Their Dream

7 3 0
                                    

THIRD PERSON’s POV:

Sixty five years old na si Miguelito. May dalawang anak na babae. Ang kaniyang asawa ay namatay anim na taon na ang nakalipas. Naging sakitin si Miguelito at mabilis na tumanda ang kaniyang itsura. Kasalukuyan siyang nasa Ospital at doon namamalagi dahil sa sakit nito sa puso.

“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na laging tulog si Daddy o mag-aalala,” sabi ng panganay nitong anak.

Palagi itong tulog sa kadahilanang may babae siyang nakikita sa kaniyang panaginip. Hindi maipaliwanag na pangyayari ang kaniyang nararanasan. Sa tuwing matutulog si Miguelito ay nakikita niya sa kaniyang panaginip ang babaeng may magandang mukha.

Ang babaeng iyon ay si Ash. Twenty seven years old at nagtatrabaho sa isang hotel. Nakikita niya rin si Miguelito sa kaniyang panaginip. Parehas sila ng sitwasyon, pero hindi nila alam ang pangalan ng isa’t-isa.

“Sabi ng doctor okay lang naman daw na matulog nang matulog si Daddy. Mas lalakas daw ito dahil nakakapagpahinga,” sabi naman ng bunsong anak ni Miguelito.

Sabay nilang tiningnan ang Daddy nila na mahimbing na natutulog na naman. Nagpakawala na lang ng isang buntong hininga ang panganay na anak ni Miguelito. Naniwala sila sa sinabi ng doctor na makabubuti sa Daddy nila ang pagpapahinga na madalas.

Ilang buwan na patuloy naging gano’n si Miguelito at Ash. Marami na silang napag-usapan habang nasa panaginip sila. Bawat nangyayari sa araw ni Ash ay kinukwento niya. Si Miguelito naman ay mataman na nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. Sa isip nito ay gandang-ganda siya kay Ash. Sa tuwing susubukan niyang itanong ang pangalan nito ay bigla na lang siyang nagigising.

“Pasensya na po, kailangan kasing i-check ang puso ninyo,” sabi ng nurse na gumising sa kaniya.

Nakaramdam ng inis si Miguelito pero hindi na siya kumibo. Hinayaan niya ang nurse na gawin ang kailangang gawin sa kaniya. Ang isip niya ay puro lang tungkol kay Ash. Gusto na ulit niyang matulog para makita ulit ang babae.

Naging libangan na rin ni Ash ang matulog nang matulog sa tuwing matatapos niya ang kaniyang mga gawain. Nagtataka na ang kaniyang pinsan na si Jorgie dahil sa dalas at maaga nitong pagtulog. Sa tuwing uuwi galing trabaho ay mag-aasikaso lang ito saglit at kakain, pagkatapos ay agad nang pupwesto sa kaniyang kama at matutulog.

Napapailing na lang na nakatingin si Jorgie sa kaniyang Ate Ash. Siguro ay pagod ito kaya maagang natutulog. Iyon na lang ang naiisip ni Jorgie kaya hinahayaan niya na lang ang Ate niya na matulog nang mahimbing. Hindi niya alam na kaya nito gustong matulog ay dahil sa lalaking madalas nitong nakikita sa panaginip. Ang lalaking may itim na itim at makapal na buhok. Matangkad at makinis ang balat. May matangos na ilong at mapupulang labi. Iyon ang nakikita niyang itsura ni Miguelito sa panaginip niya. Ang kabataan na itsura nito ang kaniyang nasisilayan.

“She’s sexy,” sabi ng bunsong anak ni Miguelito habang nakatingin sa babaeng pininta niya.

Parehas nilang ipininta ang isa’t-isa. Si Ash na ang pininta ay ang binatang itsura ni Miguelito, at si Miguelito na ipininta ang totoong itsura ni Ash.

“She always in my dream. Nagkakasala na yata ako sa Mommy ninyo,” biro ni Miguelito sa anak.

Yumakap sa kaniya ang anak na bunso. “No, Dad. It’s fine. Baka sign na rin iyan na pwede ka pa ring magmahal ng iba. I’m sure Mom will understand,” sabi nito.

Niyakap niya ang anak na bunso. Tumatak sa isip niya ang sinabi ng kaniyang anak. Sinubukan niyang iwasan ang babaeng nasa panaginip niya, pero kahit siya ay nasasaktan sa ginagawa niya. He fell in love with that girl.

Weeks of being in the hospital, Miguelito always sleeping. Inutusan niya ang anak niya na hanapin si Ash. Nalaman nito kung ano ang totoong pangalan ng babae, at kung saan din ito makikita. Gusto nang lumabas ni Miguelito para siya na mismo ang makapunta sa babaeng mahal niya.
Taliwas sa kaniyang kaalaman na ang babaeng mahal niya ay isinugod sa Ospital kung nasaan siya ngayon. Hit and run ang naging lagay nito.

Bago mangyari ang aksidente, abala si Ash sa pagscroll sa kaniyang facebook account. Naisipan niyang muli na hanapin ang lalaking nasa panaginip niya. Inisa-isa niya ang mga account na naglalaman ng mga pictures, ang mga walang profile ay tiningnan niya rin at nagbaka sakali na may mahahanap na picture ng lalaking nasa panaginip niya.

Sa kabila ng pagsuko niya ay napansin niya ang isang account. Ang account na may Miguelito na pangalan at medyo may edad na ang lalaking may ari nito. Out of curiousity ay pinindot niya ang account at tiningnan ang mga post at pictures doon.

Micah Fracisco
Aug 31. 🌍

I saw Daddy’s photos when he was 30. He’s sooooo handsome!

(Insert photos)

Napaawang ang bibig ni Ash nang makita ang mga litrato. Halos isang buwan na ang nakalipas mula ngayon ang post na iyon. Ang lalaking nasa litrato ay ang lalaking nakikita niya sa panaginip niya.

Pinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga post. Pati ang nagngangalang Micah Francisco ay tiningnan niya rin. Doon niya nakita ang ilang mga litrato ni Miguelito. May kaunting hawig pa rin ito mula sa pagkabinata na itsura. Kusang tumulo ang luha ni Ash habang tinitingnan ang solo picture ng matandang lalaki.

“Kaya pala sabi niya I am too young for him...” nasabi nito sa sarili.

Hindi siya makapaniwala na ang binatang Miguelito ang nakikita at nakakausap niya sa kaniyang panaginip. Ilang dekada ang pagitan ng edad nilang dalawa.

“Ate Ash, saan ka pupunta?” tanong ni Jorgie sa pinsan.

Nakaayos si Ash at pupunta sa Ospital kung nasaan si Miguelito. Siya na mismo ang pupunta rito. Gusto niyang makumpirma ang mga tanong sa kaniyang isip.

Tipid siyang ngumiti sa pinsan. “Nakita ko na siya. ’Yung lalaki sa panaginip ko, alam ko na kung saan ko siya makikita. He’s in the hospital right now,” sagot nito sa pinsan.

Laglag ang panga ni Jorgie. Naging invested na rin siya sa lalaking nasa panaginip ng kaniyang pinsan simula nang makita nito ang painting. Hindi kasi ito makapaniwala na posible palang mangyari ang gano’ng klaseng panaginip.

“He’s sixty plus. Matanda na siya. ’Yung nasa painting ko, siya rin iyon... pero noong binata siya,” dagdag pa ni Ash na mas nakapagpagulat kay Jorgie.

“Tinadhana pero hindi na pwede,” nasabi na lang ni Jorgie.

Nagmamadali si Ash. Kakaiba ang bugso ng damdamin niya. Nagcommute siya papunta sa Ospital. Pero sa kasamaang palad, patawid siya nang may isang van na nagmamadali kahit na red light pa. Sumalpok ang katawan niya sa harapan ng van at tumilapon pa sa kalsada na nagdulot ng malakas na tama sa kaniyang ulo.

Agad sumugod ang mga taong malapit sa kinaroroonan ni Ash. Duguan ito at wala nang malay. Isinugod siya sa Ospital kung saan naroroon din si Miguelito. Pero hindi na nakaabot pa si Ash. Dead on arrival ito dahil sa rami ng dugong nawala at sa nabiyak nitong ulo dahil sa lakas ng pagkakatama. Marami ring galos ang katawan.

Hindi makapaniwala ang pinsan nitong si Jorgie habang nakatingin sa kabaong kung nasaan ang Ate Ash niya. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi niya agad ito matanggap. Ang maamong mukha ni Ash na parang natutulog lang. Ilang araw lang itong binurol at agad ding inilibing dahil wala nang ibang hinihintay na pamilya.

Habang pinaglalamayan si Ash, nakalabas naman na ng Ospital si Miguelito. Ilang araw siyang pinagpahinga muna ng mga anak. Dalawang araw matapos ilibing si Ash, nagpunta si Miguelito sa Hotel kung saan ito nagtatrabaho. Doon niya nalaman na huli na pala siya. Hindi niya na naabutan ang babaeng nasa panaginip niya.

Matapos ang araw na ’yon, sinikap niyang matulog kahit mabigat ang kaniyang loob. Sa kaniyang panaginip ay nandoon siya sa tambayan nila ni Ash. Naghihintay siya na magpakita ang babae ngunit wala ni anino man nito. Na kahit pala sa panaginip ay hindi na sila magkikita pa. Ang huling beses na nagkasama sila ay isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula rito.

Yakap na hindi niya inakalang magsisilbing pamamaalam.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon