Sa buhay natin may mga bagay tayong naggagawa dahil sa matinding emosyon na nararamdaman natin. Mga emosyong kahit sinong tao hindi mapipigilan. Inis. Galit. Selos. Inggit. Mga emosyong ayaw nating maramdaman dahil sa oras na maramdaman mo na hindi mo na kayang kontrolin. Sa mga bagay na naggawa mo hindi mo na alam kung tama o mali ba. Hindi mo alam kung sino ang mga taong naapektuhan mo dahil ang tanging umiikot lang sa isip mo ay kung paano mo ba mapapasaya ang sarili mo.
Ganyan naman kasi talaga ang buhay ng isang tao, hindi palaging Masaya. Paero kahit ganto, hindi mo pwedeng pigilan ang sarili mong ngumiti. Ngumiti dahil sa kabila ng lahat may mga taong pilit na iintindi sayo kahit na gaano ka man kahirap intindihin.
"Kausapin mo na kasi" sambit ni Kane sabay siko kay Topher.
"Bakit ako? Mamaya i-flying kick ako nyan edi nasira ang mukha ko?!" sigaw na bulong na sagot nito.
Lahat sila ay nagtuturuan kung sino ba ang may lakas ng loob na makipag-usap sa ngayoy nakatulalang si Kiara.
Hindi ito umiimik. Hindi nagsasalita. Nakatingin lang sa sahig na para bang may magandang imahe ditong nakikita ang dalaga. Kahit na may guro na sa unahan ay na kay Kiara lamang ang atensyon ng iba.
Natatakot kasi sila. Natatakot sa kung anong kahihinatnan ng nangyari.
"ehem" napatingin ang lahat kay Jaxon.
"Kiara, why is peter pan always flying?" ngiting ngiting tanong nito.
Ang taas ng confidence nya na mapapatawa nya ang seryosong si Kiara.
"Why?" tanong ni Kate habang ngumunguya pa ng bubble gum nya.
"Because he never lands! Gets nyo yun? Hahahahaha"
Lahat sila ay gusto ng sipain palabas ng classroom si Jaxon na ngayon ay tawang tawa sa sinabi nya. Kung dati ay kasunod ng tawa ni Jaxon ay ang malakas na tawa ni Kiara ngayon ay katahimikan at tanging ang tawa lamang na pilit ni Jaxon ang maririnig mo.
*blag*
"Ay bakla ka!!"
"Alam ko" walang emosyong sambit ng guro habang nakatingin sa mga bagong estudyante nya.
Lahat sila ay napaayos ng upon g bigla na lang hinampas ng guro ang kamay sa teachers table dahilan para mapasigaw ang iba sa gulat maliban na nga lang kay Kiara na hanggang ngayon ay tulala.
Dalawang bese naglakad ng pabalik balik ang guro sa unahan at isa isa silang tiningnan. Napalunok ang mga ito at biglang kinabahan sa bagong guro.
Kung pagmamasdan mo ang bagong dating na guro ay may kataasan ito at kalakihan. Pero ang isang katangian na napansin sila ng sabay sabay ay ang pagiging isa nitong—
"Hoy Brayden! Kalahi mo pala si Sir! Parehas kayong mahilig sa panty—este Barbie!! Hahahaha!!" nag-echo ang napakalakas na tawa ni Kane sa buong room kaya agad na sinipa ni Hailey ang upuan nya dahilan para matigilan sya. Nakabalik na pala ito mula sa clinic.
Hindi pinansin ng bagong gruo ang pang-aasar nito ngunit ngumisi ito at tumingin sa kanilang lahat na para bang may nalaman.
"Bakit kapag nagmamahal ka nagmumukha kang tanga? Dahil ba nagiging mali ka kahit tama ka? Dahil ba nagiging mahina ka kahit malakas ka? Dahil ba nagbibigay ka kahit walang kapalit? O dahil Masaya ka kahit masakit?"
Isa isang napalunok ang lahat at tiningnan ang bawat isa. Lahat sila ay nag-uusap sa tingin at naguguluhan kung ano bang ibig sabihin ng gruo.
"p-pwede bang all of the above?" nakataas kamay na sabi ni Aiden.
Tumango tango ang guro at ngumisi. Sa di malamang dahilan ay nagtayuan ang balahibo ng lahat dahil sa inaakto ng guro.
"Naalala ko 'nung highschool ako—"