Chapter 12

15 2 0
                                    

Hailey's POV

*flashback 6 years ago*

Isang babaeng nakangiti ang nasa harapan ko ngayon at katabi naman nya ang isang batang kasing edad ko lang. Hindi ko maitatanggi na kamukhang kamukha ko sya tanging ang buhok lang ang pagkakaiba namin. Maikli ang buhok nya na hanggang leeg habang ang buhok ko naman ay mahaba.

"Mr. Tan, bata pa lang po ay andito na si Harmit. Ikinagagalak ko pong sa wakas ay nahanap nyo na rin ang kakambal ni Hailey," saad ni Sister Teresa na umampon sakin.

Bilang isang bata ay hindi ko pa alam kung ano ang ibig sabihin ng pinag uusapan nila pero ang tanging pumasok lang sa isip ko ay sila ang totoo kong mga magulang at si Hailey ang kakambal ko.

Umalis ako sa harapan nila at pinuntahan ang ibang batang kasama ko dito sa ampunan. Umupo ako sa swing at pinagmasdan sila. Lumapit sya sakin ng nakangiti.

"First gift ko para sayo," saad nya at iniabot sakin ang isang libro.

"Salamat," walang emosyon kong sabi.

Ngumiti sya na halos mawala na ang mata nya at tumabi sakin sa swing.

"Matutuwa sila Blake at Jared kapag nalaman nilang may kakambal din ako!" Tuwang tuwa nyang sabi.

Nagtaka ako sa sinabi nya. Sino si Jared at Blake? Kaibigan nya ba yun sa Maynila?

"Kaso lang sigurado akong asarin ka lang ni Brayan kapag nakita ka nya pero sigurado naman akong magugustuhan ka nila Kiara! Mababait yun!" Wika nya.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi umiimik. Kapag pala kambal kayo may pagkakaiba rin parang kami, si Hailey maingay samantalang ako tahimik.

Ngumiti sya pero hindi umabot sa mga mata nya, "Totoo pala yung sinabi ng mga bata dito sa ampunan, tahimik ka nga."

Hindi pa rin ako umimik.

"Harmit, sasama ka ba samin sa Maynila? Masaya dun!" patuloy nya.

Hindi ko alam ang isasagot dahil kahit papano napamahal na rin sakin ang ibang bata dito. Kahit na minsan lang ako lumabas ng ampunan.

Lumapit sakin ang isang babae at lalake na sa tingin ko ay totoong mga magulang ko kasama si Sister Teresa. Umiiyak na lumapit sakin yung babae at niyakap ako.

"Sorry, I miss you so much baby," sambit nya.

Nakatingin lang ako sa kanya at walang emosyon ang mukha ko pero bakas dito ang pagtataka.

"Patawarin mo si Mommy kung hindi ko agad nalaman. Sorry kung, napahiwalay ka." Saad nya habang umiiyak.

Lumapit sakin yung lalake at sya naman ang yumakap sakin.

"N-noong mga panahong nagbubuntis ang mommy mo sinabi ng doctor na mahina ang isa sa inyo. Sinubukang iligtas ng doctor ang isa sa inyo pero nagkamali ng kinuha ang doctor, anak. Hindi mo pa maiintindihan ang mga bagay na nangyari pero darating ang oras na alam kong maiintindihan mo rin,"

Isang taon pagkatapos nila akong kunin sa ampunan ay doon ko nalaman na may sakit pala si Hailey. Humingi sya ng pabor sakin na magpanggap na ako sya. Sabi nya, hindi pa nya nasasabi na may kakambal sya sa paaralan na pinapasukan nya. Kaya kahit may pag-aalinlangan, pumayag ako sa sinabi nya. Grade 6 ng magsimula ang first day of school. Akala ko malalaman nila na hindi ako si Hailey pero g-graduate na kami ng elementary akala nila ako pa rin si Hailey.

Balak ko naman talagang sabihin pero 'nung oras na sasabihin ko na, pinatawag ako ni mommy at nagpaliwanag sya kung pano ako napahiwalay sa kanila.

High School FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon