3rd Person's POV
Kapag ang isang tao nagmahal kahit utusan mong libutin ang mundo makasama ka lang, gagawin niya. Kaya nitong languyin ang pacific ocean papunta sayo. At ang pagmamahal ang dahilan kung bakit may mga nasasaktan.
"Perfect spot," sambit ni Blake at agad na hinila si Anika paupo sa tabi nya.
Hindi maalis ang malawak na ngiti sa labi ni Anika. Ang saya nya, ang saya saya. Kasalukuyan silang nasa Park ng village at nakaupo sa damuhan.
"Bakit ba biglaan kung magyaya ka ng date?" Tanong ni Anika.
Tumingala si Blake sa madilim na kalangitan na halos puno ng bituin pero walang buwan.
Percfect place for a perfect moment.
"Hmm, wala lang. Miss na kita e." Wika nito at hinigpitan ang pagkaka kapit sa kamay ng girlfriend.
Parehas silang nakangiti habang nakatingin sa mga bituin.
"Ang ganda..."
"Kasing ganda mo,"
Butterflies. Ayan nanaman ang mga paru parong nagliliparan sa tiyan nya. Kahit kailan talaga, palagi syang napapakilig nito.
Inalis ni Blake ang tingin sa mga butuin at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak kay Anika. Nagtagal lang silang dalawa sa ganung pwesto. Hindi nag-uusap pero ramdam mo ang pagmamahal.
"Blake *pout* tumatawag na si mommy pinapauwi na ko." Malungkot na wika nito.
Tumango tango ang binata, nakangiti lang itong nakatingin sa dalaga at hindi sumasagot.
"Alam mo naman diba? Aalis na ko... sumagot ka naman." Anika.
Napatawa si Blake sa inasta ni Anika. Kahit kailan talaga, para itong bata.
Ginulo nya ang buhok ni nito.
"Oo na po. Basta tandaan mo, hindi man tayo legal. Mahal kita kahit bawal."Hinalikan nya ang dalaga sa noo at saka naglakad paalis. Habang parehong nakangiti at masaya ay nagsimula silang maglakad pauwi.
~
Yuki's POV
"Bwisit, lahat kayo may lovelife na pano naman ako? Huhu"
May karamay ka, wala rin ako.
"Hahanapan kita ng boyfriend, pinsan!"
"Gaga lang teh? Hahanapan mo sya ng boyfriend e ikaw nga di makahanap?"
Napatawa ako kahit na awkward ako sa kanila. Biglaang nagka mini reunion ang pamilya namin. Yung mga pinsan ko na minsan ko lang makasama e himalang magkakasama kami ngayon.
Tumalikod ako mula sa labas at sumandal sa railing ng rooftop ng bahay nila Yumi, yung pinsan ko. Tiningnan ko sila isa isa. Kahit minsan awkward ako sa kanila komportable pa rin ako.
"E, ikaw Yuki? Musta lovelife?" tanong ni Kuya Jomar.
"Katulad ng grades mo, zero!!" Pang aasar ko sa kanya kaya bigla syang napasimamgot.
"Classmate mo?" tanong ni Marv yung isa ko ring pinsan.
Teka, hotseat ba to? Haha.
Tumango tango ako. "Bakit?" tanong ni Yumi.
"Anong bakit?" Tanong ko pabalik kahit alam ko na ang ibig sabihin ng tanong nya.
"Nag-confess ka? Or binasted ka?" Nakakalokong tanong ni Kuya Marv.
