She’s kind, caring, sweet, and almost perfect girlfriend. I really love her. I want her to be happy everyday. I want to see her smile often. Her happiness is my happiness.
“Gusto mong foods, mahal?” tanong ko sa kaniya.
Mahilig siyang kumain ng kung anu-ano pero hindi naman siya matakaw. Hindi siya malakas kumain, pero madalas siyang kumain.
“Busog pa po ako, lovelove. Later na lang,” sagot niya.
Mas lalo siyang yumakap sa akin. Nandito kami sa sala, nakaupo sa sofa at nanonood ng movie. Ako ang namili ng panonoorin. Mas gusto niya ang mga romance, pero gusto kong panoorin ay mga patayan. Iyon ang pinanonood namin ngayon, akala ko nga ay ayaw niya, pero mas tutok pa siya sa palabas ngayon.
Parehas kaming tahimik habang nanonood. Tumunog ang phone ko dahilan kung bakit nawala na naman ako sa focus. Kinuha ko iyon ang tiningnan kung sinong nagchat. Isa sa mga kaibigan ko pala iyon na medyo matagal ko ring hindi nakakausap o nakakasama. Nangungumusta siya ngayon.
“Nagchat si Riyah, nangungumusta,” sabi ko.
Hindi naman kumibo si Sab. Hinayaan niya lang akong magreply kay Riyah. Tunog nang tunog ang phone ko kaya naman nagsilent na lang ako ng phone para hindi ma-storbo ang panonood niya.
Days passed. Dumalas ang pag-uusap namin ni Riyah. Napapansin iyon ni Sab pero hindi naman siya kumikibo. Pinakikiramdaman ko rin ang mood niya, mabilis kasi siyang magselos kapag ganito.
“Mahal, labas lang ako saglit. Bili lang akong yosi,” paalam ko sa kaniya.
Hindi naman ako stress or what. Gusto ko lang talagang magyosi ngayon. Dito ako nakatira kila Sab, kaming dalawa lang dito sa bahay. Ilang buwan na rin ako rito, pero balak ko na rin namang umuwi na sa amin, kakausapin ko siya about doon.
Nang makabili ako ay pinasindihan ko na rin iyon sa tindahan. Wala naman kasi akong lighter sa bahay. Bumili na rin akong softdrinks, gusto niya kasi ng gano’n.
“Mahal, bakit hawak mo ang phone ko?” tanong ko nang makita ko siya pagkauwi ko na hawak ang phone ko.
Nanggigilid ang luha sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin.
“Bakit ka nagpapasundo na? Uuwi ka na? Iiwan mo na ako?” parang batang tanong niya.
Binaba ko sa lamesa ang softdrinks na hawak ko. Pinatay ko rin ang sigarilyo ko kahit kabibili lang no’n. Lumapit ako sa kaniya para bawiin ang phone ko.
“Bibisita lang naman ako saglit sa amin. Babalik din naman ako rito,” sagot ko.
“No! Hindi ka aalis. Dito ka lang!” sigaw niya.
Nagulat naman ako ro’n. Alam kong mabilis siyang mainis, pero hindi ko naman inakala na sisigawan niya ako ng ganito.
“Mahal, kailangan kong umuwi. I need to check kung maayos lang ba mga kapatid ko ro’n. Babalik naman ako rito,” mahinahon ko pa ring sabi.
Mainitin ang ulo ko lalo na kung paulit-ulit ang sinasabi ko. Ayaw ko ng gano’n. Kay Sab lang naman mahaba ang pasensya ko pero minsan nauubos niya rin iyon.
“Hindi ka ba makaintindi? Hindi ka pwedeng umalis. Dito ka lang. Siguro kaya gusto mong umalis dahil makikipagkita ka sa Riyah na ’yon ’no? Ginagawa mong dahilan mga kapatid mo pero ang totoo makikipagkita ka sa babae mo!”
Mas lalo lang akong nagulat sa sinasabi niya. Iniisip niyang may babae ako? Ni minsan hindi ko ginawa iyon sa kaniya. At wala akong balak na gawin iyon. Masyado lang talaga siyang paranoid.
“’Yan ka na naman sa pag-ooverthink mo, e. Wala akong babae. Uuwi lang ako para sa mga kapatid ko. Sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ako!”
Hindi ko gustong patulan siya sa ganitong sitwasyon pero napangunahan na naman ako ng init ng ulo ko. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang ilan sa mga gamit ko. Mga importanteng gamit lang ang kinuha ko. Susunduin naman ako ng kaibigan ko rito.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️