Dear Ex Bestfriend
Kasalukuyang nakatayo si Chloe sa rooftop ng Hospital. Nagtatalo ang puso at isip nya.
Tumingin sya sa ibaba. Kung dati ay hindi sya natatakot sa gagawin nya ngayon ay halos manginig ang tuhod nya ng makita ang ibabang bahagi ng ospital.
Napapikit sya ng maalala ang pag uusap nila ni Aiden kanina pagkatapos lumabas ni Kiara ng kwarto.
"Matigas ba talaga yang puso mo Chloe?!" Pinipigilan ni Aiden na tumaas ang boses nya ngunit hindi nya nagawa. Nasigawan nya si Chloe dahil sa inis.
"Kung andito ka para ipamukha saking mali ang ginawa ko umalis ka na!" Sigaw nito pabalik.
Marahas na napasabunot si Aiden sa buhok nya. "Hindi mo naiintindihan--"
"Oo hindi ko talaga naiintindihan!" Pinahid nya ang luhang lumabas sa mata nya. "Hindi ko kayo maintindihan! Palagi na lang kayong may pakialam kapag huli na ang lahat! Kapag naggawa ko na! Pero ano?! Nung mga oras na hindi ko pa naiisip na magpakamatay asan kayo?! Ni isa sa inyo wala sa katabi ko! Sana pinabayaan mo na lang akong mamatay eh! Edi sana hindi kayo nagsasayang ng oras sakin dito!"
Natulala ang binata at dahan dahang lumapit kay Chloe. Niyakap nya ang dalagang parang batang umiiyak.
"Sila... yung pamilya ko Aiden?! Asan sila?! Wala!"
"M-mahal kita... Masyado kitang mahal para hayaang mamatay Chloe..."
Inihiga ni Chloe ang ulo sa balikat ni Aiden na nakayakap sa kanya at pinagsusuntok yun.
Napatingin si Chloe sa papalubog na araw at muling bumalik sa kanya ang isang magandang alalala na naging dahilan para mapangiti sya.
Sa isang iglap nakita nya ang sarili sa rooftop ng eskwelahan kasama si Aiden. Sabay nilang pinagmamasdan ang araw hanggang sa dumilim ang kalangitan at lumitaw ang mga bituin.
"Ang ganda!" Nakangiti syang sigaw kaya napangiti rin ang binatang si Aiden.
"Oo sa sobrang ganda ang sarap nyo dyang ilaglag! Baba na bilis! Ang tagal nyo!" Pareho silang napatingin sa baba ni Aiden ng biglang sumigaw si Kane.
"Para akong star Aiden! Kita ko si Kane mula dito, haha!"
"Baba na kasi! Bilis!" Pamimilit ni Kane mula sa baba.
Napatingin sya sa mga kaklaseng naghihintay sa kanya sa baba. Kompleto ang mga ito at nag aalalang nakatingin sa kanya.
"Tara na, Chloe. Balik na tayo? Please?" Narinig nya ang boses ni Hailey.
If they hurt me, why am I still thinking about them?
"Chloe, please... tara na?" Anika.
Nabalik sya sa reyalidad ng makita ang lahat ng kaklaseng nag aantay sa kanya.
Akala nya imahinasyon at alala lang yun. Totoo pala.
~
Bago pumasok ang buong klase sa kwarto ay chineck na muna ng doctor ang lagay ni Chloe habang naghihintay sila sa labas ng kwarto nito.
"Ang daya!!" Ayana.
"Uy di ah! Hahaha!" Alec.
Nakataas ang kilay ni Kate na pinagmamasdan si Alec at Ayana na naglalaro ng rock paper sciccors. Sila lang ang tanging maingay sa hallway pero nangingibabaw ang asaran ng dalawa.
Napatingin sa kanya si Ayana kaya agad syang ngumisi dito.
"What a flirt?" At saka nagsmirk. Napairap naman si Ayana dahil sa pangingialam nito.