"Good Morning Kane!" Nakangiting wika ni Kane habang kinakausap ang sarili nya sa harap ng salamin.
"Good Morning Handsome!" Sagot nito sa sarili at nakangiting lumabas ng tent.
Naabutan nya ang mga kasama na humihikab pa at halatang antok na antok pa.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ng gurong si Mr. Ramirez.
Muling pumasok si Kiara sa loob ng tent nila at sinipa si Isha na ngayon ay humihilik pa.
Bago matulog kagabi ay nagkasundo ang nasa tent 1 na ang huling magising ay panget. Pero yung mismong nagsabi hanggang ngayon tulog pa rin.
"Gumising ka na Isha Jung! May activity pa tayo!" Sigaw ni Kiara sa loob ng tent at lumabas.
Samantalang tawa naman ng tawa si Candy at Hannah habang nakatingin sa screen ng phone nila.
"Akala mo mga tahimik pero kapag tulog wild! Hahahaha!" Humahalakhak na saad ni Candy habang isa isang tinitingnan ang litrato ng mga kaibigan habang natutulog.
Merong naka nganga si Kane at si Jaxon na naka peace sign pa habang natutulog. Si Topher na tulo laway pa sa sobrang tulog. Si Kate na naka karate style habang nakaharap kay Anika. Si Xavier na hindi na ata halos makahinga dahil sa paa ni Aiden na nakapatong sa mukha nya.
"Mga traydor! Sino ang may sabing kuhanan nyo ko ng picture habang natutulog?!" Singhal ni Kane na nakatingin na pala sa phone nila.
Humagalpak sa tawa ang dalawa at akmang hahabulin sila ni Kane pero pinagbantaan nila ito na is-send sa buong estudyante ng Academy kaya sa huli ay umasta si Kane na parang wala syang nakita.
"Hehe, kayo naman hindi mabiro ... sige sa inyo na yan pagsawaan nyo!" Saad nito sabay walk out at naiwan ang dalawa na tumatawa.
"Parang di kayo mga kaibigan, at tini-ming nyo pa talagang naka nga nga ako?!" Pahabol na sigaw nito.
~
Habang nakatitig si Ayana kay Alec at Hailey na katulad nila ay nakaupo sa kahoy ng puno ay hindi nya namalayan na tumabi na pala sa kanya si Xavier.
"Gusto mo sya no?" Biglang tanong nito kaya medyo nagulat pa si Ayana.
"H-ha? Hahaha ... sino naman?" Nag mamaang maangan nyang tanong. Napatingin si Alec sa kanila at ngumiti kaya nakaramdam nanaman ng kakaiba si Ayana.
Kinikilig sya.
"Kapag may nararamdaman ka ng paru paru sa tiyan mo. Idigest mo na para di ka masaktan pa."
Sasagot pa sana si Ayana ng mabaling nila ang atensyon kay Jaxon na tumatakbo at pinagpapawisan.
"S-sir ... yung banyo asan?!"
"Bakit anong nangyari sayo Jaxon?!" Mr. Torres.
"Sir! Ituro nyo na lang!!!"
"D-doon ...."
Hindi pa natatapos ng guro ang sasabihin ay tumakbo na ito papasok ng resthouse.
Sa pangalawang pagkakataon ay napasulyap si Ayana sa pwesto ni Alec at Hailey na nagk-kwentuhan.
~
"Ba't andito ka? Hindi ka makitawa sa kanila?"
Isinara ni Hailey ang librong binabasa. Napangiti sya ng makita ang curious na itsura ni Alec habang nakatingin sa kanya.
"Simula ng magtransfer ako puro libro ang nakikita kong hawak mo." Sabi pa ni Alec.
"Libangan lang ... at tsaka dahil dito nilalayo ako sa reyalidad at nakakarating ako sa isang kakaibang mundo kung saan kahit anong bagay posible." Nakangiti nitong sagot habang nakatingin sa kalangitan. Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw dahil 7 pa lang ng umaga.