CHAPTER SEVENTY

0 0 0
                                    

* * *

"Masyado kang mabagal," puna ni Leo kay Miller, sabay talon sa ibabaw saka lumipat sa likuran nito. Alerto naman si Miller at mabilis niyang hinarap si Leo at sinangga ang espadang sandata na gamit ni Leo.

Parang ilang segundo lang ay kaka-teleport lang ni Leo sa kabilang bahagi ni Miller. Tapos ngayon ay nasa likod na nga si Leo at walang habas siyang inatake. Pareho silang espada ang hawak ng mga kamay. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mas malakas ang sandata ni Leo kay Miller.

Bago pa man nagsimula ang sparring nila ay nakasisiguro si Miller na parehong ordinaryong espada lang ang gamit nilang dalawa.

"What makes him stronger?" tanong niya sa sarili.

Sa makailang ulit na nilang pagtutunggali ay sanay na si Miller sa mabilis na kilos ni Leo at sa panaka-naka nitong pag-teleport sa kalagitnaan ng malapitan na salpukan ng mga sandata nila. Kaya natural lang na sa kabila ng mas mabagal na galaw ni Miller ay nagagawan niya ng paraan para makahabol at kahit papaano ay hindi mahuli sa mala kidlat na galaw ni Leo.

Halimbawa na lang dito ay ang walang pag-aalinlangan niyang pag-ikot sa likod nang makita si Leo na tumalon sa ibabaw niya. Hindi siya mabilis at hindi siya marunong mag-teleport, pero parehong matalas ang kanyang isip at malinaw ang kanyang mga mata.

"Tatlo!" bulyaw ni Leo nang dumapo sa hita ni Miller ang talim ng kanyang sandata.

Dahil sa pagtataka ni Miller kung paano naging mas malakas si Leo kaysa sa kanya ay bahagya siyang nawala sa pokus.

Maliksi na tumalon paatras si Miller para makalayo kay Leo. Hindi na muna siya sumugod ng mga ilang segundo at hinintay na maghilom ang galos sa kanyang hita.

Nang makita na nawala na ito ay tumakbo na ulit si Miller para sumugod. Ganoon din naman si Leo. Dahil medyo malayo ang distansya ng dalawa ay nagkaroon ng pagkakataon si Miller para makita sa malayong anggulo ang tindig ni Leo.

"We basically have the same stance. Leo has his dominant foot in front, then so do I. Pareho rin kami ng espada... at sa pagkakaalam ko katumbas na ng isang pure alpha vampire ang lakas ko. So, what's the matter in this huge gap of str—"

Hindi na natapos pa ni Miller ang kanyang iniisip nang mapansin ang pagkakahawak ni Leo sa hawakan ng espada.

"His grip looks firm..." ani Miller sa kanyang isipan.

Saglit na gumawi sa sarili niyang kamay si Miller. Dito niya napagtanto na hindi siya kumportable sa pagkakahawak niya ng espada niya.

Kung ihahambing sa paghawak ng chopsticks ay tila ba mas maluwang ang kapit niya rito. Nakakadukot siya ng pagkain, pero hindi sapat ang kanyang lakas para masigurado na hindi ito mahulog sa kaling tumagal man ito sa pagitan ng dalawang mahabang stick.

"I can't also slash too well. Aha! Akala ko noong una ay hindi gaanong matalim ang espada ko. Mukhang ang pagkakahawak ko lang pala ang may mali."

Gusto sana na subukan ni Miller ang paraan ng paghawak ni Leo ng espada. Pero huli na ang lahat nang magbangga na muli ang talim nila. Hindi nagpatinag sa pagkatuto si Miller, pinakiramdaman niya ulit ang pwersa ni Leo sa tuwing itinutulak ng espada nito ang kanya.

Hindi nga maitatanggi na madaling mausog ang kay Miller sa kabila ng mahigpit niyang hawak at patuloy niyang pagtulak ng pwersa sa direksyon ni Leo.

"Nasa paghawak ng espada ang sekreto," pagpapasya ni Miller. Ito na ang pinal niyang konklusyon.

Habang patuloy na nakahilig ang espada ni Miller sa kanyang direksyon sa bawat tulak ni Leo sa kanya, ay maingat naman niya na binabago ang pwesto ng kanyang kamay sa hawakan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 20 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming the VampireWhere stories live. Discover now