One Rule

8 3 0
                                    

Almost six months without contact. We broke up in a nice way, I guess. We have closure. Nasabi ko naman sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin nung panahon na ’yon. Pero bawat araw at linggong lumilipas, ang dami kong kwentong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko na magawa dahil wala na kaming dalawa.

Ang daming beses na nagpipigil akong kausapin siya. Pinanindigan ko sa sarili ko na wala na talaga. Mahirap pero kinaya ko. May mga araw na naiiyak na lang ako sa tuwing maiisip ko ang mga sweet moments namin together. Relapse malala gabi-gabi.

“Daming pauso ng meta. May note na sa mga videos o post sa IG,” sabi ng pinsan ko.

Nagtaka naman ako kaya binuksan ko ang instagram ko. Meron nga. Pero hindi ko muna sinubukan. Wala naman akong ilalagay pa at hindi rin ako masyadong active sa insta. Magbubukas lang ako kapag gusto kong magstory, after that ay hindi na ulit ako magiging active ro’n.

Isa rin kasi iyon sa ginamit namin noon sa tuwing nag-uusap kami. Baka bigla na naman akong makapagback read at manghinayang sa naging relasyon namin. Nagmomove on na ako. Umuusad na ako, kasi alam kong wala naman na akong hinihintay. Limang buwan na walang paramdam. Nakaya ko naman. So hindi na siguro ako aasa na magiging maayos pa.

“May boyfriend ka na ba?” tanong sa akin ng isang kakilala.

Madalas na tanong nila iyan sa tuwing makikita ako. Kapag sasagot ako ng wala, susundan nila ng tanong na,

“May girlfriend ka?” tanong niya ulit.

Agad na naman akong umiling. Bisexual ako. Attracted ako sa babae, pero sa lalaki pa rin ako nakikipagrelasyon. Alam naman ng pamilya ko na may pagkabading talaga ako. Minsan ay parang lalaki kung kumilos. Minsan naman ay sobrang hinhin na dinaig pa si Maria Clara. Nakadepende rin sa kung sino ang kasama.

Sa loob ng limang buwan, wala akong ginawa kundi libangin ang sarili ko. Gawaing bahay, panonood ng anime, pagsusulat. Pakikipaglaro sa mga pinsan na bata. Lahat ng pwedeng gawin para lang hindi ako makapag isip tungkol sa kaniya ay ginawa ko na. Pero sa gabi, sa tuwing sasapit ang oras ng tulugan ay doon isa-isang pumapasok ang alaala. Miss na miss ko na siya. Hindi ko itatanggi. Sobrang miss ko na siya.

“Ahh I wanna hear your voice calling me “mahal” again,” mahinang sambit ko sa sarili.

Sobrang miss ko na talaga. Ang mga madalas naming gawin sa tuwing magkasama. Kakain habang nanonood ng kdrama o anime na gusto niya. Magluluto siya habang ako naman ay nanonood lang dahil hindi naman ako sanay. Ayaw niyang makielam ako sa kusina dahil baka makasunog pa raw ako.

Those cuddles with him habang nagkukwento tungkol sa mga plano naming dalawa. Mayroon pa nga nag-i-imagine kami na may dalawang anak na at lahat ay nagmana sa kaniya. Ayaw niyang magmana sa akin dahil sobrang kulit ko raw. Sampu ang katumbas ko, sobrang stress na raw niya kung madadagdagan pa ng isang kaugali ko.

jezterfrozz replied to your story.

Muntik ko na mabitawan ang phone ko nang makita ang notif na iyon. Gaano katagal kong hinintay na makita ulit ang pangalan niya sa notification ko. Ngayon lang ulit. Nanggilid ang luha ko at hindi agad iyon binuksan.

Ilang minuto pa bago ako nagpasyang buksan iyon. Sobrang miss ko siya. Isang chat niya lang, bumalik lahat ng alaala sa akin. Isang message lang, parang nawala na parang bula ang ilang buwan kong pagkalimot sa kaniya. Para akong natigil muli at bumalik sa umpisa. Sa umpisa kung saan hinihintay ko na namang makabalik siya.

Nagtuloy ang pag-uusap naming dalawa. Pigil na pigil ako sa bawat emosyon ko. Gusto ko siyang tawagan para marinig ang boses niya, pero pumipigil sa akin ang mga katagang “hindi na pwede, hindi na ikaw ang girlfriend niya”

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon