah!" Anika.

"Break na tayo..." deretsahan nyang saad.

Nagpaulit ulit sa tenga ni Anika ang sinabi ni Blake. Hindi ito matanggap ng sistema nya.

"H-huh?"

"Sabi ko break na tayo,"

"Dahil ba to sa sigawan naten? Sorry na.." naiiyak nyang saad.

Inalis nya ang kamay ni Anikang nakahawak sa kanya.

"Alam kong biglaan to pero ayoko na, Anika. Nakakasawa na. Nakakasawa ka."

Tuluyang tumulo ang luha sa mata ni Anika.

"B-bakit?"

Napahilamos si Blake sa mukha nya. "Di mo ba narinig? Ayoko na. Tapos na tayo. Ngayon mismo."

"P-pero diba magkasama lang...tayo kanina?" Pilit nyang pinapatatag ang boses nya.

"S-sorry.. ayoko na kasi e."

"S-sana ... sana man lang pinagpabukas mo na 'to Blake." Ngumiti sya ng pilit. "Bakit nakisabay ka pa sa problema ko?"

Kahit nagulat ay hindi ito pinahalata ni Blake. Hindi nya alam na may problema pala si Anika.

"S-sorry... hindi ko alam."

"Bakit ayaw mo na? Ganun ba kadali yun?"

"Fall out? I think," sagot nya.

Napayuko si Anika at pilit na pinipigilan ang luha nya pero sa huli tuluyan na syang naiyak. Ayaw nya sanang umiyak kasi baka isipin ni Blake na mahina sya --- kahit yun naman ang totoo. She's not that weak to cry because of him, but she's hurt. Nasaktan sya ... ng taong mahal nya.

"Huling pag-uusap na natin 'to, Anika. Sana wala ng susunod. A-alam ko kasing hindi ka makaka move on kapag nag usap pa tayo e. Hanggat maaari layuan mo ko, umalis ka kapag andyan ako."

Pumiyok si Blake halatang naiiyak na rin pero pinigilan nya ito.

"Pero mahal kita e,"

"Wag mo na kong mahalin. Isuko mo na ko Anika kasi ako ... matagal na kitang isinuko. Maghanap ka ng iba. Maghanap ka ng taong kaya kang ipaglaban." Hindi tulad ko.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon