Outfit check. Tube black top. High-waisted and wide leg pants. White rubber shoes. I let my long wavy hair down. I put some make up in my face, and a lipgloss in my lips. I’m done!
Paalis na ako nang may maalala ako. Agad akong bumalik sa harapan ng salamin ko at tinitigan ang sarili. May kulang. Hindi pwedeng wala iyon. Kaya naman binuksan ko ang maliit kong drawer at kinuha ang maliit kong ipit sa buhok na kulay green. Inilagay ko iyon sa gilid malapit sa tainga ko, hinawi ko ang parteng iyon ng buhok ko at nilagay ang ipit.
“Ang cute,” nasabi ko na lang habang nakatingin sa maliit na ipit na iyon.
Nagpasya na akong umalis. Ni-lock ko ang apartment ko at sinigurong walang kahit anong gamit ko ang naiwan sa labas. Mamaya pa kasi ako uuwi, maghapon kaming magkasama ni Yesha. Inaya niya akong magdate, ilang linggo na kasi kaming hindi nakakapagbonding.
Yesha is my bestfriend. Apat na taon na kaming magkaibigan. Simula nang magcollege ako at lumipat sa apartment, nakilala ko siya at naging kaibigan. Hindi kami same course, hindi rin same school kaya madalang na magkasama talaga. Nagkakilala lang kami sa isang party na nadaluhan ko noon. Mas matanda rin siya ng isang taon sa akin, she’s twenty four. I’m twenty two.
Parehas na kaming nagtatrabaho ngayon, kaya ilang linggo kaming hindi nagkita dahil parehas kaming busy. Ngayon lang nagkatugma ang schedule naming dalawa.
“Girl, I really love your style. Kahit anong isuot mo talagang dalang-dala mo,” sabi niya.
Natawa na lang ako. Maganda rin naman ang pananamit niya. More on dress siya dahil hindi raw bagay sa kaniya ang pants or trouser. Ako naman ay matangkad at payat kaya mas madalas ay pants ang suot ko or trouser.
“Pero bakit suot mo na naman ’yang hair clip mo? Nakakasira ng porma, beh,” sabi niya habang nakatingin sa ipit ko.
Ngumiti na lang ako. Hindi ko kayang iwan ang ipit na ’to. This is really important to me. Ito na lang ang meron ako na makapagpapaalala sa akin tungkol sa taong mahalaga sa akin.
Back when I was seven years old. Iyak ako nang iyak no’n sa isang duyan dahil napagalitan ako ni Mama. Hapon na pero ayaw ko pa ring umuwi no’n, nagtatampo ako kay Mama. Tapos nakita ko ang isang lalaki sa harapan ko. Taka siyang nakatitig sa akin.
“Bakit ka nakatingin?” tanong ko sa kaniya.
Matangkad siya at maputi. Umupo siya sa harapan ko. Ang braso ay nakapatong sa tuhod niya. Natigil ako sa pag-iyak at napalitan iyon ng pagtataka dahil sa lalaking nasa harapan ko.
“Ang dungis mo. Ang laki laki mo na iyakib ka pa,” sabi niya.
Nagsalubong ang kilay ko. Ano bang pakielam niya? Hindi ko naman siya kilala. Ngayon ko nga lang nakita ang itsura niya. Baka bagong lipat lang o kaya ay nakatira hindi kalayuan dito sa playground.
“Huwag mo na lang akong tingnan kung gano’n,” inis na sabi ko at iniwas ang tingin sa kaniya.
Natawa siya kaya mas lalo akong nainis. Sino ba ’tong epal na lalaking ’to?
“Ang cute mo naman. Anong pangalan mo?” tanong niya sa akin.
Hindi ko sana sasagutin pero ayaw kong magmukhang bastos naman.
“Uzumi. Taga kabilang barangay ako,” sagot ko.
Nanatili pa rin akong hindi nakatingin sa kaniya.
“Nice name. I’m Jeckson. You can call me Kuya Jeck. Mas matanda ako ng tatlong taon sa ’yo for sure.”
Napatingin ako sa kaniya. “Seven na ako,” sagot ko.
Tumango siya. “Ten naman ako. Kaya kuya mo ako,” sabi niya naman.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️