Blake's POV
"Anak, bilisan mo ang pagbihis. Andito na ang mga Garfin." Binigay ni mommy sakin ang suit na susuotin ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at tinaggap yun.
"Excited na silang makita ka anak. Smile ka naman dyan." Mommy.
Kahit napipilitan ay talagang ngumiti ako sa kanya ng pagkalaki laki.
"Yan ang gusto ko! O sige, antayin na lang kita sa baba ah?"
Tumango ako kaya lumabas na sya. Paglabas nya ay sya namang pagsilip ni Bianca sa pinto ng hotel room ko.
"You look so handsome kuya," saad nya.
Umupo ako sa harapan nya at medyo ginulo ang buhok nya.
"Did you broke up with her?"
Hindi ako nakasagot.
"Why Kuya?" Bianca.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya.
"Darating ang araw na magmamahal ka, Bianca. Kaya kapag dumating yung araw na yun, fight for it. Okay?"
Kumunot ang noo nya pero kahit hindi nya naintindihan ang sinabi ko ay tumango sya.
Sana bata na lang ulit kami. Para kahit hindi pa namin naiintindihan ang mga bagay bagay sa paligid tatango pa rin kami para lang maipakitang wala lang yun. Kaya namin yun.
~
"Lolo, si Blake po and si Jared kakambal nya." Pagpapakilala ni Tracy sakin.
Ngumiti ang lolo nya sakin kaya nakipagkamay ako dito.
Umupo kami sa isang mesang kasya kaming lahat. Halatang ang saya saya ng lolo nya.
"So, magkasundo naman ba kayo ngayong nalaman nyo na ang deal sa gitna ng mga Hwang at Garfin?" Tanong ng lolo ni Tracy.
Samin syang dalawa nakatingin. Magkatabi kasi kami.
Tumingin ako kay Tracy dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa lolo nya.
"A-ah, we enjoy each others company naman Lolo," sagot ni Tracy.
"Gusto nyo na ba ang isa't isa?"
Bakit ganun? Naiinis ako sa ngiti ng Lolo nya.
This time, sakin sya nakatingin. Nag aantay ng isasagot ko.
May sumipa sa paanan ko at pagtingin ko si Daddy pala.
"O-opo.."
Gusto ko sya --- yun ang alam ko. Yun ang dapat paniwalaan ko.
Nagngitian sila ng parang nakarinig sila sa akin ng isang napakagandang bagay.
Sana see-through na lang ang puso ko para nakikita nila kung ano ang laman nito.
"Lolo, pwede ba kaming lumabas muna ni Blake sandali? Magpapahangin lang,"
Napalingon ako kay Tracy sa pagsalita nya.
"Of course," nakangiti nanaman nyang sagot.
Nagulat pa sila ng bigla akong tumayo ng hindi man lang inaalalayan si Tracy. Alam kong ine-expect nyang gagawin ko yun pero hindi.
Oo magkaibigan kami -- dati. Pero ngayong ipinagpilitan nya to kahit alam ko namang may maggagawa sya para maitigil to hindi nya ginawa.
"You lost a diamond while picking up a stone,"
Sumandal ako sa kotseng nakaparada.
"But you're the main reason why i choose a stone though i really love diamonds. You're the main reason why i dont have any choice." Sagot ko kaya natahimik sya.
