Kahit na may nababangga ay nagpatuloy si Yuki sa pagtakbo paakyat ng classroom nila. Naabutan nya ang mga kaklaseng nasa gitna ng classroom at bumuo ng parang jeep.
"Tatlo pa oh!" Kane.
"Para!" Brayden.
Sumakay si Brayden at kunwaring prumeno si Xavier na syang driver ng jeep kuno nila kaya lahat sila tumilapon sa unahan.
"Brooom!" Sigaw ng mga lalake.
Napailing si Yuki at nilapitan si Isha na katulad nya ay kararating lang.
"Isha, may extra napkin ka ba dyan? Meron ako ngayon e," Tanong ni Yuki habang takip takip ang likod nya.
Walang emosyon syang hinarap ni Isha. "Extra? Pano kung wala akong extra, di mo na ko kakausapin? Tapos ano? Iiwan mo ko ng hindi ko alam ang dahilan! Iiwan mo ko na parang wala tayong pinagsamahan!"
"Dugo pa rin pa pinag uusapan natin?"
"Hehe, Hindi humugot lang."
"May lovelife ka ba?"
"Tsk. Wala nga e."
"E napkin meron ka?"
"Wala rin e."
Kaya ayun, sa kakahugot ni Isha sa huli may tagos si Yuki.
~
"Sit down, mr. Ramirez." Nakangiting saad ng Principal kaya agad umupo ang guro sa upuan sa harapan ng mesa nito.
"Pwede po bang magkaroon ng retreat ang 4-F, Mam?"
Napakunot ang noo ng Principal. "Nag field trip na sila, diba? Hindi pa ba sapat yun?"
Napangiti ng tipid ang guro.
"Huling araw na lang po ngayon e, kaya sana pagbigyan nyo kong magretreat sila, bukas."
Tumango ang Principal. "Of course, pwede silang magretreat. Just make sure na lahat sila papayagan ng parents nila."
~
Pagdating ng guro sa classroom ay puro mga babae lang ang nadatnan nya."Asan ang mga lalake?"
"Nasa canteen ata sir," sagot ni Ayana.
~
Ilan lamang silang nakatambay sa canteen. Oras kasi ng klase kaya halos bilang lang ang nasa loob ng canteen.
Samantalang pasimple namang dinekwat ni Kane ang yakult ng isang estudyante na kumakain.
Napabungisngis sya ng hindi sya napansin ng estudyanteng ninakawan nya ng yakult. Pangiti ngiti pa syang bumalik sa pwesto ng mga tropa nya.
"Balik na ba tayo sa room?" Topher.
"Mamaya na, andun si Sir sesermonan tayo nun," Mark.
Nagkwentuhan lang sila saglit pero maya maya lang ay biglang nakaramdam si Kane ng kakaiba sa tiyan nya.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Argel ng mapansing napakapit sa tiyan si Kane.
Napangiwi si Kane at dali daling tumayo at nagtatakbo papuntang CR.
Out of order.
"Putanginang out of order yan!!" Napamura sya sa inis kaya napatingin sa kanya ang ibang estudyante na nagtataka sa sitwasyon nya ngayon.
Pawis na pawis habang nakakapit sa tiyan nya.
"Hoy Aquino! Anong nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Aiden. Nakasunod pala ang tropa sa kanya.