At the age of sixteen, I am facing the strong challenge in my life. Buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko ’to sasabihin sa magulang ko. Hindi pa ako nakakapagtapos ng highschool. Paano na ’to?
Itatakwil ako ng magulang ko sa oras na malaman nila ito. Kanina ko lang nalaman na buntis ako. Nagpregnancy test ako kanina, dahil ilang araw na akong delay. Nakumpirma kong buntis nga ako matapos sumubok ng tatlong PT.
“Inigo, I’m pregnant…”
Kabado ako sa pananahimik ni Inigo. Siya ang boyfriend ko. Grade ten pa lang kami. Hindi pa nagkakalahating taon, siguradong patitigilin ako sa pag-aaral kapag nalamang buntis ako.
“Masyado pa tayong bata,” sabi niya.
Alam ko. Expected kong ganito ang isasagot niya. Pero paano ang gagawin namin? Hindi ko rin naman inakalang may mabubuo.
“Ipalaglag natin?” tanong ko, mas lalong kinabahan.
Tumango siya. May kung anong bigat sa dibdib ko sa naging tugon niya. Parehas masisira ang buhay namin kapag nagpatuloy itong pagbubuntis ko. Nag-aaral pa kami. Masyado pa kaming bata para dito.
Kaya naman nang makauwi ako ay nagpunta ako sa bukid. Naghanap ako ng makabuhay na tanim. Iyon ang sinasabi nilang pampalaglag. Ang katas daw no’n ang mainam na inumin. Laking pasasalamat ko nang may makita ako no’n sa tabi ng puno na malapit sa bukid.
Umuwi ako dala iyon. Tinago ko dahil baka makita pa iyon ni Mama. Mamayang gabi ko siguro pakukuluan iyon, kapag umalis sila Mama, o kapag tulog na sila. Bahala na mamaya.
“Tricia, maghain ka na. Kakain na,” utos ni Mama sa akin.
Agad naman akong sumunod. Kumuha ako ng tatlong plato para sa amin. Nilapag ko iyon at kinuha pa ang ibang kailangan. Nilapag ni Mama ang ulam, paksiw na bangus iyon. Agad na nagreact ang tiyan ko, parang hinahalukay iyon. Agad akong napatakbo sa cr at nagsuka. Shit! Sana hindi mapansin ni Mama iyon.
Nagtagal ako ng ilang minuto sa cr. Pagkalabas ko ay kabang-kaba ako. Nakatayo si Mama malapit sa lalabo. Hawak niya ang makabuhay na nakuha ko kanina. Nilagay ko iyon sa ilalim ng lababo, paano niya nakita?
“Ma…” Takot na takot ako. Sa pananahimik ni Mama at sa titig niya sa akin ngayon.
“Buntis ka.” Hindi iyon tanong. Kinukumpirma niyang buntis nga ako.
Agad na bumuhos ang luha ko at napahagulgol. Takot na takot ako. Siguradong magagalit siya sa akin. Baka palayasin niya ako.
“Alam ba ’to ng lalaking nakabuntis sa ’yo?” tanong niya sa tonong walang galit, pero nakakatakot pa rin.
Tumango lang ako. Nahihirapan akong sumagot dahil sa pag-iyak ko.
“Bakit mo ipapalaglag ang bata? Nag-iisip ka ba, Tricia? Pinag-aaral kita, gamitin mo naman ang utak mo!” sigaw ni Mama.
Mas lalo lang akong naiyak. Nanginginig ang kamay ko sa takot. Galit na si Mama. Palalayasin niya na ba ako?
“Bukas na bukas ay pupunta tayo sa bahay ng lalaking iyon. Hindi mo ipapalaglag ang bata. Bubuhayin ninyong dalawa ’yan. Magsasama kayo,” sabi niya pa.
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Alam kong sobra sobrang dissapointment ang dulot ng nangyari ngayon para sa kaniya. Pero mas pinili pa rin ni Mama ang tama. Bagay na hindi ko na naisip. Mas inisip ko ang sarili ko, ang takot na baka magalit sa akin ang magulang ko. Hindi ko naisip ang batang walang malay sa sinapupunan ko.
Tinotoo ni Mama ang sinabi niya. Kinausap niya ang magulang ni Inigo. Nagpasya sila na hayaan kaming magsama. Para daw malaman namin ang buhay na pinasok namin. Nag-aral pa rin kami, hihinto lang ako kapag malaki na talaga ang tiyan ko. Nagkaroon ng harang sa pagitan namin ni Mama. Alam kong sobrang sama ng loob niya sa akin, pero kahit na gano’n, hindi niya ako pinabayaan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️