Chapter 24

9 1 0
                                    

Pare parehong nakatayo at nakikinig sa instruction ang isang buong section. Hapon na ine-enjoy na lang nila ang kanilang huling araw. Bukas bago sumikat ang araw ay aalis na sila at babalik na sa Academy.

"Team A girls and Team B boys! Lahat kayo ay paunahang makakompleto ng flag na mahahanap nyo sa loob ng gubat. Ang unang makakompleto, may reward na matatanggap sakin pagbalik sa Academy!" Saad ng gurong si Sir Ramirez.

"Sir, kailangan ba talagang magcostume pa?" Nakangiwing tanong ni Ayana.

"Hmm, kailangan para feel nyo ang laro! Now move! You only have 5 minutes to prepare!"

Dali dali namang nagpalit ng gagamiting costume ang mga ito.

"Kingina mukha akong ninja!!" Singhal ni Brayden.

"Hmm," tumango tango pa si Jaxon habang pinagmamasdan si Brayden. "Baklang ninja! Bwahahaha!"

Pagkatapos makapagbihis ay dali dali silang lumabas ng sumigaw ang gurong si Sir Torres.

"Attention! May idinagdag na twist sa laro, bibigyan kayo ng tig iisang baril at ang grupong makarating sa finish line na walang tama ay syang panalo. Im-minus sa puntos ang tama ng baril sa inyo, maliwanag?!"

"Yes sir!" Nagulat ang guro ng sumaludo ang mga ito.

"Shet! Para tayong mga sundalo, hihihi!" Singhal ni Candy.

Ang bawat flag na makukuha nila ay may salitang kailangan nilang mabuo. Merong sampung flag na binubuo ng bawat salita na kailangang ipaglaban ng dalawang panig. Ang unang makabuo ng salita pagdating sa finish line ay sya ang panalo.

Dali daling pumwesto ang dalawang panig at nagsimulang maghanap. Unang pasok pa lang sa gubat na paghahanapan pa lang ay may nagbarilan na agad (water gun). Si Kane na akala mo ay isang totoong ninja na may pagapang gapang pa na nalalaman ay agad nakita ang pinakaunang flag na nakasabit sa sanga ng puno.

Mababa lang ang puno kaya ng kukunin na nya ito ng biglang may bumaril sa kanya kaya napaatras sya.

"Thanks!" Ngiting ngiting saad ni Kate at saka tumakbo paalis.

Marahas na napakamot si Kane sa buhok nya. "Ang daya!! Ang daya ng mga babae!" Atungal nya.

Samantalang naiwan naman si Anika at Ayana na magkasama. Naghiwa hiwalay sila para agad mahanap ang mga flag.

Napaigtad si Ayana ng biglang makaramdam ng tubig sa likod nya. Lumingon sya at nakita nya si Anika na sinisipat pa sya na parang gustong barilin ulit.

"Baliw ka ba?! Im-minus to sa points naten!" Singhal ni Ayana.

"Alam ko!" Malaki ang ngiti nitong sabi kaya napairap na lang si Ayana at nagpatuloy sa paghahanap.

"Bang bang bang!" (Tone of bigbang's bang bang bang) singhal ni Aiden habang binabaril si Kiara na dala dala ang pangalawang flag.

"Aiden!!!!" Singhal ni Aiden pero sa halip na tumigil ay bumaril pa ito ng bumaril kaya agad nyang nakuha ang flag sa kamay ni Kiara.

"Ble! Nasa aming mga lalake ang huling halakhak! Hahahaha!" wika nito at saka tumakbo paalis.

"Beng!" Naningkit pa ang mata ni Jaxon at bahagyang hinipan ang huling bahagi ng water gun nya.

"Beng your face dude! *smirk*" saad ni Tracy at masayang nilayasan si Jaxon habang dala dala ang pangatlong flag.

"Magpupulis na lang ako pagka graduate ko!" Singhal ni Xavier sabay labas mula sa pagkakatago sa isang puno at binaril si Hailey. Napahinto naman sa pagbaril si Hailey kaya agad nakakuha ng pagkakataon si Jaxon para makuha ang pang apat na flag.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon