Perfect couple do exist? It depends. Sa mata ng ibang tao, perpekto ang couple kapag hindi toxic ang relationship. Kapag hindi nag-aaway, at smooth lang ang takbo ng relasyon.
Hindi ko masasabing perfect couple kami ni Melvin, pero maayos naman ang relasyon namin. Yes, sometimes we fight pero naaayos din naman agad. He’s gentleman, and I can feel that he loves me so much.
“EK tayo, babe. Hindi ka pa nakakapunta ro’n ’di ba?” tanong niya.
Natuwa naman ako nang marinig iyon. Agad akong tumango. Noon ko pa gustong magpunta ro’n kaso walang budget. May ibang pinaglalaanan ako sa pera ko, mas kailangan pa sa araw-araw na gastusin iyon.
Pero ngayong inaya ako ni Melvin, gusto kong sumama. Sagot niya naman ang bayad pero syempre magdadala pa rin ako ng pera para sigurado.
“Roller coaster tayo,” aya niya.
Nakikita ko pa lang iyon ay parang nanghihina na ako. Nakakatakot makita ang mga naglalakihang rides. Kararating lang namin ay inaaya niya agad akong sumakay.
Pero sa huli ay pumayag din ako. Nakakatakot talaga lalo na nang umandar na iyon. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Sigawan ang mga kasama naming nakasakay pero ako ay tahimik lang. Dumilat lang ako nang maramdaman kong nakahinto na ang roller coaster.
“Tara na. Try natin ’yung iba pang rides,” aya sa akin ni Melvin.
Hindi ako makatayo. Sobrang nanghina ang katawan ko dahil sa naging rides na iyon. Hindi na ako uulit. Nakakatakot shutangina!
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Inalalayan niya ako para makatayo. Pangit ang panahon, nagdidilim ang kalangitan. Hindi ako nagkamali ng biglang bumuhos ang ulan.
Agad akong hinatak ni Melvin para makasilong. Ang isang kamay ay nakatakip pa sa ulo ko, na para bang masisilungan no’n ang ulo ko. Parehas tuloy kaming basa nang tuluyang makahanap ng masisilungan. Natatawa pa siya dahil basang-basa siya.
“Magpatila muna tayo, mamaya na tayo umuwi,” sabi niya na tinanguan ko na lang.
I look at him. They say I’m lucky to have him. Gentleman, sweet, and caring. Iba rin magmahal, talagang damang-dama ko. Siguro nga swerte na ako sa kaniya. He’s my first boyfriend. Siya rin ang unang lalaking dinala ko sa bahay at nakilala ng pamilya ko.
But it turns out that he’s not perfect guy I know. May nalaman ako. Pero hindi ako naniniwala dahil mas malaki ang tiwala ko kay Melvin. But part of me wants to believe.
“Nag-away si Megan at Kristel kanina. Hinalikan kasi ni Megan ’yung boyfriend ni Kristel noong nalasing sila,” sabi ni Inah.
Nakikinig lang ako sa kanila. Kaibigan namin ang mga tinutukoy. Wala ako sa inuman na naganap kaya hindi ko alam ang totoong nangyari. Wala rin naman si Melvin doon.
“Buti na lang matino si Melvin,” nasabi ko na lang.
Napatingin sila sa akin. May kung ano sa tingin nila, na para bang hindi sila sang-ayon sa sinabi ko.
“Nako. Hindi ka sure diyan,” sabi ni Inah.
Mas lalo akong kinutuban. May alam sila na hindi ko alam. May hindi sila sinasabi sa akin. Kaya gumawa ako ng paraan para malaman iyon.
I made two facebook accounts. Isang Mia ang pangalan, at isang Pearl. I chatted Melvin using those account. Grabe ang kaba ko habang ginagawa ko iyon. I never thought about this. Hindi ko inakalang darating sa punto na gagawa pa ako ng accounts para lang malaman kung niloloko niya ba ako o hindi.
“Babe, can I borrow your phone?” tanong ko nang magkasama kami.
Siya naman ang kukuha ng order namin. Matagal nga dahil maraming nakapila.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short Story©All Rights Reserved COLLECTION Started: September 2, 2024 Ended: Collection of my one shot stories. Photo in book cover is mine and captured by me. ^^ Romance ✔️ Tragic ✔️ Horror ✔️ Open ending story ✔️ Teen Fiction ✔️ Mystery Thriller ✔️