Chapter 10

21 4 0
                                    


3rd Person's POV

"Oh my gosh, gising na sya! She's alive!"

"Shhh, ang ingay mo!"

"Buhay naman pala e, tara uwi na tayo,"

Unti unting minulat ni Isha ang kanyang mga mata. Katulad na katulad sa mga teleseryeng napapanood kapag naaksidente ang bida.

"A-asan ako?" tanong nya sa mga kaklaseng nasa harapan.

Sabay sabay na nanlaki ang mata ng bawat isa.

"OMG!! I Knew it! Hindi nga sya dead on arrival pero may amnesia sya!! Nakalimutan nya ang beauty ko! Huhu!" OA na pagdadrama ni Brayden.

Hinampas naman sya ni Ayana dahil nasa may tenga nya sumigaw si Brayden.

"W-what?" tanong ulit nito.

"Gosh, really? May amnesia ka talaga?" Mangiyak ngiyak na wika ni Kiara.

Gulat ang iba sa naririnig at nakikita kaya wala silang masabi.

"A-asan ako? S-sino kayo? ... Bakit ang papanget ninyo?" Tanong nito at muling tiningnan ang reaksyon ng mga kaibigan.

Napataas ang kilay nya at maya maya lang ay nagsalubong ang mga ito ng magsimulang mag iyakan ang mga kaklase nya. Gustong gusto na nyang tumawa ng malakas, lalo na ng maglupasay si Brayden sa sahig habang sumisigaw ng, "OMG, di nya remember ang beauty ko!"

Pero sa isang iglap ay biglang nagsitahimik at tiningnan sya ng masama na ibig sabihin ay nagets nila ang huli nyang sinabi.

Wala syang amnesia, OA lang talaga sila magreact lalo na si Brayden.

"I hate you, you scared me to death!" Sambit ni Ayana at biglang niyakap ang kaibigan.

Napatawa na lang sya sa mga reaksyon ng mg kaibigan.

Now she know, her friends will suffer a lot when she died.

"I thought, dead on arrival ka?!" Tanong ni Chloe.

Agad naman syang tiningnan ng masama ni Isha, para namang gusto na sya nitong mawala.

"Sino ba kasing maysabi nun?" tanong nya.

"Edi ako!" Proud na wika ni Kane habang nakaturo pa sa kanyang sarili.

Buti na lang at binatukan ito ni Jaxon dahil kung hindi lang pilay ang kamay nya, inubos na nya ng buhok ni Kane.

"Gaqo ka ba? Gusto mo na kong mamatay?" Taas kilay na tanong ni Isha.

"Syempre naman hindi, masyado kasi silang busy sa paghahanda sa party mamayang gabi kaya ayun ginulo ko lang sila. Hehe, at tsaka ayaw mo 'nun adrenaline rush men! Ang ganda ng half tsinelas at half sapatos diba Argel?" sabi nito na nang aasar pa.

At napatingin nga sila kay Argel at sabay na nagtawanan. Hinabol nya sa loob ng kwarto ng ospital si Kane at ng mahabol nya 'to ay agad nya itong piningot.

"Ibig sabihin hindi ka makakapunta mamaya." Sambit ni Kiara kaya napatango tango na lang ang dalaga.

Kahit gustohin nyang pumunta ay hindi pwede dahil hindi sya pinayagan ng magbabantay sa kanya sa Ospital.

Habang nagpapalipas ng oras ay tumambay muna silang lahat sa kwarto kung saan naka-assign si Isha. Tawanan, asaran at batukan ang nangyari sa loob ng kwarto.

~

Hailey's POV

"Harmit, ano okay na ba si Ash?" Tanong nya ng makapasok ako ng kwarto kung saan sya naka-assign.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon