Enemy to Lover

34 3 0
                                    

Posible bang magkaroon ka ng galit sa isang tao kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa ’yo?
Galit ka lang sa kaniya kasi trip mo lang. Kapag nakikita mo siya, naiinis ka na agad. Wala namang ginagawa sa ’yo pero grabe ang inis na nararamdaman mo sa kaniya. Posible ba ’yon?

“Nakikita ko pa lang si Jacob, nanginginig ka kalamnan ko sa sobrang inis,” usal ko.

Nakatingin ako sa magkaibigan na papasok ngayon dito sa cafeteria. Malayo pa lang nakikita ko na ang kumikinang na hikaw ni Jacob. Feeling gwapo talaga. Nakakainis masyado.

Hindi lahat ng babae nagkakagusto sa kaniya. Kasama ako sa mga babaeng walang pakielam kung gwapo siya. Para sa akin mas gwapo pa si Jarred. ’Yung kasama niya ngayon na kaibigan niya rin. Mas matino pa nga si Jarred kumpara kay Jacob.

“Good morning, Miyaka!” bati sa akin ni Jacob.

Agad akong napairap. Ilang beses niyang ginagawa ito. Lagi siyang nagpapapansin sa akin kaya mas lalo akong naiirita sa kaniya. Feeling niya kasi gusto ko siya, kapal naman ng apog niya. Tss!

“Good morning, Miyaka!” bati naman ni Jarred.

Agad akong napangiti. “Good morning, Jarred,” bati ko pabalik.

Mas close ko si Jarred. Si Jacob kasi ay kapitbahay ko kaya sawang-sawa na ako sa mukha ng isang ’to. Si Jarred ang crush ko. Makita ko lang siya okay na ako, huwag niya lang talagang isasama si Jacob, umiinit ang ulo ko sa lalaking iyon.

Naupo sa tabi ko si Jacob. Muli ay napairap na lang ako. Nasa akin na naman tuloy ang atensyon ng mga babaeng nagkakadarapa sa kaniya. Iisipin na naman nila na papansin ako kay Jacob. Kung titingnan mabuti, si Jacob talaga ang papansin sa akin.

“Si Jarred pinansin mo, bakit ako hindi?” tanong niya.

Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain sa carbonara na binili ko. Wala si Jarred, pumila para bumili ng pagkain nila nitong mokong na ’to. Kaya kaming dalawa lang ni Jacob ang nandito ngayon sa table. Malaya na naman siyang asarin ako.

“Kahit kapag nakauwi na tayo hindi ka namamansin. Ano bang nagawa ko sa ’yo?” tanong niya pa.

Nanatili akong tahimik. Ayaw ko siyang kausapin. Naiirita talaga ako sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa. Pati yata paghinga niya kinaiinisan ko na. Huwag na lang kaya siyang huminga?

“I didn’t do anything. Bakit ba sobra sobra ang galit mo sa akin?” tanong niya pa. “Hindi ko tuloy magawang manligaw dahil baka masumpa mo na ako,” dagdag niya pa.

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Nakangisi siya nang balingan ko. Siguro ay natutuwa dahil nakuha niya ang atensyon ko. Bahagya pang umangat ang isang kilay at mas lumawak ang ngisi niya. Nakatitig siya sa akin ngayon.

Okay. Gwapo siya. Pero hindi niya ako madadaan sa paganiyan niya. Alam kong na-cha-challenge lang siya dahil hindi ako tulad ng ibang babaeng nagkakagusto sa kaniya.

“Bakit ka manliligaw?” tanong ko.

Nanatili ang titig niya. Sinasamantala ang pagkakataon na nakatitig din ako sa kaniya. Bihira nga lang namang mangyari ito. Talagang nakuha niya lang ang atensyon ko ngayon.

“Just because. I like you, Miyaka. But you keep ignoring me. I didn’t know what’s the reason. Did I hurt you? Sukdulan ang galit mo sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa ’yo,” seryosong sagot niya.

I sighed. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit galit ako sa kaniya o madalas akong mainis. Siguro dahil pakiramdam niya lahat ay magkakagusto sa kaniya. Siguro dahil feeling gwapo siya. Siguro kasi mataas ang tingin niya sa sarili niya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon