3rd Person's POV
*kringg~
*blag*
Habang nagmamadali ay biglang natabig ni Argel ang alarm clock nyang kakatunog pa lang. 7:09 na at talaga naming late na sya. First monthly test kasi nila ngayon at kailangan ay makaabot sya. May 21 minutes pa para papasukin sya ng guard sa gate ng Academy nila.
*kring—
Bigla nyang sinipa ang alarm nya at tumama ito sa pader. Naiinis sya dahil 4:30 nya ina-larm ang alarm clock nya pero 6:30 ito tumunog.
"Tounge in a lungs talaga. babagsak kami kapag hindi ako naka-exam ngayon," bulong nya sa sarili habang nagsasapatos.
1:30 na kasi sya natulog kanina dahil sa kakapanood. Ni hindi nya nga nalinis ang kwarto nya e.
"Bakit naman kasi sinunod ko pa ang sinabi sakin ni Xavier e. Yan tuloy late ako ngayon, sa susunod talaga di ako makikinig dun. Pero ang ganda ng pinanood ko kagabi, nasaktan talaga yung babae. Tch." Bulong ulit nito at saka nagtatakbo palabas ng bahay.
"Ma, asan na si kuya drive---" hindi pa nito natatapos ang sinasabi ay sumabat na agad ang mama nyang naka-apron at may hawak pang sandok.
"Umalis, may pinabili ako. Sumakay ka na lang sa jeep!"
Napasapo sya kaagad sa ulo nya. Sa loob ng tatlong taon, mukhang nagyon pa sila babagsak at yun ay dahil sa kanya.
Sigurado na kasi syang mal-late sya ngayon.
Anika's POV
Bigla akong napaatras ng may bumusinang jeep sa may gilid ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napalunok.
Next time talaga gigising na ko ng maaga para di naiiwan ng driver namin.
"O! pito pa o! pito pa!" sigaw ng lalake.
T^T
Blake, where are you? I need you. Huhu.
First time kong sasakay sa jeep at talagang kinakabahan ako. Wala man lang akong kakilala dito.
Dahan dahan akong sumakay sa jeep at sa hulihan ako pumwesto. Dalawa kaming sumakay na estudyante pero hindi ko sya kilala. Taga ibang school ata.
Umandar bigla yung jeep at nagbayad ang babaeng nasa tapat ko at yung katabi ko. Ginaya ko na lang yung ginawa nila.
"K-kuya, sa Star Academy lang po," sabi ko sabay abot ng bayad ko. Kinuha yun ng babae at binigay kay manong.
Medyo pinagpapawisan na rin ako dahil ang dami na rin naming nakasakay sa jeep.
"Anim pa o! Anim pa!"
Yung totoo?! Para na kaming sardinas dito tapos anim pa?!
Bigla itong tumigil at may dalawang sumakay kaya medyo sumikip ulit. Umandar ito at lahat kami naglingunan sa labas ng may narinig kaming sumigaw.
"Teka lang! teka ---"
O_O
Tumigil ang jeep at pinasakay ang isang estudyante. Same kami ng uniform.
"Sa star Academy ako. Sasabit na lang ako!" sabi nya.
O my! Thank you Lord! Kasabay ko si Argel hindi ako makakalampas sa Academy.
Kiara's POV
"Guys! Asan na si Anika bakit wala pa sya?!" Blake.
-_-
"Guys! Text nyo na sya please!" Blake.
-_-
"Guys!! Baka may nangyari na sa kanya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/42727026-288-k63533.jpg)