Bata pa lang ako ay kinamulatan ko nang iba ang buhay na mayroon ako kumpara sa ibang tao. My parents trained me to kill. Iyon ang "hanap buhay" namin. Binabayaran kami para patayin ang mga may malalaking atraso sa kliyente namin.
Now that I'm already twenty four years old, mas lalong natuto sa gano'ng gawain. One pull of the trigger and one life will taken. Wala na akong maramdaman sa lahat ng ginagawa ko. Nakasanayan ko na. Tinanggap ko nang gano'n talaga ang buhay na mayroon ako.
"Si Mayor pala target natin," sabi ni Iann.
Kasamahan ko siya. Mas matanda ng dalawang taon sa akin. Mas marami na rin siyang napatay. Kagaya ko ay parang basic na lang din sa kaniya na gawin ang lahat ng iyon.
Nakaangat ang dalawang binti ko sa lamesa habang nakasandal ako sa upuan ko ngayon. Nasa harapan ko si Iann. Nililinis niya ang baril na gagamitin mamaya. He's using gun while I am using knife or dagger. Mas gusto ko ang gano'n, mas sanay ako sa paggamit ng mga patalim kaysa sa baril.
"Yeah. Rapist daw, e. Daming nilapag na ebidensya," sagot ko naman.
I am just watching him. Ang tangkad niya. Sa ilang taon naming magkasama ay nakita ko ang pagbabago sa katawan niya. Broad shoulders, may abs, may muscles. Nagg-gym siya kapag may free time.
Iann is my first love. Hindi ko nga inasahan na mahuhulog ako sa kaniya. In this kind of life, hindi ko na hiniling na magmahal. Pero nang makilala ko siya, nagbago ang pananaw ko. But until now hindi ako makaamin sa kaniya. Takot ako.
Close kaming dalawa. Sobrang close. Pero hindi ako sigurado kung parehas ba kami ng nararamdaman. Anim na taon na akong nagtatago ng nararamdaman para sa kaniya. Only child siya kagaya ko. Minsan naiisip ko nga na baka parang kapatid lang ang tingin niya sa akin. Sweet and caring siya sa akin, pero baka dahil iyon sa sabik siya sa kapatid.
"Anong gagamitin mo mamaya?" tanong niya.
Tapos na siyang magpunas sa baril. Kumuha ng silya at itinabi niya sa akin iyon. Ginaya niya ang pwesto ko ngayon. We're here in our hideout. Marami pa kaming kasama, nasa kwarto siguro ang iba. Ang iba ay may mga trabaho.
"Dagger," sagot ko.
Nakahanda naman na ang mga kailangan ko. Mamayang gabi ang atake kay Mayor. Tatlo lang kaming susugod doon. Isang tagabantay at kaming dalawa ni Iann ang papasok para patayin si Mayor.
Dumating na nga ang hating gabi. Kagaya ng nakasanayan namin ni Iann, ako ang unang aatake. Kapag nanlaban at hindi ko kinaya, saka susugod si Iann at siya na ang tatapos.
"Careful. May mga cctvs. Hindi pa yata tapos si Dexter na i-hack," bulong ni Iann sa akin.
Kumabog ang dibdib ko hindi sa kaalaman na may cctv. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa lapit niya sa akin. His breath is in my face. Ang bango.
["Iann, Mitsie? Can you hear me?"] it's Dexter. Sa earpiece ko siya narinig ngayon.
"Yes," sagot ni Iann.
Nandito pa kami sa sasakyan na nakaparada hindi kalayuan sa bahay ni Mayor. Madali na lang makapasok kung mahahack na ang cctv sa lahat ng parte ng bahay.
["I hacked all the cctv cameras. Kayo na ang bahala sa mga bantay."]
Nagkatinginan kami ni Iann at nagtanguan sa isa't-isa. Siya na ang sumagot kay Dexter.
Ihinanda ko na ang sarili ko. Everytime na may ganito kaming ganap, palagi kong hinahanda ang sarili ko. Malaki ang posibilidad na mamatay kami sa trabaho naming ito. Madalas ay sugat o pasa ang nakukuha ko. Isang beses nadaplisan ako ng bala pero hindi naman malala.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️