Kane's POV
"Pre, sigurado ka ba talaga sa gagawin natin? Kung sa front gate na lang kaya tayo dumaan?" kinakabahang tanong ni Topher sakin.
Ako ang nangunguna sa paglalakad, syempre ako ang pinakagwapo kaya dapat ako ang leader! :D
"So, gusto mong mahuli. Ganun?" iritang sagot ni Jared.
Nice, nagsalita ang pinakahuling gwapo.
"Topher, alam mo minsan para kang bakla e! sa ganto lang takot na takot ka na?!" hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Ang sikip na nga ng dinadaanan naming e. nyeta naman kasing school na 'to ang lawak lawak.
"Grabe naman kayo. Nags-suggest lang para hindi tayo mahirapan e." pagtatanggol nya sa sarili nya.
Lumiko ako sa isang daan kaya sumunod sila sakin. Pucha, hindi ko na ---
"Hoy, Aquino! Sigurado ka ba talagang alam mo kung san yung bagong back gate?!" Mark.
Pucha nalintikan na. kakainis naman kasi e! may guard dun sa isang palagi naming dinadaanan kapag gusto naming lumabas sa oras ng klase.
"Oo, alam ko. Nagtanong ako kay Hailey kung san kaya manahimik kayo dyan!" sabi ko na lang.
Napasimangot ako. Porke isang lingo syang absent dahil broken hearted sya, aba! Nagrereklamo na.
Naglakad lang ako ng naglakad kaya sunod lang sila ng sunod. Para silang aso. Haha.
"Pre, natandaan mo si Clark 'nung bata pa tayo? Haha, tagal ko ng di nakikita yun e." natatawang sabi ni Blake.
"Alin yung malaking aso?" Topher.
Pinakinggan ko lang ang sinasabi nila habang hinahanap ang daan palabas ng school.
*teeeeng (kalansing ng kadena :D sorry na :3)*
Napalingon kaming lahat kay Jaxon na kasunod ko. Nasabit sa paa nya ang isang putol na kadena.
"Ano yan?!" Blake.
"Kadena yan, baliw!" Jared.
"Alam ko pero para san?"
*grrrrrr*
"S-s-s-s-s-s-sii ----" napatingin kaming lahat kay Topher dahil hindi nya matuloy tuloy ang sinasabi nya.
"Si? Si ano?" Jaxon.
"SI CLARK!!!!!"
O_O
"*grrrrrrrr* aw! Aw! Aw!"
"TAKBOOOOOO!"
~
Chloe's POV
"Nasabi ko na bang maganda ka?" ngiting ngiti nyang tanong sakin habang mas nilalapit pa ang mukha nya.
Sumimangot ako at hindi sya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagtitig sa Equation na binigay samin para sa seatwork.
"Uy snob! *pout*"
Hindi ko pa rin sya tiningnan. Bwisit kasi e, kinikilig ang kaluluwa ko sa pinaggagagawa nya >.> joke lang yun, hehe.
"Uy," sinundot sundot nya ang tagailiran k okay napaigtad ako.
"Uy nga!"
"Hindi pa!" pasigaw kong sagot. This time, tiningnan ko na siya. Nakangiti sya na parang wala ng bukas at saka sinabing, "Buti naman. Hihi."