Anika's POV
Noong bata pa lang ako, alam ko na ang ibig sabihin ng salitang true love. Bata pa lang ako, pangarap ko ng magkaroon ng isang masayang relasyon. Kahit kailan, hindi ko man lang inisip na magsasawa ako. Noon, hinihiniling ko na sana sya na talaga. Na sana tumagal kami. Maraming nagtatanong kung bakit ko daw ba nagustuhan ang isang Blake Hwang?
Bakit daw ba si Blake at hindi si Jared? Si Jared kasi yung tipong tahimik, matalino at seryoso sa lahat ng bagay habang si Blake naman basag ulo, sakit sa ulo ng magulang, mahilig mangopya, isa pang numero uno sa Guidance Office. Ang laki ng pagkakaiba nila diba?
Kaya ang sabi ko sa kanila. Hindi naman kailangan ng dahilan para magustuhan mo ang isang tao. I love him. I dont know why i just do.
Nakatayo ako sa tapat ng Computer Lab. Ewan ko, sabi kasi nila pumunta daw ako dito. Ayoko pa nung una kasi uwian na at kailangan kong umuwi agad.
[PLAY THE MUSIC ON THE MULTIMEDIA BOX]
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang bawat computer na may tig- iisang letra.
Happy 3 year's Anniversary Baby ❤
Napatawa ako at kasunod 'nun ang pagpatak ng luha ko ng makita ko syang palapit sakin.
Pang tatlong taon nga pala namin ngayon.
Niyakap nya ko ng mahigpit. Leche, kinikilig ako. Kulang na lang tumambling ako e, kaso naisip ko hindi nga pala ako marunong 'nun. Haha.
Kumalas sya sa pagkakayakap. Napatitig ako sa mata nyang malapit ng umiyak. Sa halip na saya ang makita ko ay lungkot ang nakita ko doon.
"Bata pa tayo sabi nila, pero m-mahal na mahal talaga kita..." saad nya at tuluyan ng naiyak habang hinahalikan ang noo ko.
Parang may lungkot sa mga mata nya at sa mga salitang binibigkas nya kaya naiyak ako lalo.
A-ano bang meron? May problema ba sya?
~
Aiden's POV
"Nakikita mo yan? Ganyan ang mangyayari sayo kapag sinagot mo ko!" Ngiting ngiti kong sabi.
Naramdaman kong tiningnan nya ko ng masama. "Ulul!" Chloe.
Napahagikhik ako at muling sumilip sa bintana ng Com Lab. Pare parehas kaming nagsisiksikan at nakasilip sa bintana.
"3 years na pala sila," Alec.
"Oo, ang saya nila no?" Kiara.
"Pero, wala pa ring forever," Isha.
"Meron!" Ako.
"Wala!" Chloe.
"Meron! Tayo! :D" Ako.
"Corny mo!" Jared.
"Mas corny si Blake!" Ako.
"Ang iingay nyo!" Tracy.
Hinalikan ni Blake si Anika sa noo kaya napatingin ako kay Chloe. Nakangiti syang nakatingin sa dalawang lovers na nasa loob ng com lab.
Sayang, ganyan sana tayo kung hindi lang ako nagloko.
"Gosh, maghahanap nga rin ako ng boylet latuuh" Kate.
"Anyare sa boyfriend mo kahapon?" Candy.
"Break na," saad nya habang ngumunguya ng bubble gum.
"Ikaw Chloe, kapag brineak mo ko! Magm-model ako ng nude painting!"
Tiningnan nya ko ng masama. "Ulul, wala ngang tayo!"