* * *
"Axel?" Unti-unting minulat ni Miller ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin. Idagdag pa ang nakakasilaw na sikat ng araw na akalaing sinusunog ito sa init. Hindi niya akalain na may sasalubong sa kanya na liwanag. Lalo na kung gabi noong huli niyang iminulat ang kanyang mata.
Luminga-linga siya. Mabagal, tila ba mabigat para sa kanya ang buhatin ang sariling ulo at lalo na ang kanyang buong katawan.
"A...Axel?" tawag niya ulit. Napakapit si Miller sa kanyang lalamunan nang marinig ang kanyang boses.
"What is it this time? I actually spoke despite of not being able to earlier," tanong niya sa sarili dahil sa biglaang pagbabago ng sitwasyon at lokasyon.
Itinulak niya ang sarili para makabangon. Bahagya siyang nakaramdam ng hilo, pero natural lang ito sanhi ng pagbangon niya mula sa napakahaba niyang pagtulog. Nanginginig ang kanyang mga kamay, muntik na nga siyang mapahiga ulit buti na lang ay mataas ang puwesto ng unan sa likod niya at mabilis na nakakapit dito.
Sumabay rin kasi sa pag-angat ni Miller ang unan niya kaya naging vertical ang angulo nito.
"N-Nasaan ako?" tanong niya ulit, pero sa pagkakataon na ito ay minutawi na niya ang mga salita. Medyo tuyo pa ang kanyang lalamunan at bibig. Naninibago rin siya sa katawan niyang unti-unti pa lang bumabalik ang lakas.
"Teka... Kama ito ni Axel, ah." Sa sandaling napagtanto niya ang kanyang hinihigaan ay mabilis niyang inalis ang kumot sa kanyang katawan at tarantang tumayo. Pero imbes na tumayo ng tuwid ay bigla na lang siyang natumba. Bumigay ang mahina pa niyang mga binti.
"Sh*t!" mura niya nang mapagtanto na walang lakas ang kanyang mga binti.
"This is just exactly like the dream... No way!"
Nang maalala ulit ang karumaldumal niyang panaginig ay nagpumilit siyang tumayo. Sumandal siya sa kama at nang magawa niya ang tumayo ay maingat siyang humakbang. Halos mapasigaw siya sa saya nang makita ang mga paa na humakbang ng hindi na bumibigay.
Isa.
Dalawa.
Tatlo. Sa bawat hakbang niya ay pabilis din nang pabilis ang kanyang tempo.
Tumungo siya sa kanyang silid. Pero wala roon si Axel. Aka niya kasi ay nasa kama niya ito bilang siya ang nasa mas magarang kama na para naman talaga kay Axel.
Sa sandaling ito ay kaagad ang nawala ang kanyang saya at napalitan ulit ng pag-aalala.
Tumungo siya sa pinto. Mabagal pa rin sa normal ang kanyang paglalakad pero mabuti na rin ito kaysa naman na hindi siya makalakad.
Nang buksan ni Miller ang pinto ng silid ay wala siyang nakitang mga tao. Tahimik ang buong palapag. Ganun din nang tuluyan na siyang lumabas at gumamit ng hagdan. Tahimik ang paligid, hindi kagaya ng nakasanayan niyang abalang koridor at maingay na likod-bahay gawa ng mga tauhan ng Supreme at mga nag-eensayong mga alpha. Dahil dito ay mas lalong kinabahan si Miller.
Paano kung isang masamang pangitain ang panaginip niya? Paano kung habang siya ay mahimbing na natutulog ay nasa ibang lugar ang mga bampira at nakikipaglaban kay Ronaldo?
Hindi nagpatinag si Miller at sumubok siyang umakyat ng hagdan para silipin ang sunod na palapag. Nahirapan siyang umakyat pero nagawa pa rin niya naman sa tulong ng hawakan. Nang makarating sa tapat ng laboratoryo ni Axel ay nanginginig niyang inabot ang doorknob. Kabado siya. Naisip niya na kung wala pa rin dito si Axel ay tiyak na nasa opisina niya ito, kung wala pa rin ay malamang nasa opisina ito ng Supreme. At kung wala pa rin siya sa dalawa ay baka hindi na niya alam ang gagawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...