CHAPTER SIXTY-NINE

0 0 0
                                    

M I L L E R

Isang buwan akong walang malay sa kama. At isang buwan din akong absent sa university. Kinabahan ako at baka matagal na akong na-drop ng mga professors ko. I even insisted on attending school the next day as soon as I remembered my studies. Masyado akong nawili sa pakikipag-usap kay Axel. Then, he informed me that Kristoff has been pretending to be me to save my attendance.

Syempre nagpapasalamat ako. But I start wondering kung paano siya nagpanggap bilang ako? Medyo nag-aalala ako, because based on my experience, Kristoff tends to act out of the character of the person he is impersonating to be. Halimbawa na lang ay si Axel.

Sana lang ay hindi niya ako ginawang partygoer or social animal sa loob ng isang buwan. I was just glad to know that it did not happen. Dahil pagbalik ko sa university kanina, everyone is the same towards me – wala pa rin akong kaibigan.

"Naku! Grabe, Miller. Akala ko mababaliw na ako sa tahimik mo at lungkot ng university life mo!" saad niya sa akin kanina.

"Yeah, it's peaceful," pagtatama ko.

"Peaceful? Alam mo ba na nakakatuyo ng laway ang buhay mo? Araw-araw pagdating ko ng school walang bumabati sa akin. Wala akong nakakausap, may ilan na tinititigan ako o pinapanood ang mga galaw ko; pero wala sa kanila ang gustong lumapit at kausapin ako!" bulyaw ni Kristoff sa akin na para bang nasa bingit ng kamatayan siya noong mga sandaling iyon.

Siguro nga talaga mahirap sa isang social person na kagaya ni Kristoff ang buhay ng isang lone wolf na katulad ko.

"Well, at least you got to have time for yourself. Importante rin 'yan, hindi ba?" sabi ko, tapos sinundan din ito ng taos-puso na "Thanks, man."

Inakbayan ko siya sabay tapik sa likod niya.

Hindi pa rin maipinta ang itsura ni Kristoff. Pero kahit ganun, I can still sense that he was sincere with his intention to help.

Natanong ko rin kung sino ang nagpanggap bilang si Axel since he was pretending to be me.

"Wala. Nagpalusot lang ako na may gagawin na one month exchange student duty sa ibang bansa, tapos pinayagan na nila ako. Kinabahan nga ako kasi malapit ng mag-isang buwan ay hindi ka pa rin nagigising."

Ginamit lang naman ni Kristoff ang malinis at magandang student record ni Axel. How convenient is that. Mabuti na rin talaga na nagising na ako bago pa maubos ang isang buwan na timeframe na sinabi ni Kristoff. Some professors even wondered kung bakit maagang bumalik si Axel. Hindi ko na tinanong pa kay Kristoff kung ano ang sinagot niya rito. The important part is that I am safe from getting drop out by my professors and no one noticed that I've been out of school for several weeks. And has been lying in bed after getting stabbed by a vampire.

Pagdating namin sa Red Mansyon ay agad na akong nagpalit ng damit. Kahapon lang ako nagising, at ngayon ay balik training na ulit ako.

Oo. Halos hindi nga ako makatayo at ubod ng hina ng mga biyas ko noong una kong binuksan ang mga mata ko. But because I am now a vampire, the real deal, my body regenerates much faster. Of course, this also made me extra greedy for blood.

Kung dati ay kaya ko pa na kumain lang ng pagkain ng tao at hindi uminom ng dugo buong araw, ngayon ay magkaiba ba ang sitwasyon. Human food doesn't make me full anymore, they are just there for taste and flavor. While I always feel empty stomach whenever I cannot have a pack or two of blood in a meal. So, yeah, there's no mistake, I am a full vampire now.

Kaya ngayon ay dapat mas pag-igihan ko pa ang pagte-training ko. I am targeting to learn at least one of the fancy vampire skills, the teleportation or transformation.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now