Favorite Lesson

9 3 0
                                    

I dream about it. I do it. And now, I got it. Mahabang proseso, matagal na pagod, pero ’eto ako ngayon, nakatayo na sa harapan ng mga studyante ko. Teacher na ako.

Teacher na ako, love. Nakuha ko na ang matagal kong pangarap.

“Ma’am, pinapatanong ng kuya ko kung single ka raw po,” sabi ng isang studyante ko.

Natawa na lang ako. Idagdag pa na inasar pa ako ng mga studyante ko. Grade six students na sila kaya may mga alam na sila sa ganitong bagay.

Hindi ako strikta sa kanila, pero alam naman din nila ang limitasyon nila. Kapag oras ng aral, oras ng aral. Hindi namin isinasali ang biruan sa oras ng pag-aaral nila. Break time ngayon kaya kinakausap nila ako tungkol dito.

“Pakisabi sa kuya mo, hindi pa ako handa sa panibagong lesson,” natatawang sagot ko, pero totoo ang sinabi ko.

Hindi pa talaga ako handa sa panibagong lesson na ibibigay sa akin. Masyado pang masakit ang huling lesson na natanggap ko. Masyado akong invested sa lesson na ’yon. He’s my favorite lesson. Hindi ko pa kayang tumanggap ng iba, siya pa rin kasi talaga ang nasa puso ko.

“Ha?” naguluhang tugon ng studyante ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Anak, maiintindihan mo rin iyon kapag nasa tamang edad ka na,” nasabi ko na lang.

“Naging lesson kasi ang huling minahal ni Ma’am,” sabi ni Gio, studyante ko rin.

Siya ang top 1 sa klase. Matalino talaga. Matured din at parang hindi pa angkop sa edad niya ang lahat ng nalalaman niya. May taong gano’n naman talaga. Mabilis maging matured ang isip.

Ang atensyon nila ay palipat-lipat kay Gio at sa akin. Lumapit si Gio at tumabi sa mga kaklase niyang nandito rin sa harapan ng table ko. Nakikipagkwentuhan sila sa akin tuwing break time.

“Paanong lesson?” tanong ng isa.

Tumingin si Gio sa akin at tipid na ngumiti bago binalingan ang kaklase niyang nagtanong.

“Sa pagmamahal, dalawang bagay raw ang kalalabasan. Blessing o lesson. Ang sabi nila, sa una iisipin mong blessing iyon dahil sa ganda ng takbo ng relasyon,” paliwanag ni Gio at tumingin sa akin.

Tumango naman ako. Tama naman siya.

“Pero kapag dumating na ang mga problema, doon masusubok ang dalawang taong nasa relasyon. Kapag naghiwalay sila, iyon ang lesson naman. Maraming natutunan si Ma’am sa lalaking huling minahal niya,” dagdag pa ni Gio.

Napatango naman ulit ako. Tama naman talaga siya. Gustuhin ko mang kami nung lalaking iyon hanggang dulo, kung hindi siya ang inilaan ni Lord para sa akin, wala rin naman akong magagawa.

Minsan, pinatatagal sa atin ang isang tao para mas marami tayong matutunan. Masakit man sa huli kapag iniwan, pero doon mo rin naman marerealize kung anong dahilan. Susubukin ka, masasaktan ka, pero matututo ka.

“Ma’am had a biggest lesson, kaya hindi pa siya handang sumubok sa panibago. Baka takot din siya na maulit lang ang nangyari, o baka ihinahanda niya lang ang sarili niya sa susunod na taong darating sa buhay niya,” sabi pa ni Gio.

Matalinong bata talaga. Manang-mana sa kuya niya. Ganito rin si Gian. Napangiti na lang ako kasabay ng kaunting kirot sa puso ko.

Gian is my ex. Kapatid ng isang studyante ko si Gian, at si Gio nga iyon. Walang masyadong alam si Gio sa kung anong nangyari sa amin ng kuya niya, pero matalino naman siya, alam kong naiintindihan niya na ang gano’ng bagay.

Gian cheated on me. Hindi uso sa akin ang pangalawang pagkakataon kapag cheating ang naging dahilan. Hindi ko kayang tanggapin ulit, dahil kung talagang ako ang mahal, hindi niya dapat magagawa iyon. Hindi niya maiisip na gawin iyon. But he did. He cheated on me. Still, he’s my favorite lesson. Sobrang dami kong natutunan sa pagmamahal niya. Ang dami kong natutunan sa relasyon namin noon, at sa dahilan ng hiwalayan namin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon